JOSEPH's POV
" Ay, iba din! Beshy, ang haba ng hair mo umabot hanggang Edsa!! " tili ni Cherry Mae, ang best friend ni Melissa.
" Hindi nakuntento sa korona may Joseph Faulkerson pa talagang prize na kasamaah!! " umaalong tili na dugtong nito at hinawakan pa ang mga kamay ni Melissa habang nag-sstamping ng kanyang mga paa.
" Magtigil ka nga Chem, hindi ko kasalanan na talagang matraffic sa Edsa noh?!" sarkastiko ng mahal ko.
" Congrats beshy! At congrats din sayo Joseph ah, grabe ka napatiklop mo best friend koh!! Congrats sayo kasi ikaw ang first boyfriend nyah! Sana kayo nadin magkatuluyan sa altar ng simbahan kaya wag kang mambababae Joseph ha! " babala pa nito.
" Oo naman! Never na akong titingin pa sa ibang babae kasi naman natagpuan ko na ang tamang babae para sa'kin! I promise to be careful with her heart and I'll never do anything to make her jealous! " paniniguro ko.
Tumango- tango lang si Chem habang simpleng napangiti naman si Melissa habang nakapukol ang paningin sa akin.
Kakatapos pa lang ng beauty contest at kakababa pa lang namin ng stage. Marami ang nag-congratulates at nagpapictures kay Melissa bago pa kami nakaalis ng Asian Ophir University.
Inihatid ko ng aking Bugatti ang magbestfriends na Melissa at Chem sa tinutuluyan nilang townhouse dormitory malapit lang sa OU.
Lulan ako ng aking sasakyan sa gilid ng gate ng kanilang dormitory habang hinihintay silang makapagpalit ng damit, inaya ko sila sa restaurant ng aking pinsan para icelebrate ang pagkapanalo ni Melissa.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang nagbabalik tanaw sa nakalipas na mga buwan...
FLASHBACK
Once in a while, habang nagppractice kaming varsity players sa gymnasium at habang naghihiyawan sa pagcheers ang mga babaeng naroon ay nahagip ng mata ko ang magandang babaeng ito na nakaupo sa pinakadulo ng bleachers. Her beauty is outstanding among the crowd at simula nuon ay lagi na nga syang hinahanap ng mga mata ko tuwing may laro kami ng basketball sa Court.
I made slamdunk then I winked to those campus beauties na hindi magkanda-ugaga sa paghiyaw ng pangalan ko! Naipanalo ko ang laban at ako na naman ang sikat na MVP ng Asian Ophir University!
Halos iba't ibang babae ang nagpapacute sa akin at hindi ko nadin mabilang ang mga pansamantalang nagiging babae ko na walang label, inside and outside the campus!
Mahilig akong tumuka sa palay na lumalapit at pinagbibigyan ko ang mga babaeng alam ko naman na katawan, mukha at kasikatan ko lang ang gusto.
Mahilig akong mag bar, magtravel at gumimik, at sa bawat puntahan ko may nagiging babae ako! I just wanna have fun while Im young pero since i saw her angelic face ay hindi na ako napakali. Lagi na syang laman ng subconscious ko!
Hindi ko sinasadyang marinig yung usapan nilang magbestfriend na matagal na pala akong crush ni Melissa. Hindi ko ma-explain yung pakiramdam ko nuon! Masaya, nae-excite, kabado at hindi alam ang gagawin. Nuon lang pumasok sa isip ko ang manligaw kahit na nga wala naman akong kaide-ideya doon, never pa kasi talaga akong nanligaw dahil sanay akong babae ang kusang lumalapit sa'kin!
Masyadong malaki ang Asian Ophir University at normal lang na hindi madalas magpangita ang mga estudyante na may magkaibang course. I made up my mind to know about her at nalaman kong she's taking BSED.
Malayo yung building nya sa pinapasukan ko pero naging consistent ako sa laging pagpunta duon para lang masilayan sya.
I started sending her bouquets of flowers and cards, in my own mysterious ways! Hindi ako nagpakilala kasi nahihiya ako pero nahuli ako ni Chem, ng bestfriend nya.
BINABASA MO ANG
𝑭𝒂𝒖𝒍𝒌𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #1: I Married My Boyfriend's Cousin
RomanceLong time crush ni Melissa si Joseph, at kahit na kilalang playboy ng campus ay nagawa namang tumino ni Joseph nuong mapaibig sya ni Melissa. - Naging smooth at perfect ang relationship nilang dalawa sa loob ng mahigit isang taon, subalit bilang lal...