CHAPTER 15

4K 132 9
                                    


Araw ang lumipas. Simula ng makita ko sila Raoul at Selma ay sya ring pag didistorbo saakin ni Leviticus. At kung hindi naman si Leviticus ay si Kudos naman ang mambibwiset sakin.

Pero ngayon ay nagising ako. Napa hawak ako sa aking pisngi ng maramdman ko ang pamamasa non. Tumutulo ang luha ko. Hindi ako ang umiiyak at nakaka ramdam ng matinding lungkot at sakit ngayon.

Kundi ang puso ni Louisiana. Oo at ako ang nasa kanyang katawan pero isa kamang akong kaluluwang syang nabuhay sa kanyang katawan matapos syang tuluyang mabawian ng buhay at ang naging kapalit nyoon ay ang kaluluwa ko.

Iyon yung aking na iisip kung bakit ako nabuhay sa nobelang ito. Hindi ako na niniwala sa fantasy pero totoo nga ang mga sabi-sabi.

Na marami tayong mga taong walang alam sa katotoohanang syang hindi lang tayong mga tao ang na bubuhay sa mundong ito.

"Bakit po kayo umiiyak Prinsesa?" Nag aalalang tanong saakin ni babae.

"May masakit po ba sainyo?" Tanong din ni tanda. Hindi ako sumagot.

"Gusto nyo ba ng tubig? Sandali lang po at kukuhaan ko kayo-" Pinigilan ko sya sa kanyang balak na pag alis.

"I don't... need water." Sabi ko sa mababang boses. Tinanguan naman ako ng dalawa bago sila nag excuse nanlalabas muna.

Kaya ako ganito dahil.. naalala ko na. Naalala ko na kung anong naganap sa nobelang ito at pati narin ang wakas. Malinaw na malinaw kung sino-sino ang may kinalaman sa pagka matay ng Ina ni Louisiana.

At ang nag tangka ding isunod si Louisiana na mamatay.

Naikuyumos ko ng maigi ang kamao ko. Kaya pala.. Kaya pala ganoon na lamang sya saakin.

May narinig akong tatlong katok. Hindi komiyon pinansin at ng maramdman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Alam kong si Leviticus na iyon. Hindi ito nag salita o kahit ano. Lumapit lamang ito saakin at bigla nalamang akong kinabig payakap sakanya.

I don't know why but i cried on his shoulder. Napa yakap na ako sakanya dahil sa sobrang bigat ng nararamdman ko ngayon.

Hindi ko ginustong umiyak sa bisig ni Leviticus, pero ang mismong katawan na at emosyon ng puso na ni Louisiana ang syang may kagagawan nito.

Mas lalo kong naramdaman ang pag higpit ng yakap ni Leviticus.

"Hello-! Oh.. i want group hug" I know it was Kudos. Pero hindi namin ito pinansin ni Leviticus.

Mas matured pa si Leviticus kesa kay Kudos. Mas pilyo si Kudos at napaka walang kwenta kausap.. pa minsan-minsan.

Ilang minuto rin akong naka yakap kay Leviticus hanggang sa tumila na ang mabigat kong na raramdaman. Puno ng galit akong nag lakad palabas.

Gusto kong komprontahin sila. Pero may pumigul saakin.

"Bitiwan mo ako Kudos." Sinubukan kong hatakin ang kamay ko sa pag kakahawak nya.

"It's not the right time Louisiana." Seryosong sabi nito. Pinukulan ko sya ng masamang tingin.

"May alam kaba sa nangyayari!?" Napa taas na ang boses ko. Pero seryoso parin sya.

"Hindi ko alam kung sapat na ba ang mga na lalaman ko Louisiana, pero.. hindi pa ito ang oras para gawin iyang balak mong gagawin ngayon." Pinanlisikan ko sya ng mata.

"Manahimik ka Kudos. Wag kang mangealam sa gusto ko." Marahas kong inagaw ang kamay ko pero buong lakas nya lang din iyong hinawakan.

Walang ano anoy bibigyan ko sana sya ng round house kick dahil sa inis pero mabilis lamang iyong nasalo biglaan ni Leviticus.

REINCARNATED AS A WORTHLESS PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon