Ngayon ay naka angkas ako sa kabayo ni Kudos. Pero hindi ako pumayan na maki angkas din sya.
Ilang saglit lang ay naka balik na rin kami dala dala ang lion na napatay naming tatlo. Nag Bulong bulungan pa ng ilang mga babae dito.
Pati lalake ay ganon din. Pero meron din namang walang pakealam saakin. Alam kong pinag bubulungan nila ako kung bakit ko kasama itong dalawa.
Dahil wala rin naman silang pakealam saakin kung mamatay ako sa pangangaso.
iginalaw ko ang saddle at saka iyon pinalapit sa harap nung apat. Kita ko sa mukha ni Georgia ang inis dito. Alam kong nag seselos sya. Binigyan ko lamang sya ng isang mapang insultong tingin bago ko binalingan ang tatlo.
"Pano bayan. Mukhang hindi ganoon ka bangis iyang na huli nyo." Aniya ko ng diretsong naka tingin kay George.
"Ako lang naman ako nang huli nyan ng hindi kinakailangan ng tulong nang iba." Sagot nito. Napa ngisi ako ng palihim sa isip ko.
"Pero wala rin naman sa napag usapan na bawal kumailangan ng tulong sa iba, hindi ba Prinsepe Harris?" Baling ko dito salubong ang kilay.
"Anong pinag sasasabi nyo?" Singit ng Hari. Kunot ang noo ako nitong tinignan. "Bakit ba nandito ka? Mag papakamatay kaba?" Nag kibit balikat ako.
"Hindi naman. Pero MAY papatayin meron." Binigyang diin ko pa yung 'may' Para maramdaman nyang hindi ako nag bibiro sa sina sabi ko.
"Umayos ka Louisiana. Ako parin ang Ama mo" Halata ang pagka pikon dito.
"Really?" Di maka paniwalang sabi ko. Napa kunot ang noo nito, marahil ay hindi nya ako maintindihan. "Okay.. if that's what you said. But can you please excuse us?" anya ko dito.
"We're not done talking here." Dugtong ko pa saka ako bumaling kay George pero dahil nga dakilang epal itong ama ni Louisiana, hinawakan ako nito sa braso.
Pinukulan ko naman ito ng masamang tingin. "Anak ko kayo kaya may karapatan akong malaman kung anong pinag tatalunan ninyo Louisiana."
Sarap din nyang saksakin sa ulo para manahimik na eh. Hindi talaga naa kakaintindi.
"Ang sabi ko hindi pa kami tapos mag usap. Ano bang hindi mo maintindihan doon?" Pigil kong ma suntok at balian ito ng buto ng sabihin ko iyon.
Parehas kaming nag titigan ng masama.
"Ama, tama na." Si George. Napa baling naman sakanya si Heston.
"Wala kang karapatan George." Aniya ni Heston. "Sabihin nyo sakin ang pinag tatalunan ninyo?" Galit nitong binalingan kami ni George ng tingin.
"Ama.. nag pustahan sila ni Louisiana" Si Georgia na mismo ang nag sabi samin.
Marahas ko namang inagaw ang braso ko. "Pusta? Ano namang dahilan para mag pustahan kayo? At ano ang pinag pustahan ninyo?" Galing nitong tanong.
"Si Louisiana ang may kasalanan. Nilait nya ako Ama. Hindi raw bagay saakin ang pa ngangaso, eh hindi naman talaga para sa mga babae ang ganoong bagay. Hindi po ba Ama? Ikaw pa po ang nag turo nyoon saakin at si Ina" Gusto kong palak pakan si Georgia sa mga sinabi nya.
Hindi na namin alintana ang tingin ng iba o ang makaka rinig.
"Totoo ba iyon Louisiana?" Tumaas ang kilay ko.
"Eh ano naman kung totoo? Kahit pa nga may paliwanag ako dito hindi mo naman paniniwalaan, mas prior mo pang pakinggan ang kwento ng magaling mong Anak kesa saakin, hindi ba?" Bahagya pa akong natawa.
"Bakit kung makapag salita ka ay parang hindi rin kita Anak?" Tanong nito sa umiigting ang panga.
"Hindi mo naman talaga ako itinuring na Anak. Kaya bakit ka ganito saakin?" Takang tanong ko rin. Napa tikom ito. Naka titig lng ito sakin.
Halo-Halo ang emosyon. Hindi ako na tutuwa sa tingin nyang iyon dahil na iinis ako. Ano to? Matapos mamatay ang isang mahala naman talaga sakanya saka sya mag sisisi sa huli?
Saka nya marerealize na mahala ang nawala sakanya? Na ganoon nya pala yun kamahal? Tsk, patawa.
"Gusto kong lumuhod ang anak mo saakin." Sabi ko matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Heston.
Kumunot ang noo nito. "Alam mo ba iyang sinasabi mo Louisiana?" Sabi nito.
"Oo at iyon pa ang ipinag pustahan namin." Sabi ko sa malamig na pananalita.
"Prinsepe ang kapatid mo Louisiana. Sya ang susunod na tagapag mana—" Hindi ko na sya pina tapos pa at nag salita ako.
"You're not sure about that." Sa sinabi kong iyon ay napa bulong pa ang iba.
"Tama na iyan. Nag eeskandalo lang ikaw Louisiana. Mabuti pa at umuwi na tayo at doon na pag usapan ang mga ito." Singit ni Harris.
Kuyom ang kamao at masama ang tingin saakin ng tatlo matapos akong talikuran at umalis.
Tinignan ko lamang ang karwaheng sinakyan nila paalis dala ang nahuli rin.
"Geezz.. Ang hot" Hindi ko pinansin si Kudos at tinalikuran sila. Pasakay na din sana ako sa karwahe ng matigilan ako.
"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko dito.
Tumitig ito saakin at nag kibit balikat. "Don't know." Sagot nito. Napa kunot ang noo ko at nilingon ko si Kudos na napa taas ang kamay.
"Wala na akong kinalaman dyaan, sya ang may gusto nyan at hindi ako" Umiiling na sabi nito.
"Umalis kana dyan sa loob at ng maka sakay na ako." Malamig kong sabi kay Leviticus. Pero mukhang makulit ang isang ito.
Pero bago pa ako muling makapag salita ay bigla nalang ako nitong hinatak papasok sa loob. Dahilan para mapa kandong ako sakanya.
Sakto ring biglang nag simulang umandar ang karwahe kaya naman ay napa kapit ako sakanya ng mawalan ng balanse dahil sa pagka bigla sa ginawa ni Leviticus.
"Ano bang problema mong hayop ka?" Galit kong sabi rito. Pero parang na silaw ata ako sa pag ngiti nito saakin.
Ito ang kauna unahang beses na nakita ko syang ngumiti. Hindi man iyon anot tainga at walang emonsyon paring makikita kahit naka ngiti sya ng kaunti ay ang lakas ng dating.
Bumagay parin iyon sakanya. At kung ibang babae lang ako ay siguro nahimatay na ako sa ka landian at ka O.A han sa kilig pero hindi.
Sa halip ay mabilis lamang kumabog ang dibdib ko habang nakaka ramdam ng kung ano sa aking tyan. Ano to? Epekto ba ito na isa ring malandi si Louisiana?
Tsk. Itinulak ko ang mukha nito saka ako umalis sa pag kaka kandong sakanya. Pinag pagan ko pa ang aking sarili.
"Lumabas kana Leviticus." Mariin kong utos dito.
"No." Sagot nito. Pigil ko ang sarili kong matadjakan sya palabas ng karwahe. Baka hatulan pa ako ng kamatayan kapag ginawa ko iyon.
Pero nakaka inis kasi at sumama pa ang isang ito. Alam kong may binabalak ang isang ito at kung ano pa man iyon ay hindi ako papayag.
"Kapag hindi ka lumabas sa karwaheng ito ay mag papakamatay ako." Hindi ko alam pero iyon nalang ang nasabi ko.
At dahil sa sinabi ko wala manlang itong reaction doon. Parang wala nga syang narinig o sadyang walq lang syang pakealam.
Pikon at galit na nanahimik nalamang ako. Hindi ko naman din gagqwin ang sinabi ko dahil una sa lahat. Ayoko nang muling mamatay sa pangalawang pag kalataon.
Pangalawa ay may goal pa akong angkinin ang trono ng Heston na iyon.
At ipamukha sa lahat na hindi lang lalake ang may karapatan bilang maging isang hari. Kundi ay pati babae kaya. Ayokong sa mga ganitong henerasyon ay minamaliit ang mga babae.
Napaka bulok nila. At nakaka suka pa.
JADE|J.J.T.H
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS A WORTHLESS PRINCESS
Mystery / ThrillerTHE STORY ABOUT REINCARNATION