Chapter 4: Anniversary at Amanpulo

25 4 0
                                    

Almost midnight na nung umalis ang magkasintahan sa bahay ni Calvin. Though nag-insist si Joseph na sa mansion na lang ng pinsan magpalipas ng gabi ay nagpumilit pading umuwi sa dorm si Melissa.

First impression ni Melissa sa pinsan ng nobyo ay nakakailang at aloof ito, pero hindi naman nagtagal ay nakagaanan nadin nya ito ng loob at naging kuya-kuyahan, nasanay na sya sa mukha nitong palaging naka-seryoso.

Madalas na silang mag-hang out sa bahay ni Calvin, may spare keys nadin si Joseph dahil madalas na sa gabi lang nakakauwi sa bahay ang pinsan n'ya pagkatapos ng trabaho nito.

Lagi ding isinasama ni Melissa si Chem tuwing may lakad sila dahil ayaw nya ng magsolo sila lagi ng nobyo, minsan na silang naging intimate at ayaw na nyang maulit iyon sa tuwing sila lang dalawa ang magkasama sa loob ng bahay ni Calvin.

Game naman laging sumama ang bestfriend ni Melissa na si Chem dahil attracted daw umano ito sa pinsan ni Joseph, kahit pa nga halos 10years ang tanda nito sa kanila.

" Ang gwapo talaga ng papa Calvin ko! Hi, andito ulit kami! " pinagbuksan ni Chem ng pinto ang kadarating lang na may ari ng bahay. Tulad ng dating gawi ay ginagamitan na naman nya ito ng kanyang flirty words na natural na sa kanyang pagiging mapagbiro.

" Nagluto si Chem ng garlic buttered shrimp, baka gutom ka na big bro? " alok ni Joseph sa kinain nilang hapunan kanina.

" Kumain na'ko sa labas, magbibihis na muna 'ko. " malamig na tugon nito saka gumawa ng malalaking hakbang at umakyat na paitaas ng hagdanan upang magtungo sa kanyang silid.

Sinundan naman ito hanggang stairs ng nangungulit na si Chem at ipinipilit na ipatikim kay Calvin ang niluto, subalit naging mas mabilis lang lalo ang paglalakad ng lalaki.

Kasalukuyang naglalakad naman si Melissa sa pasilyo at pababa na sya ng hagdanan, galing sya sa veranda sa may second floor.

Nagme-memorize sya ng irereport na lesson para sa klase nya kinabukasan, hawak ng kaliwang kamay nya ang cellphone na may summary ng kanyang report habang ang kanan nya namang kamay ay inihawak nya sa railings ng stairs.

Nawindang sya sa lakas ng boses ng kanyang kaibigan kaya napasemplang ang tapak nya sa stairs at napabaliko ang kanyang paa, " Ahh! " napasigaw sya, napahigpit ang hawak ng isang kamay nya sa railings subalit ramdam nya ang pagka out of balance ng kanyang katawan.

Nagkagulatan silang apat at napuno ng pag aalala ang mukha ng tatlong nakatanaw kay Melissa.

Magkasunuran sa gitna ng mahabang paikot na hagdanan sina Cherry Mae at Calvin, habang nasa sofa at napatayong nakatanaw naman sa sala si Joseph.

Mabilis na tumalima ng takbo si Calvin paakyat ng hagdanan at maagap na ginagap nya ang bewang ng dalaga upang hindi ito magslide pababa sa stairs.

Mariing napapikit si Melissa at dagliang nilukob ng kaba ang kanyang dibdib dahil sa pagka-panic! Ang malalim na mga mata ni Calvin ang unang tumambad sa kanyang paningin nuong magmulat sya ng mga mata. Ang mga kamay nya'y nakapako padin sa railings at cellphone nyang hawak habang ang katawan naman nya'y nakadikit sa broad chest at shoulder ni Calvin.

Muling nagtungo si Melissa kasama na ngayon si Chem sa favorite nyang spot sa mansion na veranda dito sa 2nd floor ng bahay. May structure itong tulad ng sa sinaunang tore ng palasyo. Nakadikit ito sa bandang gilid at likuran ng bahay. Napakapresko dito ng hangin at tanaw nya ang malapad at malawak na bakuran ng likod bahay.

Ikiniling ni Melissa ang katawan at idinantay ang mga braso sa pasimano ng pabilog na veranda, pinasadahan nya ng tingin ang kabuuan ng bakuran. Umihip ang malamig na simoy ng hangin at naisayaw nuon ang nakalugay nyang mahabang buhok, animo sya'y si Rapunzel sa mataas na tore.

" Ang sarap siguro pagmasdan ng mga stars dito mamayang gabi kasama si Papa Calvin! " kinikilig na sambit ni Chem habang nakatingin sa kalangitan.

