CHEM's POV
Hello Saturday, it's my birthday!
Nagpasama ako kanina sa magjowang Melissa at Joseph para mamili ng mga ingredients para sa lulutuin kong handa sa birthday party ko! Bumili nadin kami ng sandamakmak na beers saka finger chips.
After namin mamili sa supermarket ay dumiretso na kami dito sa bahay ni Papa Calvin. Naabutan pa namin yung limang katulong na pumupunta dito every weekends para maglinis, galing pa daw ang mga yun sa mansion ng parents ni Calvin sa Makati.
Maaga kong pinapunta dito yung dalawa ko pang friends, si Janetot saka ate Tina para makatulong ko sila sa pagluluto. Si Melissa kasi ay hindi mo yan maaasahan sa kusina kasi wala syang alam sa pagluluto! - Uh, wait, may alam naman pala sya, tumulong syang maghiwa ng sibuyas at bawang kanina!
Dumating na nga yung dalawa kong helper cooks, kasama din nila yung boyfriend ni Janetot na si Jeck. Nagstart kaming magluto at 4pm, then yung usapan naman naming punta ng iba pa naming classmates ay 6pm. Nagluto kami ng carbonara, pansit, lumpiang shanghai, saka tatlong putaheng ulam. Si Janetot ang nagprepare ng finger foods then si Joseph at Jeck naman ay nag-ihaw sa labas ng liempo at isda.
Pagkatapos naming magluto ay inilabas namin yung long table at ipinwesto nina Joseph iyon duon malapit sa pool. Inihain na namin ang mga pagkain pati inumin, buti na lang at may mga serving trays sa kitchen's cabinet ni Papa Calvin. May contis mango bravo cake din nga pala ako na bigay sa akin ni Melissa!
Nagpalit na kami ng damit at nagsuot na kami ng swimwears! Nakakainis lang kasi talbog na naman kaming lahat dito kay Melissa! Favorite siguro 'to ni Lord kasi ang ganda-ganda na nga ng mukha tapos ang sexy-sexy pa! Nakasuot sya ng ternong green halter bra saka bikini skirt. Kung tutuusin mas malaki boobs ko sa kanya kaso lang napakaganda kasi talaga ng kurba ng katawan nya, ang liit ng nakalantad nya ngayong bewang! Okay lang, sintunado naman syang kumanta saka hindi sya marunong sa kusina unlike me na may maayos na boses saka magaling pang magluto! Magaling ha hindi ko sinabing masarap, minsan kasi palpak din ang lasa, hehe!
Nagdatingan na yung iba pa naming mga kaibigan, naghanay ang mga sasakyan at motor nila sa gilid ng gate ni Papa Calvin. Kumain na muna kami ng hapunan at inumpisahan na namin ang kasiyahan para sa aming buong magdamag!
Maya-maya lang ay dumating nadin si Papa Calvin, galing sya sa trabaho kahit pa Sabado! Pagkadaan sa gate ay idineretso nya ang kanyang sasakyan sa parking space. Nakatanaw kaming lahat sa kanya pero pumasok na sya agad sa loob ng bahay. Sa isip ko ay napakasuplado talaga ng taong yan dahil hindi man lang nag-abalang batiin ako ngayong araw! Ano bang plano nya matutulog na? Ipinagmalaki ko pa naman sya sa mga kasama ko!
Natanawan ko sya sa balcony na kasama si Joseph. Nasa harapan iyon, sa taas ng malaking bahay. Maganda ang istilo ng mansion at bakuran ni Papa Calvin, pagpasok mo pa lang sa gate ay kita mo na agad ang malawak na frontyard. Merong landscape ng mga halaman sa harap ng bahay, maluwang ang patio saka pahabang garage. Nasa front yard din itong malaking pool na may hugis number 8, sa gilid nito ay meron ding gazebo na pinag iinuman naman sa ngayon ng mga kasama naming lalaki.
May apat na palapag ang bahay ni Papa Calvin, na yung 2nd at 3rd floor ay may mahahabang balcony na magkadugtong ang harapan at kanang gilid. Yung fourth floor ay rooftop, tapos terrace naman ang bungad dito sa ibaba, bago pumasok sa living room. Tanaw din dito yung parang isinabit lang na pabilog na veranda sa dulong gilid ng second floor, iyon ang paboritong spot ni Melissa.
Nagkakasiyahan na kami ngayon! Yung iba ay naliligo na sa pool, iba naman ay nagchichikahan habang umiinom. Ako naman saka sina Janetot, Lady at Ella ay magkakasamang nag-iihaw ngayon ng barbecue, tapos si Melissa ang parang waitress na nagdadala at nagseserve ng mga niluto namin sa aming mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
𝑭𝒂𝒖𝒍𝒌𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #1: I Married My Boyfriend's Cousin
RomanceLong time crush ni Melissa si Joseph, at kahit na kilalang playboy ng campus ay nagawa namang tumino ni Joseph nuong mapaibig sya ni Melissa. - Naging smooth at perfect ang relationship nilang dalawa sa loob ng mahigit isang taon, subalit bilang lal...