Chapter 1: Playboy MVP & NBSB Beauty

33 4 0
                                    

JOSEPH's POV

Andito ako ngayon sa Performing Arts Center ng Asian Ophir University at kasalukuyang pinapanuod ang final Q&A segment para sa tatanghaling Campus Beauty Queen of the year. 

Nasa stage ang top 3 finalist at isa ako sa kinakabahan habang sumasalang sila sa pagsagot ng kani-kanilang katanungan. Lahat naman sila ay magaganda ngunit talagang may isang mukhang naka-aangat sa kanila! Sa puso ko ay sya na ang winner at prepared na ako sa pagtanggap ng aking magiging reward mula sa kanya mamaya. Nakapako lang ang aking paningin sa mala-Dyosa at anghel nyang mukha!

" Ophir people, here's our last but not the least finalist, candidate number 8! Hello gorgeous, how are you? " tanong sa kanya ng emcee ng patimpalak.

" Im good, thanks for your compliment! " response nya dito.

" You're so beautiful I envy you! Your boyfriend is so lucky to have you. Is he also studying here in Ophir University? " curious na tanong sa kanya ng host.

" Ahm, I've never had a boyfriend since birth. " nangingimi n'yang sagot.

" Whoah! really? that's interesting! Maybe you have a very high wall of standards that your suitors ain't able to climb it! I can't blame you because it's not easy to own a Goddess! " hindi makapaniwalang gigil na lahad ng emcee.

May nahihiyang ngiti syang tumugon dito " Not that much. "

" Anyway, do you feel any nervous right now? "

" Yeah, to be honest Im a little nervous and pressured right now.." may payak na ngiti nyang pag-amin at baling dito.

" But I'm confident to myself that I can make it! " ngiting sulyap naman nya sa audience na tulad ko ay puno din ng paghangang nakatutok ang paningin sa kanya.

" Being nervous is normal and I also feel the tension tonight, but we have to move on to this final portion of the contest! " sabi ng host sa lively nyang tono!

" Ready now? this last questionnaire is for you! " dagdag pang saad nito na syang nakapagpakaba pati na ng aking puso!

" Every one is aiming for the crown, hoping to be the most beautiful face in Asian Ophir University! Being Queen will open doors of opportunities and it will also bring fame! But in contrary of this, in your own opinion WHAT DO YOU THINK IS/Are THE DISADVANTAGE(S) OF BEING CAMPUS BEAUTY QUEEN OF THE YEAR?

" Ladies and gentlemen, hello, good evening! " confident na greetings nya kasabay ng pagsilay pa ng matamis nyang ngiti para sa lahat ng naririto.

" I believe that a real Beauty Queen is a strong woman, upright but not afraid to embrace her flaws! No one is perfect and we all have our weaknesses to improve and imperfections to accept! After being called Campus Beauty Queen, the only sad truths I see are those HIGHEST EXPECTATIONS and JUDGEMENTS from the eyes that always looking at you! People will set their high standards towards you, and you will be under their validations! And it will be hard for you to commit a single mistake because if you do? You'll be wronged as you don't meet the perfect gaze and beauty they wanna see from you! And fame? it's also equivalent to having no privacy! However, having the title doesn't mean that you have to always impress them, or to always care and show them that you are this somebody most beautiful and perfect because no one in this world is! All you just have to do is to be true to yourself! " kitang-kita ang emosyong ipinapakita nya habang sinasabi ang mga iyon! " Whether I'll be crowned as the Campus Beauty Queen of the Year or not, I would still rather focus on my own advocacy and growth, and I wouldn't mind all of those negative dictates and impacts from hearsays. As I know my worth and my principles in life, I believe that I can be exemplary to my fellow Ophirians! Thank you! "

Nag-humiyawan at napuno ng palakpakan ang bawat panig ng Ophir's Arts Center.

" That's mic drop candidate number 8, you don't look nervous at all! good luck to you! " sabi pa ng emcee.

