CHAPTER 16

3.8K 131 1
                                    

Binigyan ko lamang sya ng taas kilay matapos nya akong sigawan ng walang hiya.

Bumaling naman ang tingin nya kay Kudos na naka ngisi lang. Dinuro nya ito at matalim ang tingin ang ipinukol dito.

"Hayop ka.. anong kababuyan nanaman ang ginagawa nyo nitong babaeng ito!?" Sigaw nanaman nito.

"Wala kaming ginagawang masama." Simpleng sagot lang ni Kudo hindi alintana ang masamang tingin sakanya ng babae.

"Ang gahaman mo talaga sa mga babae!"

"Pwedeng pwede ako mag asawa ng marami Kathrine." Natigilan ang babae sa sinabi ni Kudos. Na di malabong totoo naman talaga.

Dahil bulok ang kinagisnan nilang henerasyon. Napa tsk ako dahil sa na sasaksihan ko. Bakit ba ako na dadawit sa away nitong mag asawang ito.

"K-kaya ba.. kaya ba lagi kang nandito dahil sya ang balak mong asawahin bukod sakin na syang una mong minahal at pinangakuan at.. pinakasalan?" Mangiyak-ngiyak na tanong nito kay Kudos.

"Hmm.. maybe not or maybe yes. Kung papayag sya na parehas nya kaming papakasalan ni Levi." Napa irap ako.

"Mangarap ka ng gising. Wala naman akong pakialam sainyong dalawa. Gagamitin ko lang naman ang katayuan nyo sa mundong ito para sa mga plano ko Kudos." Malamig kong sabi.

Tinignan ko ang babaeng ngayon ay tumutulo na ang luhang nag sasalit salitan ang tingin saming dalawa ni Kudos.

"Paalisin mo na yang asawa mo dito. I know he loves you, sadyang hindi nya lang matanggap sa sarili nya dahil ayaw nyang iisa lang ang magiging babae nya sa buhay." Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi.

"W-what-" Hindi natapos ni Kudos ang sasabihin ng sumabat si Kathrine.

"A-re you sure? Paano ka nakaka sigurado gayong ikaw ang gusto nyang sunod na pakasalan.." Humagulhol na nito sa iyak.

"Dahil alam ko ang galawan ng isang babaerong na ngako sa sarili na hindi mahuhulog sa iisang babae pero maraming salita nga ang napapako. At isa na ang mga salita at ipinangako nyang asawa mo sa sarili nya. Kaya ganyan nalamang sya ka g*go para saktan ka at ang sarili nya dahil hindi nya matanggap ang katotohanang minahal ka nya Kathrine. Minahal ka ng mokong na iyan.." Tumigil ako saka ako bahagyang lumapit sakanya para bulungan.

"Kaya gawin mo ang lahat para matanggap nya sa sarili nya na ikaw lang ang babaeng nasa puso na nya ngayon." Pagka sabi ko nun ay sinanyasan ko ang dalawang katulong kong chismosa.

Lumabas ako sa kwarto ko. Sira na ang pinto ng kwarto ko. Bahala sila muna silang dalawa doon. Gusto ko munang mag pahangin.

Hindi ko alam kung gakit ganon ako mag salita kanina. Nakakainis. Hindi ako ganito. At mas lalong ayaw ko ng sobrang madrama sa buhay.

Napa hinto ako ng masalubong ko si Glorina. Naka ngisi ito sakin. Binigyan ko naman sya ng ngiti.. kaso ngalang nauwi rin sa ngisi.

"How's your day Louisiana? Did you meet Kathrine already? How's the friendly talk?" Mapang usisang tanong nito.

"Hmm.. good. Nag uusap na nga sila sa kwarto ko ng masinsinan. Pero ang maganda kong araw ngayon ay nasira din.." Sabi ko. Nakita ko ang pag tataka sa mukha nya pero nag tanong parin ito.

"Why?"

"Nakita kasi kita ngayon." Sagot ko dito.

Sumama naman ang tingin nito sakin. "Tsk. Nasira din ang araw ng makita ko ang katulad mong walang galang." Ngumisi ako.

"Ganyan nga, ipakita mo ang tunay mong ugali."

"Oh my.. kung iyong mamarapatin, maari naba akong umalis? Kayalangan ko pa kasing mag isip at mag plano kung sino ang pumatay sa akin ina at sa kamuntikan ko na ring pagka matay." Pagka sabi ko nun ay dinaanan ko nalang sya.

Pero bago pa man ako tuluyang malagpasan sya ay nakita ko pa ang pag silay ng takot sa mukha nya.

Ganyan nga.. matakot kayo. Mas lalo lang ako na eexcite sa mga mangyayari. Mas lalo akong ginaganahan ngayon.

Sa halip na mag pahangin ay nakapag desisyon akong pumunta sa pwede kong mautusan.

Basta may sapat na salapi, nasa sayo lang ang buong tiwala nya.

__

"M-mahal na Prinsesa, anong kayalangan nyo sa taong nasa loob nyan?" Takot na sabi nitong si Tanda, naka akap naman sakanya ung isa.

"Manahimik kayo. Basta sundin nyo nalang lahat ng iuutos ko. Gusto ko nang pag bayarin ang mga taong may atraso saakin." Sa sinabi kong iyon ay nag tinginan sila.

Ilang minuto lamang din ay bumukas ang pinto. Iniluwa nun ang lalaking malaki ang pangangatawan at matalim nitong tingin.

Kahit may edad na ay umaapaw parin ang tikas nya. Tumikhim ito.

"Ano ang kaylangan mo?" Tanong nito.

"Balita ko kaylangan mo ng malaking pera?" Sabi ko sahalip na sagutin ang tanong nya.

Kumunot ang noo nito. "Kanino mo nalaman iyan?" Usisa nito. Kunwari ay nag isip pa ako pero binigyan ko din sya ng seryosong tingin.

"Sarili ko." Sagot ko dito na ikina salubong ng kilay nito.

"Oo kaylangan ko nga ng pera. Bibigyan mo ba ako?" Bahagya pa itong tumawa.

Sya ang kilala sa lahat dito na isang magalit at sikat na magaling kumutas ng kaso. Pero dahil namatay ang mag ina nya sa hindi malamang dahilan.

Sinubukan nyang lutasin kasama ng iba pang magagaling lumutas ng kaso ang nangyari sa pamilya nya pero nauwi iyon sa .. Sya ang itinuturo ng lahat nang ebedensyang natuklasan nila.

At dahil doon ay nakulong sya. Pero naka laya din. Walang sinanong nakaka alam kung bakit sya naka laya pero pinalayas sya sa syodad bilang kapalit.

Kaya namuhay na sya dito sa gubat. Kahit sa nabasa ko ang buong storya nitong nobelang ito ay hindi sinabi kung papaano sya naka laya.

"Oo, kung susundin mo ang i uutos ko." Biglang nawala ang lahat ng emosyon sakanya.

Alam kong tumigil na din sya sa pag iimbestiga. Simula din ng maka laya sya. Nawalqn na din sya ng pag asang mabibigyan pa ng hustisya ang pag patay sa mag ina nya.

Kaya alam kong tatanggihan ako nito pero hindi ako susuko. Ayokong tinatanggihan ako.

"Umalis na kayo. Hindi mo ba ako na kikilala?" Sabi pa nito.

"Kilala pero.. hindi ako papayag na tatanggihan mo ako." Aniya ko sa mapag banta. Tinitigan ako nito.

"Hindi ko kaylangan ng pera mo kung uutusan mo lamang akong mag imbestiga sa problemang kinakaharap mo ngayon. Kaya umalis na kayo, sinasayang-"

"Kapag tinutungan mo ako malalaman mo din kung sino ang pumatay sa pamilya mo." Putol ko sa mga sasabihin nya.

Syempre, nabasa ko sa nobela kung sino at paano pinatay ang pamilya nya. Pero hindi makukulong ang pumatay. Kundi.. papatayin nya mismo ang mga ito. At walang makaka isip na sya ang may gawa non.

JADE|J.JT.H

REINCARNATED AS A WORTHLESS PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon