Walang pake sa ibang naka tingin sakin ng taas noo akong naka sakay sa kabayo habang hinahanda ang palaso kong hawak.Marami pa ang pumigil saakin kanina sa pang mamaliit nila saakin. Ganito nga talaga ang henerasyon noon na minamaliit nila ang mga babae.
Halos ako lamang na babae ang naka sumali sa mga kalalakin para mangaso. Napa tingin ako sa Ama ni Louisiana. Kita dito ang pagka dismaya at pang iinsulto.
Taas ang isang kilay na iniangat ko ang aking gitnang daliri sakanya. Bahagyang napa kunot ang noo nya sa ginawa ko pero di ko na sya pinansin matapos non.
Naka ngisi ko nalamang na binigyang pansin si George na blangko ang tingin saakin. May ibinulong pa sakanya si Harris.
Ano naman ang binubulong-bulong ng kulugo na yon?
"Louisiana." Hindi ko alam kung nag tataka ba nitong tinawag ang pangalan ko o sadyang tinawag nya talaga. Sa lamig at walang buhay na boses na yon ay nilingon ko kung sino iyon.
Sumalubong saakin ang Kulay pulang mga mata nito. Hindi ko alam pero may kakaiba talaga sa mga tingin nya.
"Bampira kaba?" Wala sa wisyong tanong ko. Bahagyang tumabingi ang ulo nito dala ng hindi ako nito na intindihan.
"Tsk." Na sabi ko nalamang at pinihit ko ang kabayong sakay ko patalikod sakanya. Handa na ako.
May iilan na ring na unang umalis dahil nag yayabangan sila na makaka huli daw kuno sila ng mababangis na hayop.
Nag umpisa ko na ring hinampas ang patagilirang bandang pwetan ng kabayo para tumakbo iyong ng mabilis na nangyari naman.
Napa lingon ako bahagya ng may sumabay sa bilis ng pag takbo ng kabayo ko, ang lalaking ito nanaman ang tingin nya. Ni hindi manlang sya tumingin sa dinaraanan.
Naka tingin ito sakin ng walang buhay. Ano ba ang problema ng lalaking ito? Uhaw ba ito sa dugo ko? Bahagya akong napa iling sa naisip ko. Hindi totoo ang mga bampira Fiona.
Hindi ko sya pinansin sa halip ay pinihit ko sa ibang direksyon ang aking kabayo. Hindi ako na tutuwa sa pag mumukha nya.
Pero anak naman ng teteng at talagang sumunod sya. Malamig ko syang tinignan. "Whats your problem!?" Malakas na tanong ko rito. Hindi ito sumagot saakin.
Na iinis na ako sa lalaking ito.
"Leviticus!" Napa baling kaming dalawa sa tumawag. Si Kudo na malawak ang ngisi saamin. Naki sabay na rin ito. "Gusto ka lamang protektahan ni Leviticus Prinsesa Louisiana!" Aniya nito.
Hindi ko kaylangan ng pag protekta nito! Sagabal lang sila saakin.
"Layuan nyo ako!" Sabi ko saka ako muling humiwalay at binilisan ang pag papatakbo sa kabayo. Good thing.. at hindi naman nila ako sinundan pa.
Hindi ko alam kung ang lalake ba na iyon ang naka tuluyan ni Louisiana? Nakakainis talaga na wala akong ni isang maalala sa mga naganap kay Louisiana.
Sa pag papatakbo ko sa aking kabayo ay napa maang ako. Bahagyang napa awang ang aking bibig ng may makita akong Lion na sya pa mismo ang nag aantay sa pag dating ko mula sa malayo.
Pero hindi iyon ang nakapag pa mangha at nakapag pa gulat saakin. Hindi ito normal na isang Lion!
Mas malaki ito saakin at Mas malaki ang pangil, isa pa ay kulay violet ito. Itim na itim ang buong mata at mula sa dulo ng buntot nito ay parang gawa sa kung anong matigas na bagay.
Ang tulis ng buntot nya na sa tingin ko ginagamit din nito iyong pang laban o pang patay sa mga makikita nitong pagkain nya. Sobra ang pag lalaway nito habang naka tingin saakin.
Wala sa oras na napa hinto ko ang akin kabayo. "What the f*ck..Hindi na normal ang pangangasong ito." Na alisto ako bigla ng mag simula itong mag lakad.
Napa tingin ako sa paligid. Wala akong ni isang kasama. Sh*t. Wala akong maipapain!
Mabilis kong pinihit ang aking kabayo paalis doon ng mag umpisa nang tumakbo ang nilalang na iyon saakin. Sa laki nito for sure ay mahahabol nya kami!
T*ng*na. Bakit hindi nila sinabi saakin na ganito pala ang hinahunting nila dito!?
Mabilis na kinuha ko ang aking palaso at inilingon ang Lion sa likod. Medyo malayo pa ito saamin pero hindi ko alam kung tatalab ba rito itong dala ko.
Sa kapal ba naman ng kanyang balat. Tsk. Itinutok ko iyon sa Lion. Pinupuntirya ko rito ang kanyang mata.
Binitawan ko naman iyon at tinitigan kung tatamaba pero napa nganga ako ng mabilis umilag ang Lion. T*ng*na! No choice ako kung di ang tumakas.
Hindi ko na alam kung saan ako dumadaan. Ni hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko. Pero t*ng*na maiisip ko palang na luluhod ako sa George na iyon ay nang gagalaiti na ako.
Napa tingin ako sa paligid. Wala manlang akong pwedeng mapag gamitan. Nilingon ko ang humahabol sakin ngayon.
Naka habol parin ito sakin, mukhang gutom ang isang to. Habang tumatakbo ang kabayong sinasakyan ko. Mabilis akong Akong kumilos at tumalon sa kung saan.
Kailangan kong mag tago at alamin kung anong kaihinaan nitong hayop na ito. Nang sa ganon ay si George ang luluhod at hindi ako.
Napapa ngiwi pa ako sa suot ko. Masyadong sagabal ang suot ko. Hindi qko maka kilos ng maayos tsk.
Nag tago na ako sa isa sa mga malalaking puno. Ramdam ko ang mabibigat na pag lalakad nitong lion. Hindi ko rin alam pero bumigat din ang pag hinga ko.
Kailangan kong umakyat sa puro. Sinilip ko ang lion. Naka talikod ito mula sa pinag tataguan ko kaya naman ay walang ingay akong umakyat sa puno.
Good thing ay meron akong napag kakapitan kaya madali at mabilis lang akong naka akyat.
Gusto kong punitin ang tela nitong suot ko. Kung alam ko lang talaga na hindi normal ang mga hayop dito ay baka hindi na ito ang isinuot ko.
Kaya pala ganon nalang maka tingin sakin ang haring iyon at si Kudos. Nakakainis.
Inayos ko ang panang hawak ko. Tinignan ko ang lion. Maliban sa makapal nitong balat may kakaiba rin doon mula sa batok nya.
Ngayon ko lang iyon nakita. Napaka liit non na nag tatago sa makapal nitong balahibo. Kung hindi pa hahanginin ay hindi ko iyon makikita.
Hinanda ko kagaad ang pana ko at sinubukang puntiryahin iyon. Nang bibitawan ko na sana ay biglang na hampas ang punong syang pinag akyatan ko ng buntot nya.
Sa lakas nun ay nawalan ako ng balanse. Sinubukan kong kumapit sa puno pero bigo ako kaya napa mura nalang ako ng sunod² sa isip ko dahil alam kong mawawalan ako ng malay kapag nalaglag ako.
Sa katawang ito ba naman ni Louisiana? Napaka hina pa para sa ganito kataas na lalaglagan nya.
Pero imbes na sakit ang maramdaman ko ay napa away ang aking bibig.
Hindi man sya naka tingin saakin ay alam ko kung sino ito. Tumingin pa ito ng bahagya sakin pero saglit lang iyon at ibinalik din sa daan.
Leviticus.
JADE|J.J.T.H
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS A WORTHLESS PRINCESS
Mystery / ThrillerTHE STORY ABOUT REINCARNATION