Chapter 7: Busy

24 4 0
                                    

MELISSA's POV

Napalakad ako sa pinong puting buhanginan pagkababa ko ng sasakyan. Mabuti na lang at comfortable ilakad yung suot kong flat sandals na angkop talaga para sa beach, kung nagkataon kasi na may takong ito ay baka mas naisin ko na lang mag-apak sa buhangin!

Iginala ko ang aking paningin at nakita ko si Joseph sa malayong distance, nakatalikod sya at mukhang mayroong kinakausap. Hindi pa nya marahil alam na dumating na ako.

Sa bandang dulo ng white sand ay natatanaw ko ang kwadradong mesa na may puting cloth cover. May canopy iyon na may designs ng white curtains na nakapalibot sa bawat gilid. May hati ang tela sa gitna at naka-arkong kumakaway iyon sa hangin habang nakapugong sa magkabilang gilid ng pole stands.

Naka-backdrop dito ang kalmadong dagat na may spectacular view ng sunset! Kumakalat na ang dilim kaya lalong lumiliwanag naman ang nakahanay na tea light candles na nagfo-form ng heart shape paikot sa canopy! Malakas din ang ningas ng bonfire meter's away lang sa fine dine table.

Natatanaw ko sa mesa ang mataas na candelabra pati na ang bote ng sparkling wine. Nakapatong duon sa isang gilid ang bouquet ng bulaklak.

Napalingon sa akin si Joseph at bago pa ako makahakbang palapit ay nagformation na sila kaagad ng kanyang mga kasama.

Nasa gitna si Joseph ng apat na lalaking uniform sa suot nilang light blue loose polo shirt. Umabante si Joseph hawak ang wireless mic at nagsimulang mag-strum ang guitarist sa intro ng kanta. Aba at may pa-dance steps pa nga silang nalalaman na sabay-sabay nilang ginagawa. Kelan naman kaya nagpractice ang mga ito?

You're just too good to be true

I can't take my eyes off you

You'd be like heaven to touch

I wanna hold you so much

At long last love has arrived

And I thank God I'm alive

You're just too good to be true

Can't take my eyes off You.'

Kusang napangiti ng malaki ang aking labi nung marinig ko ang boses ni Joseph. May paharana pala ang boyfriend ko at ang ganda panuorin ng sabayan nilang galaw habang kumakanta si Joseph!

Sobrang gwapo ni Joseph sa suot nya ngayong navy blue checkered polo na naka- tucked in sa kanyang white pants na may black belt. Long sleeve iyon na finold nya sa kanyang siko, hinayaan lang nyang naka-bukas ang dalawang butones  sa baba ng kwelyo at nakasarado na ang iba pang natitira sa kanyang polo. Porma ni Lee Min Ho sa mga magazine ang kanyang postura! Kahawig naman talaga sya ni Lee Min Ho, may mahahabang pilik din ang kanyang mga mata na palaging nakatawa. Sobrang tangos ng kanyang ilong at manipis ang makorte nyang labi! Killer smile pag sya ay ngumiti at lumabas na ang kanyang pantay-pantay na mapu-puting ngipin!

Pardon the way that I stare

There's nothin' else to compare

The sight of you leaves me weak

There are no words left to speak

But if you feel like I feel

Please let me know that it's real

You're just too good to be true

Can't take my eyes off You.'

Tamang kinikilig lang ako habang mag-isang nakatayo at pinapanuod sila dito sa may buhangin. Para akong nanunuod ng live concert gig ng banda sa paraan ni Joseph ng kanyang pagkanta.

𝑭𝒂𝒖𝒍𝒌𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #1: I Married My Boyfriend's CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon