CHAPTER 17

3.6K 116 2
                                    

"Anong gagawin ko?" Mariing tanong ni Glorina sa sarili nya. Hindi sya mapakali sa kwarto ng kanyang asawa.

Labis na bumabagabag sa kanya ang mga binitawang salita ni Louisiana. "Bakit ba kasi na buhay ang babaeng iyon!" Dinampot nito ang isang mamahaling vase at ibinato iyon sa kung saan.

Naikuyumos nito ang kanyang kamao. Sa isip-isip nya na dapat ay pinatay na nya talaga iyon nung panahong hindi pa nagising si Louisiana.

Pero naging pakampante sya dahil nawalan naman ito ng ala-ala, at ipinag papaliban muna ang muling pag babalak nya na patayin ito.

Pero ang hindi nya inaasahan ay ang pag babago ng ugali ni Louisiana. Napa kagat si Glorina kanyang hinlalaking daliri dahil sa kaba, takot, at halo-halong emosyon na.

"Bakit.. paanong naging ganoon si Louisiana?" Muling tanong nanaman nito sa sarili. "Hindi kaya nag papaggap lang talaga itong nawalan ng ala-ala?"

"Sinong nag papanggap na nawalan ng ala-ala?" Napa lingon si Glorina sa nag salita. Kunot ang noo nitong napa tingin sa basak na vase at muling tumingin sakanya.

"Anong ginagawa mo dito Georgia?" Inayos nga ang postura nya, na isang iglap lang ay nawala ang kaninang emonsyon na ipinapakita nya kanina.

"Naka rinig kasi ako ng ingay Ina kaya napa sugod ako dito. Patawad kung wala akong katok.." Sabay tingin nitong muli sa basag na vase. "..Paborito ni Ama itang vase na binasag nyo Ina. Ano po bang nangyayari? May problema ba?" Usisa nito.

"Wala kanang kinalaman sa problema ko Georgia Anak. At iyang vase na iyan ay sinadya kong basagin. Iyan kasi ang unang regalong ibinigay ng Ina ni Louisiana at hindi na kaaya aya sa paningin ko." Malamig nitong tugon.

Napa irap si Georgia. "Tama. Mabuti nga iyan, mag dahilan ka nalang Ina kay Ama kung bakit iyan na basag. Aalis na po ako, pupunta ako sa aking kaibigan" Paalam nito sa Ina.

Tinanguan lamang ito ni Glorina. Nang maka labas ang anak ay doon na sya nag pupuyos sagalit.

"Hindi ako makaka payag na mamatay ako sa mga kamay ni Louisiana ng ganon-ganoon na lamang." Seryosong sabi nito habang naka tanaw sa bintana kung saan nakita nya si Louisiana na mukhang pupuntang garden.

Ang garden ng Ina ni Louisiana. Napa ngisi sya sa naisip.

(Louisiana Delavan)

Kanina pa ako nandito sa garden. Napaka aliwalas talaga dito. Napa isip nanaman ako sa naganap kahapon lang.

"Prinsesa Louisiana, halina po kayo at pagabi na" Napa tango ako kay tanda. Sumunod naman ako sakanila.

Sahalip na sa kwarto ang diretso namin ay nag pumilit akong sa kusina dumiretso. Nandoon ang ibang katulong na hinahanda na ang makakain... ng lima.

Saglit silang natigilan sa pag pasok ko pero di ko na yun pinansin at dineretso ang cake na una nilang natapos gawin.

"Akin na ito." Anya ko.

"P-pero.. ipina gawa po iyan ni Prinsesa Georgia—"

"Wala akong pakialam kung sya pa ang nag pagawa nito. Gutom ako, kaya walang makaka pigil sakin." Putol ko sa dapqt sasabihin sakin ng katulong na ito.

Napa yuko naman ito. Binit-bit ko ang cake saka sinenyasan ang dalawa kong kasama para sundan ako.

Kaarawan ni Tanda ngayon kaya ko kinuha ito. Balak ko naman talaga sana gumawa ng pansariling cake pero dahil nakita ko ito, ito nalang ang ibibigay ko kay tanda.

Nang maka rating sa kwarto, inutusan ko silang i lock ang pinto.

At ka malas-malasan nga namang nandito pla sa loob si Georgia.

"Iyan ba ang ipina gawa kong Cake?" Tanong pa nito.

"Obvious naman nag tatanong kapa. Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong sabi at inilapag sa mesa ko dito sa kwarto itong cake.

"Maupo ka dyan tanda, at ikaw naman babae. kantahan mo sya." Sabay turo ko kay tanda.

"Hala! Kaarawan mo nga pala ngayon!" Gulat na anas nitong inutusan ko.

"Wait, akin—"

"Lumabas kana, hindi ka kasali dito." Taboy ko dito kay Georgia na sinamaan ako ng tingin.

"Akin ang cake na iyan, ibibigay ko iyan kay Ama"

"Mag pagawa ka nalang ulit, alis." Ako na mismo humatak dito at inilabas sya. Mag sasalita pa sana ito ng malakas kong isinar ang pinto. "Istorbo." Iritableng bulong ko.

JADE|J. J


REINCARNATED AS A WORTHLESS PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon