CHAPTER 09

4.2K 142 1
                                    


Anonymous? Baliw ba ang kung sino mang nag bigay nito? Napa iling ako at masama ang loob na dinampot ang diary.

Napa halumbaba ako sa mesa saka napa titig sa libro. Hindi ko alam kung anong sense nito. Pero isa lang ang masasabi ko. Ito ang huling papel na nabasa ng ina ni Louisiana bago sya nalason.

So sa nasa mansanas ang lason. Iyon ang sinabi ng Hari. Na kaya namatay sya dahil sa mahilig syang tumanggap ng mga ibinibagay sa ina ni Louisiana kaya sya namatay.

"Prinsesa Louisiana, may na ririnig po akong mga kalabog sa kwarto ninyo kaya hindi ko na po natiis ay pumasok na ako para silipin ang nangyayari.." Napa buntong hininga ako.

"Sabihin mo saakin. Si hes- Ang Ama ko ba ay may ginawa para hanapin ang salarin sa pang lalason ng aking ina?" Tanong ko dito.

"Sa totoo lang mahal na Prinsesa, wala pong ginawa ang iyong Amang Hari.. ipina libing nya lamang po ang inyong ina ng mga panahong iyon.. labis nga po akong na lugkot dahil hindi manlang nabigyang hustisya ang pagka matay ng inyong ina.." Na ikuyumos ko ang kamao ko.

"Sa tingin mo.. sino sakanilang lima ang nag lason?" Aniya ko. Malakas ang aking kutob na isa sakanila ang lumason.

"A-ano po bang sinasabi nyo Prinsesa L-louisiana.. hindi naman-"

"Sige manahimik kana." Sabi ko. Wala akong mapapala sa babaeng to kung sya ang tatanungin ko. Tumayo ako at nilingon sya.

Bahagya naman syang napa yuko. "Gusto kong mag libot sa kastilyong ito, samahan mo ako ng sa gayon ay kapag gusto kong mapag isa alam ko na kung saan ako pupunta." Mabilis naman itong napa tango.

Nag simula na nya akong ilibot sa lahat. Pero nakakapag taka at hindi nya manlang ako idinala sa isang daan na syang may bantay pa na kawal.

"Bakit hindi mo ako idinadala doon?" Tanong ko dito.

"H-hindi po tayo pupwede dyaan mahal na Prinsesa Louisiana.." Aniya nito.

"At bakit naman hindi?" Tanong ko dito ng may kunot noo.

"K-kasi po.. sila lamang ng Mahal na Reyna ang pwede dyan. Dyaan po sila lagi tuwing mag sasama sama silang pamilya.." Paliwanag nito. Oh so they have a privacy ha? Ganoon ba kaayaw ng Hari na iyon sakanila ng ina ni Louisiana?

"Gusto kong pasukin iyan." Final na sabi ko at ako ba mismo ang umunang nag lakad.

Pinipigilan pa nya ako pero hindi ako nagpa tinag. Nang papasok na ako, mabilis akong hinarang ng kawal. Nag salubong ang kilay ko.

"Tumabi kayo." Utos ko sa mga ito. Wala ata silang narinig dahil hindi manlang sila gumalaw sa kina tatayuan nila.

"M-mahal na Prinsesa Louisiana.. ang hari po ang nag utos sa kanila na huwag kang papapasukin dyan.." Bulong saakin nito.

"Prinsesa at anak din ako ng hari kaya umalis kayo dyan." Maotoridad na sabi ko. Sa pag kakataong ito ay napa tingin na sila saakin.

"Patawad Prinsesa Louisiana pero ang Mahal na Hari ang nag sabing hwag kayong papasukin dito." Napa tiim ang bagang ako.

"Ganon." Nasabi ko. "Nandyan ba sila sa loob ngayon?" Tanong ko nalamang sakanila na ikina tango nila. Napa buga ako ng hangin.

Aalis na sana ako dahil hindi rin naman nila ako papapasukin. Pero bahagya akong natigilan.

"Bakit ba ang t*nga nyo? Hindi ba at sinabi ko sainyo na kunin nyo!" Napa kunot ang noo ko.

"P-patawad.. pero wala na po doon"

"Umalis na kayo sa harapan ko! Ngayon din!"

Mabilis akong nag lakad palayo. Naka sunod naman saakin ang katulong ko. Dirediretso lamang ako.

REINCARNATED AS A WORTHLESS PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon