Chapter 3: Calvin's Birthday

20 4 0
                                    

Walang araw ang lumipas na hindi napuno ng saya at kilig ang mga puso nina Joseph at Melissa. Everything seems alright at ipinakilala din agad ni Joseph ang kanyang kasintahan sa parents nito.

Nag-iisang anak lamang si Joseph at masaya ang mag asawang Faulkerson na sa unang pagkakataon ay may dinala itong babae sa kanilang bahay. Kahit na kalat ang balita na womanizer ang anak ay ito parin ang unang pagkakataon na nagpakilala ito ng girlfriend sa magulang. Magiliw na tinanggap ng pamilya si Melissa lalo na ng ina ni Joseph na si Tita Josephine.

Every monthsary celebrations became memorable to the new couple!

Madalas na silang magkasama sa bawat araw. They also used to travel, movie dates, out of town and to other more leisure activities tuwing maluwag ang schedules nila sa studies.

Mas naging famous din sila sa Campus dahil perfect pair sila para sa isa't-isa! Saludo ang mga Ophirians dahil mukhang napatino na ngang talaga ang playboy MVP na si Joseph ng Campus Beauty Queen nilang si Melissa! Ang dalaga din ang naging number 1 cheerer ni Joseph sa laro at sya din ang naging muse ng basketball team nito nuong lumaban sila sa National Sports Tournament.

During sembreak ay umuwi si Melisa sa Quezon Province at dito nya ipinakilala ang nobyo sa kanyang pamilya. Wala namang naging pagtutol sa family side ni Melissa dahil nasa edad naman na ang dalaga para magkaboyfriend, masaya pa nga sila na sa wakas ay nagkanobyo na ito.

Ang kanilang laging bilin lamang ay iiwasan nila ang maging mapusok sa kanilang relasyon saka huwag pababayaan at laging magfocus padin sila sa kanilang pag-aaral.

Malaki naman ang tiwala nila sa anak nilang si Melissa kahit na nga napalayo ito at sa Ophir University sa Sta.Rosa, Laguna pa nito napiling mag aral. Alam nilang mahalaga kay Melissa ang edukasyon kaya sa Rank 1 university sa bansa nito napiling mag-enrol ng kolehiyo.

Tatlong magkakapatid sina Melissa at sya ang pangalawa, ang ate Leovelle Cassandra nya ay may sarili ng pamilya habang nasa junior highschool naman ang bunso nilang si Lloyd Marcus.

MELISSA's POV

" Daan muna tayo ng cake shop, babe, bilihan natin yung kuya Calvin mo! " suggestion ko.

" No need na yun, babe. "

" Sige na, nakakahiya naman kasi na wala man lang tayong dala for him, diba? " pilit ko pa sa aking nobyo.

" Okay, sure! Never naman kita tinanggihan kaya masusunod po my precious Larah! " kinindatan pa ako nito.

Matagal nading bukambibig ng aking nobyo ang pinsan niya, at ngayon nga ay papunta kami sa bahay nito dito sa Biñan, Laguna para umattend ng kanyang birthday celebration.

Pasado alas nuebe na ng gabi nuong makarating kami sa bahay ng pinsan ni Joseph. Tinapos pa kasi namin ang car racing na sinalihan ng aking nobyo.

Inaasahan ko na maingay ang daratnang lugar, subalit taliwas dito ay napakatahimik ng mataas na bahay na nasa harapan namin ngayon at mukhang naka locked nadin ang gate.

Pinindot ni Joseph ang doorbell at intercom pero walang sumagot. Nagdial sya sa cellphone at maya-maya nga'y may nagbukas na ng gate.

Napamaang ako nung sumilay ang dominanteng features ng kanyang mukha! Mayroon syang malalalim na mga mata, sobrang tangos na bridge ng ilong at powerful aura na nakabalatay sa kanyang anyo. Nakakunot ng bahagya ang kanyang noo nuong tapunan nito ng tingin si Joseph.

Agad namang pumasok si Joseph sa  loob habang hawak ang isa kong kamay. At agad nya ding ini-abot ang box ng cake sa kanyang pinsan sabay bati dito ng happy birthday!

𝑭𝒂𝒖𝒍𝒌𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #1: I Married My Boyfriend's CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon