Walang emonsyon akong naka tingin sa salamin matapos nila akong ayusan. Kahit ito parin ang itsura, marami parin talagang ipinag bago.
Na hindi ko lubos maisip na nabuhay ako sa ibang katawan pero parehas na parehas parin ang itsura ko sa totoong ako.
"Napaka ganda nyo talaga Prinsesa Louisiana" Puno ng pag hangang sabi nung babaeng kasama ko. Sinang ayunan naman sya ng matanda.
Hindi ko gusto silang tawagin sa pangalan nila dahil nakakalimot ako pag dating sa pangalan.
Pero ewan ko ba at ang limang iyon ay natandaan ko.
"Masaya ako at makaka dalo kana rin sa pagdiriwang na matagal mo nang pinapangarap" Napa ngiwi ako.
"Tama na ang drama at umalis na tayo." Komento ko saka ako tumayo, mabilis naman silang tumalima. Sinundan ko lamang sila dahil hindi ko pa ganonn kabisado ang kastilyong ito.
Maraming pa sikot sikot. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi kasi ito katulad ng mansyon lang. Mas malaki ito sa mansyon.
Inaasahan ko na isang limousine ang sasalubong sakin pero hindi.
Isang karwahe lang. Ang mas nakaka inis pa ay hindi gaanon ka gara tulad ng sa mga tatlong kutong sila George at sa two lover birds.
"Bakit iyan ang sasakyan ko?" Reklamo ko. Isa rin akong Prinsesa kaya hindi ako makakap-.
"Ang mismong mahal na Hari ang nag utos at nag pa handa nyan, Prinsesa Louisiana" Malungkot na sabi ni tanda. Kung hindi lang sya hari kanina ko pa sya binawian ng buhay.
Aakyat na sana ako ng marinig ko ang matinis na boses ni Georgia.
"Oh my.. bagay na bagay. Have a nice ride Prinsesa Louisiana, Ha ha" Tawa pa nito. Baliw ata tong babaeng to.
"Kung may hawak lang akong baril, kanina pa sumabog yang bungo mo babae." Asik ko. Alam kong natigilan sya doon kaya walang ano-anoy sumakay na ako.
Ayokong masira ang gabi ko dahil sa takas mental na babaeng yon.
Kalahating minuto ang lumipas ng maka rating na rin kami. Na una nang pumasok ang lima sa loob. Ibang klase rin ang kastilyong ito.
Mas malaki pa ata to sa kastilyo ng Ama ni Louisiana. Mukhang mas mayaman ang may ari nito.
Taas noo at wala akong emosyon na nag lakas sa gitna ng pulang carpet. Ramdam ko ang tingin ng iba sakin. Nag tataka siguro sila kung sino ako.
Hindi na rin ka taka-taka yon dahil kahit ako, hindi ko alam kung sino si Louisiana dahil nawala sa ala-ala ko ang nobelang ito.
Kaya para sakin. Hindi lang walang kw*nta si Louisiana, kundi mahina at b*bo rin sya.
May dumaan na lalaking nag aalok ng alak sa mga bisita. Saktong napa daan ito sa tabi ko habang nag lalakad ako.
Mabilis ko namang kinuha sa trey na hawak nya ang alak na nasa baso at inisahang lagukan lang iyon. Hmm. Masarap.
Napa hinto ako sa mahabang lamesa dito sa gilid. Wala manlang gumagalaw ng mga pagkaing naka hain. Puro chismisan lang sila.
"Kayong dalawa." Tawag ko sa dalawang kasama ko.
"Bakit po mahal na Prinsesa?" Agad na tanong nila. Isinenyas ko ang pagkain.
"Sabayan nyo akong kumain. Habang hindi pa malamig ang mga yan." Aniya ko at kinuha ang syang paborito ko. Ang chicken.
Pumasok sa isipan ko si mommy. Kamusta na kaya sila? Ano kayang ginagawa nila ngayon habang pinag nalalamayan nila ako.
