QUILIOPE RANCH

15 3 0
                                    

TITULO: QUILIOPE RANCH

MAY-AKDA: Bad_Date

GENRE: ROMANCE/TRANSMIGRATION

"Madam, May photoshoot ka mamayang alas-tres 'di ba?" tanong ng alalay niyang si Tintin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Madam, May photoshoot ka mamayang alas-tres 'di ba?" tanong ng alalay niyang si Tintin. Hila-hila nito ang dalawang malalaking maleta patungo sa kotse.

"Kinansela ko na," seryosong sabi ni Scarlett. Sumakay na siya sa driver seat ng kotse at hinayaan si Tintin na maglagay ng maleta niya sa likuran ng kotse.

"Eh. . . Saan ba tayo pupunta, Madam? Baka hanapin ka ni Ma'am Dominica at Sir Martin?" sagot nito habang pinupunasan ng panyo ang noo.

"Hayaan mo sila. Galit naman sila sa akin kaya sumakay ka na," utos niya kay Tintin. Agad naman itong sumakay sa unahan.

Wala sa sarili si Scarlett. Wala siyang mukhang maihaharap sa mga tao, pagkatapos kumalat ng malalaswa niyang larawan kasama si Mario Guanzon. Agad niyang in-start ang engine ng sasakyan. Bahala na kung saan siya makarating.

Si Mario Guanzon ay sekreto niyang karelasyon. Nang kumalat ang mga larawan nila, saka lumitaw ang balita na may asawa na ito at may anak na itinago ng lalaki sa publiko. Halos isumpa siya ng sambayanan dahil doon, nakatatanggap na rin siya ng banta. Maging ang mga magulang niya ay halos isumpa siya lalo na ang ama niya na isang Mayor.

"Madam, Ilang oras na tayong nasa biyahe. Nasaan na ba tayo?" May pag-aalala sa boses ni Tintin.

"Huwag ka ng magreklamo diyan," inis niyang sabi.

Patungong La Union ang daan na tinatahak nila. Ang alam niya ay taga-roon ang Daddy niya at may hacienda na ibinebenta ngunit walang interasado.

Buong araw yata silang nasa biyahe, dagdag pa ang mabagal na daloy ng trapiko dahil Holyweek.

Nasapo ni Tintin ang noo nang mauntog siya dahil sa biglaang pagpreno ni Scarlett. Nakatulog ito sa biyahe habang nakanganga kaya lumitaw ang sungki-sungki nitong mga ngipin. Nagtaka ang alalay ng bumaba siya.

"Nandito na ba tayo, Madam?" excited na tanong nito at bumaba na rin.

"Parang may nabangga yata ako. . . May bigla na lang tumawid kanina," sabi niyang tumingin pa sa ilalim ng kotse. "Wala naman," nakapameywang niyang sabi.

Inilabas ni Tintin ang cell phone. "Baka guni-guni mo lang iyan, Madam," sabi nitong itinaas ang hawak na cell phone. "Walang signal," nakasimangot na sabi pa nito.

"Mas maganda, malayo sa mga tsismosa." Lumingon-lingon si Scarlett habang minamasahe ang nangalay na braso dahil sa pagmamaneho. Umupo siya sa tumbang puno sa gilid ng kalsada. "Baka nga guni-guni ko lang nga iyon," kibit-balikat niyang saad. Hanggang sa may napansin siyang lumang gate.

"Quiliope Ranch?" sambit niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit doon. "Tin, tingnan mo 'to," tawag niya sa alalay na nagpapadyak na dahil sa inis. Wala pa rin itong mahagilap na signal. "Tin, baka pamilya ni Daddy ang may-ari nito. Tingnan mo ka-apelyido ko, oh," aniya. Sumunod ito sa kaniya.

MAKALUMANG PAG-IBIG: Antolohiya ng Maiikling KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon