TITULO: BINIBINI AT GINOO
MAY-AKDA: ms__selenophile
GENRE: ROMANCE
"Ilang araw na lang ang pamamalagi mo rito sa Pilipinas, aking pinsan?" tanong ni Carlos sa pinsan niyang si Antonio.
Naglalakad silang dalawa patungo sa hapag-kainan.
"May isang linggo na lang, dahil alam mo namang maghahanda pa ako para sa aking nalalapit na kasal," sagot ni Antonio.
"Ako'y masaya para sa iyo dahil nahanap mo na ang taong makakasama mo habangbuhay," nakangiting sambit ni Carlos.
Hindi alam ng pinsan niya na napipilitan lang siya sa kasal na ang mga magulang niya ang may kagustuhan. Ni hindi niya mahal ang babaeng ipakakasal sa kaniya.
"Huwag kang mag-alala. . . mahahanap mo rin ang sa iyo, aking pinsan."
Ngayon ay nakaupo na ang dalawa sa harap ng hapag-kainan. Ilang sandali lang nang lumapit na ang tatlong katulong na may dalang pagkain nilang dalawa. Isa sa mga kasambahay ang nakakuha ng atensiyon ni Antonio.
"Ano ang pangalan ng katulong mong may suot na asul na blusa at saya?" tanong ni Antonio.
"'Yon ay si Lara. Bago pa lang siya rito. Bakit mo naman natanong?"
"Bago lang kasi siya sa aking mga mata kaya ko naitanong."
"Pero iba ang pinapahiwatig ng iyong mga mata, pinsan. Alalahanin mong ika'y malapit ng ikasal," biro ni Carlos.
Napangiti na lang si Antonio sa sinabi ng kaniyang pinsan.
NAGDIDILIG ng mga halaman si Lara nang lapitan ito ni Antonio.
"Ang ganda ng mga bulaklak na 'yan, pero mas maganda ka, binibini."
Nanlaki ang mga mata ni Lara nang tingnan ang hindi kilalang binata. Ilang segundong nagkatitigan, tibok ng mga puso'y bumilis nang hindi inaasahan.
Nang mabalik sa reyalidad, iniwasan at tinalikuran ni Lara ang binata.
"Sandali lang, binibini, hindi ako masamang tao."
Tila'y hindi narinig ni Lara ang sinabi nito kaya deretso lang ang lakad niya habang hawak-hawak ang pandilig.
Lakad-takbo ang ginawa ng binata para mahabol ang dalagang tumalikod sa kaniya. Ang dalagang unang nagpabilis ng tibok ng kaniyang puso. Nang maabutan ay mabilis na hinawakan nito ang kamay ng dalaga.
"Sa wakas," mahinang wika niya.
"Marami pa akong gagawin, ginoo," tanging wika ng dalaga.
"Lara, hindi ba?"
Agad na iwinaksi ng dalaga ang kamay ni Antonio na nakahawak sa kamay niya nang makitang papalapit ang isa sa kasama niyang katulong.
"Lara, tapos ka na ba sa pagdidilig?"
BINABASA MO ANG
MAKALUMANG PAG-IBIG: Antolohiya ng Maiikling Kwento
Short StoryAng librong ito ay naglalaman ng mga akda ng iba't ibang manunulat na nagpasa sa palahok ng GOLDEN PEN para sa maikling kuwento. Ang lahat ng nilalaman nang librong ito ay may pahintulot ng may akda na ilangkop sa loob ng librong ito, bilang partis...