ADELA: PAGSINTANG WAKAS

37 7 0
                                    

TITULO: ADELA (Pagsintang Wagas)

MAY-AKDA: tingonzales24

GENRE: ROMANCE

Isang mapayapa at maaliwalas na panahon ang bumungad sa kaniya nang umagang iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang mapayapa at maaliwalas na panahon ang bumungad sa kaniya nang umagang iyon. Mabilis niyang kinuha ang batya at nagtungo sa batis kung saan siya maglalaba. Dala ang isang balde upang lagyan din ng tubig pabalik sa maliit nilang kubo. Nasa gitna ito ng bukid at mga ilang minuto bago iyon marating. Suot ang saya at isang bandana, mabilis niyang nilisan ang bahay nila upang makabalik agad.

"Adela! Wala pa si haring-araw bitbit mo na ang batya mo!" sigaw ng kaibigang niyang si Panya.

Lumingon siya at sinipat ang suot nito. Isang napakagandang bestida at may dalang bayong.

"Ikaw rin, Panya. Bakit ang aga mong bitbit ang bayong mo? At nakasuot ka pa ng mamahaling bestida?"

Saglit itong tumigil. "Makikipag-barter kami ng aking ina sa kabilang baryo, Adela," masayang wika nito.

Bigla lumungkot ang mga mata niya. "Sana marating ko rin ang baryong iyan. Balita ko sagana ang pamumuhay nila roon. Pero ayos lang, masaya ako na narating mo iyon."

Yumakap ito sa kaniya at mabining humagikhik. "Sa susunod isasama kita para makita mo rin ang mga ginoo at mga mayayamang nangangalakal doon."

Bumitaw siya at tumitig sa kaibigan. "Ikaw ba ay may napupusuan na roon?"

Kitang-kita niya ang ningning sa mga mata nito kasabay ng isang tango.

"Pupunta siya rito para mamanhikan na. Siya iyong sinasabi kung iniibig ko noong mga bata pa tayo, Adela. Doon na sila na ninirahan," anito at yumakap muli sa kaniya hanggang nagpaalam na ito.

Habang tinatanaw niya ang kaibigan, naisip niya na malabong mapunta siya sa lugar na iyon. Sa pagtanim ng kung anong mga prutas at gulay lang sila umaasa. Gustuhin man nila ang makipag-barter, wala silang kakayanan na gawin iyon. Masaya naman siya kasama ang mga magulang niya sa estado ng buhay nila.

Tinanggal niya ang bandana pagdating sa batis at nagsimulang basain ang mga damit, saka kinusot gamit ang dahon ng papaya at gugo para bumula. Ito ang gamit nila upang bumula at matanggal ang amoy at dumi ng mga damit.

Walang ano-ano'y biglang may nahagip siyang bulto ng katawan sa dako roon. Napakamatipuno niyon at parang ngayon lang niya nakita ang itsura nito. Makinis at maganda ang kasuotan nito na parang maharlika sa paningin niya. Kinabahan siya sa uri ng tingin nito sa kaniya habang papalapit sakay ng isang kabayo.

"Magandang umaga, Binibini." May pagkaseryoso ito pero nababakas pa rin ang kagandahang lalaki nito.

Napatayo siya at napayuko nang bumaba ito sa sinasakyang kabayo.

"Ano ang ngalan mo? Mapanganib sa kagaya mo ang lugar na ito." Bigla itong ngumiti at mas lumapit pa sa kaniya at hinawakan ang baba niya.

Agad siyang lumayo rito. "Kalapastanganan ang ginagawa mo, ginoo. Ang hawakan ang kahit dulo ng daliri ng kababaihan ay—"

MAKALUMANG PAG-IBIG: Antolohiya ng Maiikling KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon