JOSEPH's POV
Philippine Grand Touring Car Championship.
Narito kami ngayon sa Clark International Speedway (CIS), ang biggest circuit sa bansa kung saan gaganapin ang competition para sa Supercars Cup. Suot na namin ang aerodynamic racing suit at naghahanda na kaming lahat ngayon para sa racing event.
" Hey Joseph! You're the man, dude! " si Ducan, sinuntok niya ng walang lakas ang aking dibdib bilang pagbati.
Ducan Al Kohbar, 29, Indiano na pro racer at champion of go-kart racing! Team mate ko sya sa Agartha Genesis (dating Agartha GT Turbo) at kahit na pasaway ay itinuturing padin syang strength sa aming team.
" Let's pusta! If I win I will date your beautiful girl for a day! " sira ulo to! matagal na syang nagsstay sa Pilipinas kaya marunong na sya ng ilang salitang tagalog, at dati nadin nyang tini-trip si Melissa pag nakakasama ko ito sa track field.
" My girl is not for bet! " pinanlisikan ko sya ng mata! Mabuti na rin pala na wala dito ngayon si Melissa.
Ngumisi pa ito ng nakakaloko bago umalis sa tabi ko " Loverboy! "
Magsisimula na ang karera, nilalahukan ito ng pangmalakasang racers mula sa iba pang mga kilalang teams sa Automotive Industry tulad ng Toyoma, Brembo at Rapide. Ang Agartha Genesis na kinabibilangan ko ay binubuo naman ng mga batikang karerista na may series of GT championships! Supported ito at sponsored ng kumpanya ni kuya Calvin, ang kailangan lang namin ay manalo at ipromote ang value ng kanilang brandcar at bigyan ito ng exposures sa karera!
Kulimlim ngayon ang weather ng paligid at nagbabadya ang pagpatak ng malakas na ulan.
Start na ang race kaya pinatakbo ko na ang aking sasakyan! Naglahok ang mga sports prototypes at GT sa speedtrack!
Nagkaroon ng full contracts sa pagitan ng aming mga supercars, at hindi maiiwasan ang subtle bumping and nudging dahil sa aming small speed differentials.
Pinaharurot ko pa ang drive kong GT at nilampasan ko ang aking mga kalaban! Mahaba ang racetrack at kailangan kong panatilihin o higitan pa ang aking bilis kung gusto kong manalo sa karera! Sumabay nadin ang malakas na buhos ng ulan sa aming endurance race!
Nagkaroon ng lapses ang mga sasakyang nau-ungusan ko sa chicanes! Lumiko ako sa kurba ng speedway at narinig ko ang maingay na paglangitngit ng aking gulong sa basang daan, nagpatuloy lang ako sa pagpapalipad ng aking sasakyan hanggang sa matanaw ko si Ducan na isang ikot na lang ay malapit na sa finish line. Itinodo ko na sa full speed ang aking GT para makahabol ako at makapantay sa sasakyan ni Ducan!
We're side by side for few seconds pero nalampasan padin nya ako! I'm now trailing his car on my full speed nung bigla nalang dumulas ang kanyang sasakyan sa high speed way at mabilis na umatras ito pababa papunta sa akin! I got no choice dahil bigla ang pangyayari, I almost wrecked his car at sumalimpad iyon saka bumunggo sa metal fence!
Nagkaroon ng impact sa akin ang pagkabundol ko kay Ducan, I lost my control on steering wheel kaya basta na lang bumalandra ang sasakyan ko sa racetrack, at agad din itong na-hit ng incoming prototype na nakasunod naman sa akin!
Tatlo kaming naaksidente at agad naman kaming dinulugan ng aming mga team personnels, at isinakay kami sa provided ambulance ng NASA (National Auto Sports Association) papunta sa ospital. Natanawan kong hinila na ng tow truck ang aming sports cars, wala akong idea kung sino na ang mananalo sa aming Auto race competetion.
***
Agad na tinawagan ng ina ni Joseph ang nobya nitong si Melissa.
" Hello, napatawag po kayo tita Josephine? " sagot ni Melissa sa kanyang cellphone
BINABASA MO ANG
𝑭𝒂𝒖𝒍𝒌𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #1: I Married My Boyfriend's Cousin
RomanceLong time crush ni Melissa si Joseph, at kahit na kilalang playboy ng campus ay nagawa namang tumino ni Joseph nuong mapaibig sya ni Melissa. - Naging smooth at perfect ang relationship nilang dalawa sa loob ng mahigit isang taon, subalit bilang lal...