" Hopeless romantic! " napairap si Melissa. " Ang maganda kamo dyan ay kung yang malawak na bakuran sa baba ay puno ng mga bulaklak! Flower garden ng sunflowers, saka roses and tulips! Sayang diba? puro damuhan lang saka mangilang punong kahoy lang ang nakatanim, dinaig pang meadows neto o!" pinagkrus ni Melissa ang mga braso.

" Makahopeless romantic naman to! Oo na alam ko namang hindi ako papatulan nun, halata namang pihikan yung si Papa Calvin! " umabante sya at tinabihan si Melissa at tinanaw din ang bakuran ng likod bahay.

" Pero pasama ka nalang gumala kay Joseph sa mga flower gardens, noh? Kesa naman choosy kapa sa nakikita mo dito! nakikitanaw ka na nga lang eh! " pinagtaasan sya ni Chem ng isang kilay.

" Ewan sayo, pinapaalalahanan lang naman kita d'yan sa pantasya mo! Sabi kasi ni Joseph ay namatayan daw ng fiancee si kuya Calvin 5yrs ago, baka hindi pa nakaka move on! "

" Ay, ganon? Ang tragic naman pala ng naging lovelife ni Papa Calvin! " nagulat si Chem.

" Kaya nga, ikakasal na daw dapat yun kaso ayun unfortunately namatay daw sa sakit yung babae. "

" Kaya pala laging nakabusangot ang mukha ni Papa Calvin, may pinagdadaanan naman pala. Malay mo naman ako na ang magbigay ng kulay sa napaka lungkot nyang buhay! " nagdaydream na naman si Chem at tiningnan lang s'ya ng masama ng kaibigan.

" Hehe, thanks sa concern mo beshy ha but hey dont yah worry coz I know my stand naman, saka hindi seryoso pagkagusto ko sa pinsan ng boyfie mo noh? Langit yun eh, CEO! Katuwaan ko lang yun pogi kasi, di kapa nasanay sakin! "

" Okay! " kibit balikat ni Melissa.

***

Matuling lumipas ang mga araw at ngayon ay nasa peaceful Island of AMANPULO sina Joseph at Melissa para icelebrate ang kanilang first anniversary!

Tunay ngang Tropical Beach Paradise na maituturing ang Amanpulo na nasa loob ng pribadong Isla ng Pamalican sa Cuyo Archipelago! Nasa Northern Palawan ito at first time pa lang makapunta dito ni Melissa. Sa eroplano pa lamang ay tanaw na ng magkasintahan ang mangasul na dagat na nakapalibot sa isla, agaw pansin din ang puting buhangin sa baybayin at sadyang napakasarap sa mata ng mayayamang tanawin ng kalikasan!

This is day 1 of their three days vacation na ipamamalagi sa isla. Gustuhin man nilang magstay for a week ay busy na ang schedules nila, at tambak na ang activities nila sa OU lalo pa at ilang buwan na lang ay malapit na ang finals at graduation ng magkasintahan.

" Grabeh ang ganda naman dito! Nakaka overwhelm yung view ng beach saka ng natural forest! " namamanghang sabi ni Melissa pagkadating sa beach front villa kung saan sila mag-sstay.

" I told you, mag eenjoy tayo sa bakasyon natin dito sa isla! " turan ni Joseph habang bitbit ang kanilang maleta.

May 4 rooms sa villa at inilagay ni Joseph ang kani-kanilang luggage sa loob ng dalawang magkatabing silid. Mayroon silang buttler dito na tagapangasiwa, at personal chef para naman sa kanilang pagkain.

Nagliwaliw sila buong araw sa magandang tanawin ng Amanpulo!

Napili nilang maglunch sa Picnic Grove kung saan may canopy ito ng old aged trees at may musika ng humuhuning mga ibon habang kumakain sila ng fresh sea foods. Tanging huni ng mga ibon at salpok ng alon ang kanilang naririnig mula sa payapang lugar na iyon ng restaurant.

Sumakay din sila ng tandem kayak at magkasabay silang nagpaddle upang libutin ang kalmadong dagat ng Isla. Napakalinaw ng tubig at natatanaw nila ang pristine reefs sa ilalim nito! Nalibang sila sa pamamasyal at hapon na nuong makabalik sila ng villa.

Pag sapit ng takip silim ay naisipan ni Melissa na magswimming sa central infinity pool ng villa. Sinuot nya ang kanyang dalang itim na two piece bikini swimsuit na syang naglantad sa maputi at makinis nyang balat! Pinalitaw din nito ang napakagandang hubog ng kanyang katawan!

Kasabay ng pagtakip ng madilim na ulap sa paalis na araw, ay syang pagkinang naman ng liwang ng buwan na nagpapakislap sa tubig na kinalulubugan ng katawan ng dalaga. Nagpabalik-balik sya sa paglangoy tulad ng sa isang sirena na gumagawa ng may ritmong galaw sa tubig!

Matamang pinagmamasdan sya ng nobyo mula sa kinaroroonan nitong expansive view deck...



𝑭𝒂𝒖𝒍𝒌𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #1: I Married My Boyfriend's CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon