MELISSA's POV
" ??? Oh MY GOSH!! BESHYY! ! ! " nagising ang katawang lupa ko nuong marinig ko ang palahaw ni Chem.
Ang aga-aga n'ya naman yatang mang-gising! Anong oras na ba?
" LARAH MELISSA ESQUIVEL! ! ! " narinig kong muli ang malakas nyang paghiyaw sa akin! Ano bang problema nya? Ina-antok pa ako!
" ..bakit ba Chem? Ang aga mo naman yata pumunta sa kwarto koh? " tumihaya ako ng aking pagkakahiga at pupungas-pungas kong sinabi iyon sa kanya, kinusot-kusot ko pa ang aking mata dahil pakiramdam ko'y tulog na tulog padin ang aking diwa.
" MELISSA! Wala tayo sa dormitory!! Ahh! Bahala ka na nga! " nagulantang ako nung marinig ko ang pagkalabog ng isinara niyang pinto!
Bakit? Asan ba kami? Inalala ko sa aking isip ang nangyari kahapon habang hinihilot ko ang aking sintido, pikit parin ang aking mga mata. " Ah, nag-sleep over kami sa bahay ni kuya Calvin, andito kami kahapon. "
Naramdaman ko na lang bigla ang pag-galaw ng kung anumang nakapulupot sa aking bewang, sinulyapan ko ang aking damit pero himalang nakatulog pala ako ng nakakumot kagabi. Inangat ko ang kumot at nagulat naman ako sa aking nakita!
" Ahhhhhhh!!! " napasigaw ako sa gulat ng makita ko ang hubad kong katawan! At nuong mapagsino ko ang may-ari ng bisig na nakayakap sa akin ay biglang nanumbalik ang aking katinuan!! Katabi ko sa kama si kuya Calvin at nagising ko ito sa aking pagsigaw! Hindi ko na hinayaang magkatinginan pa kami kaya tumayo na ako agad at hinila ko ang kumot na tumatakip sa amin! Binalot ko ng kumot ang hubad kong katawan pero mas nagulat pa ako nung masulyapan ko ang kanyang pagkalalakí dahil wala na duong tumatakip!! " Shét!! " ngali-ngali akong nagtatakbo papunta sa CR ng guest room!
Napasuka ako sa sink ng comfort room dahil hindi ko madigest ang nakita ko! Ang hapdi din ng aking sikmura dahil siguro sa alak na ininom ko kagabi. Shít! Gaano nga ba kadami ang nainom ko kagabi?
Flinush ko sa inodoro ang naipon kong tubig sa katawan kagabi pati nadin ang aking sama ng loob! Mahapdi ang dinaanan ng aking ihi!
" Shít! Melissa! Ano bang nangyari kagabi? Bakit ko katabi si kuya Calvin? " napahilamos ako sa aking mukha at pilit kong hina-hahilap ang kasagutan sa aking utak!
Nagbukas ako ng bagong toothbrush mula sa maraming naroroon sa rack at nilagyan ko iyon ng toothpaste mula sa dispenser. Pinagkalinis kong mabuti ang aking bibig!
Matapos kong magtoothbrush ay hinawi ko ang shower curtain na nagdi-devide sa shower at CR. Inalis ko na ang tapis kong kumot at saka ko nakita ang pagkadami-daming pulang kissmarks sa aking katawan! Mayroon pababa sa aking leeg, ..sa palibot, maging nadin sa aking dibdib! Sa tyan..at.. at..pati narin sa aking singit??! " Shít! Bampira ba ang sumipsip sa katawan ko kagabi?! "
Binuksan ko ang shower at itinapat ko ang sarili ko duon habang nagla-landas ang aking mga luha..
Ramdam ko ang sakit ng aking katawan lalo na sa part ng aking pagkababae.. Hindi ko maikakaila sa aking sarili na may nangyari nga talaga kagabi... And I lost my virginity last night..Hindi na ako virgin! Napa-hagulhol ako sa aking isipin!
I'm Calvin!
Biglang rumehistro sa utak ko ang boses na yun!
" Shít! Naibigay ko ang puri ko kay kuya Calvin.. Sa pinsan ni Joseph..." nag-uunahang lumandas lalo ang aking mga luha. "Joseph? Anong dapat kong gawin? "
***
Nagising si Calvin nuong marinig nya ang sigaw ni Melissa, at tuluyan pa nga syang nagising nuong kumaripas ito ng takbo papunta sa banyo! Kitang-kita nya kanina ang reaction ng mukha nito, lalo na nuong makita nito ang kanyang gising na gising na kargada! Natakot nya yata ito dahil sa namumutok na ugat ng galit nyang alaga! Kasalanan ba nya na simula pa kagabi ay hindi na yata nawala ang tigas ng kanyang manhood?
Pinulot nya ang damit nyang nakakalat at saka sya nagbihis. Pinulot nya din sa sahig ang short ni Melissa pati na ang blouse at bra nito na nasa lamp shade. Tinupi nya ang mga iyon saka nya inilapag sa kama. Nakita nya sa higaan ang sirang red lacy underwear ni Melissa, ewan nya sa sarili nya pero bigla syang napangiti. Ipinagitan nya iyon sa nakatuping short at blouse ni Melissa.
Lumabas na sya ng guest room at nagtungo na sa kanyang sariling silid upang maligo. Sumi-singaw na sa kanyang katawan ang amoy ng alak kaya kailangan na nyang magpa-fresh para naman hindi nakakahiya kay Melissa.
Samantala, si Chem ay nagpunta naman sa kabilang guest room at duon nag-ayos ng kanyang sarili. Hindi sya makapaniwala sa nakita nya kaninang magkasukob at nasa ilalim lang ng iisang kumot sina Melissa at Calvin! Napuna din nya sa tuktok ng kumot ang balikat ng mga ito na walang damit!
" Kung ganoon ay... Ibig sabihin ay may nangyari sa kanila kagabi dala ng kanilang kalasingan? " natutop ni Chem ang kanyang bibig!
Bumaba si Chem sa living room pagkatapos nyang maligo, duon na lang nya hihintayin si Melissa.
Pagka-baba ni Calvin galing sa kanyang kwarto ay napuna nya na mag-isa lang si Chem, kaya naman hinanap nya dito si Melissa.
" Where's Melissa? "
" Ewan ko? Hindi pa sya bumaba! "
" Kanina pa yun ah?! " sabi ni Calvin, at saka mabilis na nagtatakbo sya paakyat ng stairs para pumuntang guest room!
Kinabahan din si Chem kaya madali din s'yang sumunod kay Calvin.
Pagdating sa guest room ay wala duon si Melissa kaya tinungo nila ang CR.
" Melissa! " Sigaw ni Chem sa kaibigan, pero bago pa sya tugunin ni Melissa ay buong lakas ng tinadyakan ni Calvin ang pinto para pwersahing bumukas ang lock niyon!
Si Melissa ay tuloy padin sa pagmumuni-muning nakatapat sa shower at nagulat sya sa mga ito! Agad nyang isinara ang shower curtain na hinawi nya kanina, pero huli na yata para duon dahil nakita na sya ng mga ito! Si Chem ay sanay ng makakita ng tulad nyang katawan ng babae pero ewan lang kay Calvin! Sa manipis na curtain ay tanaw padin ang anino ng ma-kurba nyang katawan. Agad na lumayo si Calvin sa CR at nagstay na lang sa loob ng guest room.
" Akala namin nag-suicide ka na dyan beshy! " malakas ang boses ni Chem.
" Hindi ko yun gagawin! Tsk! " asar na response ni Melissa. Never yun pumasok sa isip nya! " Pakikuha ng damit ko, Chem! " pabor nya sa kaibigan.
Lumayo na nga din si Chem sa CR. Si Melissa naman ay binalot nyang muli ang kanyang katawan sa kumot kaya basang basa na iyon ngayon. Sumandal sya sa pinto dahil sira na ang lock niyon. Hihintayin na lang nya duon si Chem at saka sya magbibihis.
Sa loob naman ng guest room ay dadamputin na sana ni Chem ang damit ni Melissa, pero pinigilan sya ni Calvin. Naalala nya na sira nga pala ang undies ni Melissa, saka kahapon pa nitong suot ang damit niyang iyon. Naalala nya kagabi na sinabi nga pala nitong wala silang pamalit. Sinabi nya kay Chem na hintayin sya nito at kukuha lang sya ng pamalit na damit sa kanyang silid.
" Bakit? May damit ka ba ng babae sa kwarto mo? Papa Calvin? " takang tanong ni Chem, hindi na lang sya nito pinansin at nagdiretso na sya sa kanyang silid.
Sa walk in closet nya ay kumuha sya ng white polo at unisex slacks. Siguradong maluwag yun kay Melissa kaya kumuha nadin sya ng unisex din na brown belt, at saka boxer brief. Sa ganda ng katawan ni Melissa ay sure naman sya na kapag tinuck in nya iyon ay carry nalang sa kanyang dalahin ang damit nyang iyon. Naisip nya kung ano kaya ang magiging itsura ni Melissa suot ang kanyang damit?
Bumalik sya sa guest room at ibinigay iyon kay Chem. Kinatok ni Chem ang kaibigan sa CR, natagalan man sa paghihintay ay mabilis pading isiniwang ni Melissa ang pinto. Mabilis nyang kinuha ang damit dito at ini-lagay iyon sa rack, pero nung mapansing hindi sa kanya iyon ay napasigaw sya. " Yung damit ko Chem!!! " puputok na yata ang litid nya sa leeg sa sigaw nyang iyon.
Never nyang susuotin ang damit ni Calvin! Never! Ngarag namang napasunod si Chem at kinuha na nga nya ang damit nitong nasa kama. Nagbihis na si Melissa ng damit nya kagabi, pero na-windang sya ng makitang sira pala ang kanyang panty!
" Shít naman talaga oh! " Asar na asar at todo na yata ang nararamdamang inis nya! Wala syang choice kundi suotin ang boxer mini sa kabilang patas ng damit sa rack. Maliit ang length ng garter nuon kaya sure na kakasya iyon sa kanya. Mas ok ng suutin nya iyon kesa naman wala syang underwear!
BINABASA MO ANG
𝑭𝒂𝒖𝒍𝒌𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #1: I Married My Boyfriend's Cousin
RomanceLong time crush ni Melissa si Joseph, at kahit na kilalang playboy ng campus ay nagawa namang tumino ni Joseph nuong mapaibig sya ni Melissa. - Naging smooth at perfect ang relationship nilang dalawa sa loob ng mahigit isang taon, subalit bilang lal...