Pagka uwing pagka uwi ko ay sya namang ikina kunot ng noo ko. Gabi na at nakakapag takang ang-
"Prinsesa Louisiana!" May isang katulong sa mansyon ang humahangos na lumapit sakin. Hindi ko ito tinugon bagkus ay pinaka titigan ko lamang ito.
Tumingin ito sakin ng may awa at pag aalala. "A-ang.. ang garden po na syang pag mamay ari ng inyong ina.." Hindi ko na inantay pa ang sasabihin nya. Kaya pla sa malayo palang ay may makapal nang usok.
Hindi ko iyon pinansin. Kuyumos ang kamaong tinungo ko ang harding syang lagi kong pinag kukunan ng sariliwang hangin sa kastilyong ito.
Nag tutulungan ang mga katulong na apulahin ang iba bang apoy. Mabilis ding kumilos sila Erica. Naka ramdam ako ng kirot sa puso.
Ang nag iisang buhay.. na naiwan ng ina ni Louisiana ngayon ay puros abo na.
"Oh, mabuti at umuwi kapa." Hindi ko man sya lingunin ay kilala ko na kung sino ito. "Sa pagiging gala mo at gabi na umuwi, ayan tuloy ang napala sa hardin ng yumao mong ina." Dagdag nya pa na syang mas lalong nag pa tindi sa galit ko.
"Pero tama na din iyang na sunog yan. Masyadong masakit sa mata-" Hindi na natapos ni Georgia ang sasabihin ng iglap lang ay sakal sakal ko na sya ng mariin.
Nagulat pa pati ang katulong nito at ang iba pa sa ginawa kong biglaang pag sakal.
"A-ackk-!" Hindi maka hingang pinag papalo nito ang kamay kong naka sakal sakanya.
Pinipigilan na din ako ng iba.
"Jusq mahal na Prinsesa!" May yumakap saakin at pinilit akong palayuin habang si erica naman ay pilit tinatanggal ang kamay ko sa pag kaka sakal kay Georgia.
"Matagal na akong nag titimping lagutan ka ng hiningang babae ka." Gigil at maririing bigkas ko. Tumirik na ang mata nya ng mas lalo ko pang riinan ang pag kakasakal.
Tumigil na rin ito sa pag pupumiglas na sakto ding pag dating ng mga walang kwenta.
"Georgia!" Na nang makuntento ay saka ko lamang binitiwan ang leeg ni Georgia na ngayon ay nawalan ng malay.
Mabilis naman syang nasalo ni Harris. Masama akong tinitigan nito. Hindi na ako nagulat ng may humatak saakin at sampalin ako.
Bahagya pa akong sa ginawang pag sampal ni Glorina, nalasahan ko din ang kalawang. Pumitok ang labi ko sa ginawa nyang pag sampal.
"WALANH HIYA KA!" Sigaw nito saakin. Tumingin ako ng nakala loko kay Glorina.
"Anong nangyayari dito!?" Mabilis itong napalapit sa anak na walang malay. Napa tingin itp saamin lalo na saakin. "Sabihin mo Louisiana! Ikaw ba ang may gawa nito!?" Galit na sigaw nito sakin.
"Ako nga." Walang ka takot takot kong pag amin.
Mabilis na napa lapit ito saakin at tangka na sana akong sasakalin ng mabilis kong nasalo ang kamay nya.
Nag tagisan kami ng titig, napa ngisi ako ng makita kong nilalamon na sya ngayon ng galit.
Mabilis na gumalaw ang isang kamay nya at na hugot agad patalim at itatarak na sana iyon sakin ng mabilis ko lamang na hawakang muli ang braso nya para pigilan ang tangkang pag tarak nyoon sa sintidi ko.
"Ang bagal mo." Ngising nakaka lokong sabi ko.
"Papatayin mo ba ang kapatid mo!?" Galit na tanong nito.
"Sana.. pero kita mo naman, nawalan lng ng malay." Simpleng sagot ko.
"Lapastangan ka!" Malakas na tinadjakan ko sya. Bahagya syang napa layo saakin. Napa tsk ako sa kahinaan ng katawang ito. Hinihingal ako agad.
"Anong karapatan mo para gawin ito Louisiana?"
"Masyado kasing maingay iyang anak mo. Nasakal ko tuloy." Pagot na sabi ko saka ako dumura sa tabi. Umalalay agad saakin ang dalawa.
"P-prinsesa-"
"Wag kang mag alala, hindi ako ang sinakal Erica." Pigil ko dito.
"Hindi iyon ang inaalala namin! Prinsesa Louisiana.. buhay nyo ang mapapahamak-"
Pinigilan ko si Tanda.
"Buhay nila ang mapapahamak." Naka ngisi kong sabi sa Hari na ngayon ay napa kunot.
"At anong pinag sasabi mo Louisiana? Ikaw ang muntik maka patay dito! At hindi namin iyan palalagpasin." Galit na sabi ni Glorina.
"Muntik lang pero HINDI ako naka patay ng tuluyan dito sating tatlo. Hindi ba Ama?" Baling ko sa Hari na ngayon ay napa tigalgal na. Napa hawak ito ng mariin sa patalim na hawak habang si Glorina naman ay bahagyang na mutla.
"Walang ibang m-muntik.. at makakapatay dito kundi ikaw lang. Maraming naka kita Louisiana at alam kong makaka rating ito sa kataas taasan at pwede kang mahatulan ng kamatayan." Sabi ni Harris na masama ang tingin saakin.
"Let see what will happen in the end." Ngising tugon ko.
JADE|J.J
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS A WORTHLESS PRINCESS
Mystery / ThrillerTHE STORY ABOUT REINCARNATION