Busy kami sa pag kain ng may mag lapag ng iniinom nyang alak. Ni hindi ko manlang napansin ang pag lapit ng kung sino ito.
Hindi ko sya nilingon. Sa ngayon ang importante ay ang pagkain para may lakas akong barahin at insultuhin ang dakilang mga anak ng Haring Heston na iyon.
"Lord Kudo!" Rinig kong tawag ng kung sino, sa tingin ko itong katabi ko ang tinawag nya.
"Lord Kudo. Hinahanap kayo ng mga binibini para makipag-"
"Go dance with them." Na tigilan ako sa pag ngatngat ng buto ng manok. F*ck? Tao pa ba itong lalaking ito? Mas malamig pa sa bangkay ang boses nya.
Napa iling ako. "P-pero.." Hindi nanaman natapos ng isa ang sasabihin.
"Lewis."
"Masusunod Lord Kudo."
Yun na yon? Isang tawag lang sa pangalan sumunod agad. Ibang klase. Ngayon ay ini angat ko na ang tingin ko.
Sa iba ito naka tingin pero gumalaw ang mata nya pagawi sakin. Naka side eye look nya sakin ngayon. Kapre ba sya? Hindi ako nag patinag sa walang ka buhay-buhay na tingin nito.
nag tagal ang titigan namin bago sya na mismo ang pumutol non. Ibinalik ko na rin ang tingin ko sa mga pagkain at kumuha naman ng iba.
Hinanap ko din ang dalawa at ayon busy na sa pagkain habang dinadaldal ni babae si tanda. Mukhang ito ang una rin nilang beses na maka dalo sa ganito.
Kumuha na ako ng malaking plato dito saka nag lagay ng mga ibat-ibang pagkain. This is me. I like eating. That's why if i am hungry, I AM. And there's no one can stop me, unless.. mag kukusa ako kapag nabusog na.
My real age is 22 but Louisiana? I think she's 17. Petit sya pero bumagay naman sakanya.
Ng matapos ay nag hanap na ako ng lamesang bakante. Nag linga pa ako. Hanggang sa makita ko ang nasa sulok. Iyon ang naiibang mesa sa lahat.
"Hoy tanda, babae." Tawag ko sa dalawa. Sinenyasan ko silang sundan ako na sinunod naman nila.
Ngayon ay tahimik kaming kumakain dito.
"Hindi ko lubos akalain na ganito pala ang ginagawa nila dito" Babae.
"Sinabi mo pa, kung hindi lang ako matanda ay baka maka hanap pa ako ng lalaking mapapangasawa ko" Tanda.
"Naku! Kahit sa ganyang edad po meron paring pag ibig" babae.
Sabay silang bumungisngis. Nag sasayawan ang iba dito. May mga nag kukwentuhan at iba pa. Ang boring ng party na ito.
"Pa umanhin mga binibini. Ngunit, hindi pwede nyo itong pag pwestuhan." Na tigil kami ng may mag salita.
Na ngunot ang noo ko ng makita nanaman ang lalake kanina na naka titigan ko. Hindi ako tinginan nito. Naka tuon na sya ngayon sa librong hawak nya.
"Hala! Pasensya na po, ang akala po kasi namin ay pwede itong-" Hindi ko pinatapos ang kasama ko sa pag sasalita.
"Nauna kami dito. At bakit naman hindi namin pwede itong pwestuhan?" Tanong ko.
"Ang lamesang ito ay inilaan para lamang kay Lord Kudo, binibini" Magalang nitong sagot.
"Asan ang pangalan nya dito?" Asik ko. "Kung gusto nyong umupo, maki share nalang kayo. Wag nyong angkinin." Aniya ko at muling kumain.
"Binibi-"
"Lewis." Napa baling ako ng tingin sa lalaking nag salita. Naka tingin na pla ito sakin.
JADE|J.J.T.H
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS A WORTHLESS PRINCESS
Mystery / ThrillerTHE STORY ABOUT REINCARNATION