Hindi naman nagtagal ay in-announced nadin ang winner at syempre siya na nga ang hinirang na Campus Beauty Queen of the Year! Hakot awards din sya bilang Most Photogenic, Most Talented, at Most Popular!

Isang buwan din pala akong naging abala upang trabahuhin at ipatrabaho din sa mga kasamahan ko ang pagpapa-heart react sa picture entry nya sa pageant wall page ng University namin.

May deal kasi kami na sasagutin nya ako kung sakaling mai-panalo nya ang beauty contest na to! At bukod pa nga sa mga estudyante at mga kakilala ko here and abroad, ay ginamit ko din ang impluwensya ko bilang young Executive Director ng FGIC para makakalap pa ng mas maraming heart votes.

Tiwala naman akong mananalo sya pero masaya padin akong ginamit ko ang lahat ng resources ko para matulungan sya. Nakakamangha ngang nakakuha sya ng million+ heart reacts from that social media platform kaya naman sya rin ang tinanghal na Most Popular! Landslide ang pagkapanalo nya kasi naman bukod sa angking ganda ay talented at matalino rin ang mahal kong si Melissa.

Bagay na bagay sa kanya ang korona! Nagniningning sya sa sentrong ilaw ng entablado, kasabay ang pagbagsak pa ng mga confetti!

Habang isinasabit ang mga sash sa kanyang silver long gown ay naroon parin ang elegance at firm poise nya sa pagkakahawak ng kanyang bouquet at trophy.

Ibinigay ko ang signal sa aking mga kaibigan. Kinakabahan pa ako pero ito na ang perfect timing para sa inihanda kong surpresa!

Suot ang informal attire kong trousers at white tshirt na pinatungan ko ng itim kong formal suit jacket ay nakaupo ako ngayon sa bandang unahan ng podium habang pinopompyang ng kaba ang aking dibdib! Bahala na si batman sa susunod na mangyayari pero isusugal ko na ang sandaling ito!

Iniladlad ng tropa ko sa harapan ang malaking banner na nagsasabing   " Ms. Larah Melissa Esquivel, will you please be my girlfriend? "

Pumukaw ito sa atensyon ng lahat ng naroroon.

Tumayo ako at binitbit ang bouquet ng flowers sa tabi kong upuan. Nagtama ang aming paningin at sandali kaming nagkatitigan. Natuod ako sa aking kinatatayuan hanggang sa mabasa ko ang gesture ng kanyang labi na nagsasabing "yes!"

Nagmamadali akong naglakad-takbo at nagtungo papunta sa kanya. Nayakap ko sya agad ng mahigpit dahil sa sobrang saya ng aking pakiramdam! Naulinigan ko nalang ang hiyawan at palakpakan ng mga taong nakamasid sa amin.

Hindi ko na naibigay sa kanya ang hawak kong bulaklak bagkus ay tinulungan ko nalang syang magbitbit ng kanyang trophy at certificates.

Maganda na sya pero naging mas maganda pa sya ngayon dahil sa kanyang ayos at gown na suot! Hindi ko sya mapigilang sulyapan kahit pa nga katabi ko na sya. Hindi ako nakapagpigil at ninakawan ko sya ng halik sa pisngi nuong tinutudyo kami ng host!

Sobrang saya ko sa mga sandaling ito sapagkat nagbunga nadin ang matagal ko ng pinakahihintay! I'm courting her for half a year now at laging nabobokya ang diskarte ko sa kanya dahil lang sa pagiging kilala ko sa campus as womanizer!

Yep, I am known as a playboy MVP, pero syempre dati na yun. Nagawa kong lumayo at talikuran ang pagiging babaero ko 6months ago. Kay Melissa ko gustong magseryoso at wala na sa plano kong pakawalan pa sya. Handa kong baguhin ang sarili ko para lang sa kanya!








𝑭𝒂𝒖𝒍𝒌𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #1: I Married My Boyfriend's CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon