"P-prinsesa- Ackk!" Na alimpungatan ako dahil sa ingay ng labas nang aking kwarto. Bumangon akong salubong ang kilay.
Napaka aga para mambulabog itong si tanda. Kinulang ako sa tulog dahil kay Kudos na na ngungulit saakin. At nakaka pag taka rin na hindi ko na kikita si Leviticus.
Tsk. Pare parehas talaga ang mga lalake. Sa umpisa lng sila magaling. Teka ano bang pake ko sakanya? Tsk.
Hindi pa man ako nakaka lapit sa pinto ay malakas iyong bumukas.
Bumungad saakin ang Hari. Hindi ako umiwas ng sakalin ako nito agad. "Hayop ka. Pinatay mo ang mga anak ko!" Sa sinabi nyang iyon hindi na ako nagulat. Bagkus mahigpit ko ding hinawakan ang kamay nyang naka sakal sakin bago iyon tinanggal.
Na bahagya ko pang naihilot ang leeg ko bago ngimisi sakanya. "Asan ebedensya mo?" Mapait na tanong ko. Hindi ko aakalaing minadali agad nya ang pag patay sa mga kapatid ko.
At kung paano nya ginawa? Wala na akong alam doon. Dahil sa nobelang nagasa ko hindi ipinakita kung paano pinatay. Pero nakakapag taka na ngayon nangyari iyon? At hindi ko rin lubos na akalaing masusunog iyong hardin ng Ina ni Louisiana.
Lahat ng iyon.. hindi ko inaasahan ngayon lalo na ang pag sunog? Nag iiba ba ng landas ang kwento? Kung gayon ay dapat na ngang madaliin. Kung hindi.. ako ang mamamatay.
"Ikaw lang naman ang muntik maka patay kay Georgia.. p-pero ngayon wala na sila!" Nag pupuyos sa galit na sigaw nya.
"Sige nga.. paano mong nasabing ako ang pumatay gayong may mga kawal sa labas ng kwarto ko para bantayan ako? Sige sabihin mo sakin yan ngayon. Ipaliwanag mo." Hamon ko sakanya.
Natandaan ko pa na ipina bantay nya ako sa mga kawal kagabi. Pati ang labas ng nag iisa kong bintana dito sa kwarto ay ganoon din ang nangyari.
Hindi basta basta ang mga kawal nya. Matatalas din ang pakiramdam at may mga utak. Di tulad sa Hari nilang wala na ngang kwenta wala pang utak.
Napa tiim ito ng bagang dahil sa sinabi ko. Pinapatay na nya ako sa matalim at masamang tingin nya.
"Bakit hindi ka maka sagot? Hindi ba ikaw ang nagpa bantay sa mga kawal mo? look.." Nguso ko doon sa isa sa magaling nyang mga kawal. "Bakit hindi mo sya tanungin?" Ngisi ko.
Kahit kawal nya ang mga ito. Hindi rin pweden mag sinungaling ang mga kawal. Dahil kamatayan din ang kapalit. Isa pa ay kung ano ang inutos.. iyon din ang gagawin.
Biglang nag si ayusan ang mga kawal at sabay sabay na nag si yuko.
Pareho kami ng Hari napa tingin doon.
"Mag bayad ang dapat mag bayad. Mabuhay ang dapat mabuhay." Seryoso at nakaka panindig balahibong sabi nito.
"A-anong-" Hindi natapos ang Hari sa sasabihin.
"You really disappoint me, Heston." Aniya nito bago tumingin saakin. "Ayos kalang ba?" Baling nito sakin kaya naman bahagya akong nag bigay galang sa pamamagitan ng pag yuko bago sumagot.
"Ayos lang ako. Malayo sa atay ang ginawa nyang pag sakal sa sariling anak." Maka hulugang sabi ko.
Sinenyasan kami nitong sumunod sakanya. Napapa ngisi ako lalo sa nangyayari.
Ang dumating lang naman ay ang kapatid ng Ama ni Heston. Isa ito sa pinaka mahusay kumilatis. Sya rin ang taga hatol. Isa nga rin pla ito sa pinag kahaba lahan ko.
Matapos ko kasing kunin lahat ng ibedensya ay dumiretso ako sa ka taas taasan. Alam kong may parusa parin ako pero hindi iyon ganoon kalaki.. hindi tulad sa Hari at sa Reyna nito.
Alam kong inosente ang mga anak nila. Laban kay Louisiana at sa Ina nito. Pero kasalanan na nila kung bakit sila namatay.
"MAMAMATAYNTAO KA!"
_
Nakalimutan ko sabihin na malapit na ding matapos ang chapters nya huhu sowey po.JADE|J.J
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS A WORTHLESS PRINCESS
Mistero / ThrillerTHE STORY ABOUT REINCARNATION