CHAPTER 07

4.2K 153 2
                                    

Pinindot ko iyon at napa layo ako ng bahagya ng bigla nalang may na hulog na libro.

Dinampot ko naman iyon at tinitigan. "My treasure.." Basa ko. Binuklat ko naman iyon, babasahin ko na sana ang laman ng may marinig akong nag mamadaling yabag.

Papalapit iyon dito kaya naman madali kong pinatay ang apoy sa kandila saka mabilis na nag tago.

Ilang saglit langay bumukas din ang pinto.

"Ano ba ang gagawin natin dito? Alam mo ba kung anong oras na?" Rinig kong sabi ng kung sino. Dahil sa dilim ay hindi ko makilala ng maayos kung sino ang pumasok.

Naka itim na balabal silang dalawa.

"Kayalangan nating makuha na iyon bago pa ang iba." Sagot naman ng isa.

"Akala ko ba walang ibang makaka kuha non, eh bakit ngayon nag mamadali ka?"

"Hindi ko rin alam, pero.. may kutob ako na mapapahamak tayo."

Pinilit kong silipin ang mukha nila. Bakit ganon? Pareho lang ang boses nila. Hindi ko tuloy matukoy kung babae ba o lalake sila.

Dahil sa boses na kakaiba. Animoy isang dwende ang nag sasalita.

Idagdag pang naka balabal sila ng itim. Sa kasamaang palad ay hindi sila humarap. Hindi ko nakita ang mukha nila.

Nilapitan nila ang larawan ng ina ni Louisiana.

"Hindi maaari!" Bulalas ng isa.

"Bakit? Hwag mong sabihing-" Mabilis na lumapit din ang isa. "Bakit wala!"

"Sabi ko na nga ba."

"Sino naman ang kukuha non dito?"

"Hindi ko alam, imposible namang si Louisiana ang kukuha non, eh ayaw na ayaw nyang pumapasok dito. Isa pa, b*bo ang isang iyon."

"Hindi kaya may ibang pumasok dito?"

"Hindi ako sigurado pero pag pihit ko kanina ng pinto ay hindi naka lock. Paniguradong may ibang pumasok dito."

Sandali pa silang nanahimik bago sumagot ang isa. "Tara na at baka may maka kita pa saatin dito." Sabi nung isa.

"Ipag bigay alam agad natin ito."

Nang maramdaman kong naka layo na sila ay saka lang ako lumabas. Sa tingin ko itong libro ang pakay nila.

Kinabukasan ay maaga akong na gising kahit pa hindi ganoon kahaba ang tulog ko.

Tinungo ko ang mesa ko at saka inilabas ang libro. Gusto ko malaman kung ano ang nilalaman nito at ganon nalang ka importante ito sa dala kagabi.

Unang pahina palang ay may pangalan na ang naka lagay. Fatima Skeers Delavan. Iyan ang naka lagay..

Binasa ko pa ang kasunod na pahina. Binasa ko lang ng binasa iyon hanggang sa mapa kunot na ang noo ko.

"Umibig ako sa hari kahit alam kong mali. Hindi ko kasi mapigilan ang aking sarili kapag hindi sya na kikita ay na lulukot ako ng sobra. Hanggang sa namalayan ko nalang na kinuha nya ako.. ipinag laban nya ang pag mamahalan namin laban sa kayang ama at ina.." Napa hinto ako. Ang baduy. Pero muli ko ulit itong binasa.

"Nag sama kami ni Heston. Ramdam ko ang sobrang pag mamahal nya saakin. Nag tagal iyon pero habang tumatagal ang may nag babago sakanya. Ilang beses naming sinubukan magka anak pero may problema ata saakin kaya hindi ako ma buntis- buntis. Labis kaming nanlungkot lalong lalo na si Heston. Unang beses kong nakita sa kanyang mga mata ang pagka dismaya saakin dahil hindi ko sya mabigyan ng anak. Na lungkot ako sobra ng ilang gabi ang nag daan na hindi nya manlang ako sinamahan sa aming kwarto. Iniiwasan at naging magagalitin sya sa tuwing lalapit ako.." Parang may karayom na tumusok sa puso ko. Ang walang hiyang lalaking iyon.

Pina kalma ko ang aking sarili saka muling binasa ang diary pala ng ina ni Louisiana.

"Hindi nag tagal ay may babae akong naka bangga. Napaka ganda nya. Pero sa maganda nyang pang labas na anyo ay sya ring pangit ng ugali nya. Pero ang mas naka sakit saakin ng sobra ay iyong malaman ko ang totoo. Ang totoong sya ang pangalawang asawa ni Heston. Hindi ko alam kung bakit pero ng tangkain kong sampalin si Glorina.. Labis na nagalit saakin si Heston dahil nag dadalang tao pala si Glorina. Durog na durog ako nung mga panahon na iyon..

Dumating ang araw nang panganganak ni Glorina. At kahanga hanga dahil kambal na ang ipina nganak nito. Nauna ang lalake bago ang babae nailabas. Kaya alam ko na kung sino ang syang magiging sunod na Hari. Labis ang tuwa at saya ni Heston nung mga araw na iyon. Kaya napa tanong ako saakin isip kung.. kung ako naman aang manganak ay magiging ganoon din kaya kasaya si Heston?

Dumaan pa ang ilang bwan ay hindi parin ako sinasamahan ni Heston sa aamin kwarto. Ang masasayang ala ala nung magkasama pa kami.. noong hindi ko pa na didismaya. Ngayon ay wala na, inisip ko saaking sarili ay kapag dumating ang araw na mabuntis ako ay babalik sya saaking piling. Pero ilang araw lang ay muling na buntis si Glorina, masayang masaya si Heston sa balitang iyon. Masaya man ako para sakanila lalong lalo na kay Heston ay nakaka ramdam ako ng matinding inggit kay Glorina.

Gumawa ako ng paraan para muling maka sama si Heston at ng maka piling sya kahit isang gabi lamang. Gusto ko paring subukan ng mga panahong iyon na mabuntis ako.. na mabigyan ko manlang sya ng anak kahit pa alam kong na uubos na ang pag mamahal nya saakin. Nag tagumpay ako ng makasama ko si Heston sa aming kwarto. Lasing sya.. akala nya ako si Glorina pero hindi.. masakit para saakin na akala nya ako ang babaeng kina babaliwan nya ngayon.

Araw ang lumipas ng malapit nang manganak si Glorina ay saka ko lamang doon nalaman na buntis ako. Labis ang tuwa ko ng mga araw na iyon kaya sinabi ko agad iyon kay Heston pero isang sampal ang ginawa nito saakin. 'Hindi ko na kaylangan ng anak mo, ang mga anak namin ni Glorina ay sapat na Fatima. Hinahayaan nalamang kita dito sa kastilyo ko dahil kahit papaano ako parin ang asawa mo.' Iyon ang mga katagang sinabi nya saakin. Sobrang sakin pero nilakasan ko ang loob ko para sa anak ko.-"

I stopped reading the book when the door opened. Iniluwa nito si Tanda.

"Naka handa na po ang inyong liguan mahal na Prinsesa Louisiana" Tango lamang ang ginawa ko at itinago na ang librong walang sino man ang makaka kita.



JADE|J.J.T.H

REINCARNATED AS A WORTHLESS PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon