Chapter 11: Temptation

12 4 0
                                    

MELISSA's POV

It's after dawn nuong ini-hatid kami ni kuya Calvin sa aming dormitory, at hindi na namin hinintay pa ang pagbalik ni Joseph. Kung ako ay nahihiya na na-abala pa namin si kuya Calvin ay kabaligtaran ko naman si Chem na masayang-masaya at nina-namnam talaga ang bawat sandali namin sa loob ng sasakyan. Kinukulit pa nya si kuya Calvin habang nag-ddrive ito, pero hindi naman sya nito pinapansin.

A week passed, at nakipag-compete na nga si Joseph sa car racing event nya. Proud sya nuong sinabi nya sa akin na sya daw ang over all champion sa competition na yun! Masaya naman ako para sa kanya, hindi ko nga lang din talaga maiwasan ang hindi palaging mag-alala. Nag-promise nman sya na last na yung championship race na yun kaya hinayaan ko na lang.

One afternoon ay may plano kaming magdate after ng klase, pero hindi iyon natuloy kasi may Award Ceremony daw pala sya sa Batangas, tapos ay Victory party din ng kanilang Agatha Genesis team.

" Hello?!! " bungad ko nung finally sinagot na ni Joseph ang kanyang cp!

" O, hello babe? "

" Asan ka? Bakit sabi ng classmate mo sa'kin absent ka daw today? "

" Nasa racetrack ako babe, may practice driving ako kasi.. "

" What Joseph? Not only weekend? pati weekdays pala ngayon nag-ppractice driving ka na? "

" Babe, may Supercars Cup kasi kami sa friday na, kaya need ko mai-kondisyon ang katawan ko! "

" Naririnig mo ba sarili mo Joseph? Akala ko ba last na yung Touring Car Championship na sinalihan mo last week? Ano na namang supercars cup yang sinasabi mo? "

" Ayun na nga babe, I'm the overall champion lastweek so they're expecting from me, I'm at the peek of success now, babe, kaya sayang naman kung mag-quit ako agad, di ba? "

" Ayos ah! So nakapag-decide ka na pala sa sarili mo! Fine! Then, let me tell you naman na ayaw ko na laging mag-aalala sayo t'wing may laban ka! Mas mabuti pa siguro sa'ting dalawa kung mag-split na lang tayo! Do what you want!! " inis ng sabi ko

" Babe? Lagi na lang mainit ulo mo?! Bakit ka ba kasi nag-aalala? Okay lang naman kasi ako, wala namang mangyayari saking masama kahit pa makipag-karera ako! Na-aksidente lang ako minsan? Hindi naman malala natamo ko pero naging paranoid ka na? "  cool lang sya habang sinasabi ang mga yun, tonong naglalambing pa nga pero naiinis parin ako lalo.

" Ah paranoid? Iniisip ko lang naman ang safety mo Joseph! "

" Safe naman ako ah?! "

" Sa ngayon! Pano sa susunod? "

" Last na po yung sasalihan ko sa friday, babe. Promise! Kaya, sige na ha, calm down, okay? "

" Ewan ko sayo Joseph!!" napa-irap ako sa hangin " Hinahanap ka nga pala nung mga kasama mong Varsity ng basketbal! Pati dito sa University nagpapabaya ka! Adik na adik ka na dyan sa pagka-car racing mo! "

" Hahaha, nagpaalam naman ako kay coach babe, kaya hayaan mo lang sila! Saka 3 weeks time na lang graduation na kaya wala nakong masyadong responsibilities sa campus! "

" Kaya ka nagla-lakwatsa? "

" Nope, babe. Ini-enjoy ko lang yung remaining days bago magtake ng board exam, kapag nagwork na kasi ko sa FGICP seryoso na lagi ako dun for sure! Strict pa naman si Uncle Christopher saka si daddy! "

" Dapat lang na magseryoso ka kasi real world of business nyo na yun! Dun ka nga dapat nagfo-focus kesa dyan sa delikado mong sports! "

" Opo na, sige na po, babe! Hayaan mo at 'pag nagwo-work nako sa FGICP ay magpropose na'ko agad sayo! hehe. " dinadaan na lang nya talaga sa biro ang lahat! tsk.

𝑭𝒂𝒖𝒍𝒌𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #1: I Married My Boyfriend's CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon