Panglabing-tatlo

4 1 0
                                        

Panglabing-tatlong Sekreto

WALA AKONG magawa kundi pumasok. Wala parin akong nakukuhang balita sa mga pulis. Kahit ang ginawa ko ng nakaraang linggo ay wala ring resulta.

Sinantabi ko muna saglit ang mga nakaraan bago ako magpatuloy na lumakad. Sa walong araw kong paghahagilap sa nanay ko, napagtanto ko lang.

Tama nga ang mga kaibigan ko.

Kailangan ko muna ayusin ang pag-iisip ko dahil wala naman akong mararating kung puro pagmamadali ng resulta ang gusto kong makamit. Kinakailangan ko rin ng pahinga upang makapag-isip at makakilos ng maayos.

Kumuha lang ako ng isang tinapay na nakastock sa ref bago ako umalis ng bahay. Tinawagan ako ng adviser ko at kailangan ko na raw maghabol ng mga gawain sa school. Hindi raw ito makakaganda sa record ko, ipaubaya ko nalang daw ito sa mga nakakataas.

Hindi ko man gusto, wala naman akong magagawa. Dinamdam ko ang init ng araw habang papunta sa school. Hindi na naman nawawala ang pakiramdam na may nakatingin sa'kin sa malayo.

Nababahala ako ngunit wala pa naman itong nagagawang mali sa'kin simula nang nagparamdam sya. Natatakot ako sa mangyayari kung papabayaan ko sya.

Siguro sasabihin ko nalang ito sa mga kaibigan ko. Balak ko narin naman makipagbati sa kanila ngayong araw.

Hindi ko mapigilang ngumiti at ma-excite kung ano ang magiging reaksyon nila. Ako ang unang lumayo pero ako rin ang unang lalapit sa kanila. Buhay nga naman.

Nirespeto kasi nila ang opinyon ko kaya mahigit ilang linggo narin kaming hindi nagkikita. Nami-miss ko narin ang bonding naming lahat, lalo na kapag mag-aaya sila pagkatapos ng klase.

Inaasahan ko ito ngayon pagkatapos ng pagkakaayos naming lahat. Ako lang naman kasi ang matigas ang ulo eh.

Nagawa ko pang gumawa ng tunog habang patuloy na papasok sa room namin. Luminga-linga ako sa paligid kung sino ang mga nasa loob na at napansin ko ang palaging present tuwing umaga.

Sila Olivia at Fio. Hindi naman kalayuan si Caleb na may hawak-hawak na libro. Medyo nagtataka pa ako kasi hindi naman nya 'yan ugali ngunit lumapit ako sa kanila para batiin.

"Good morning." Masaganang bati ko sa kanila at binigyan sila ng isang malapad na ngiti. Pakiramdam ko ihahagis na naman nila ang kanilang katawan sa'kin kaya niready ko na agad ang aking pagtayo.

Subalit, iba ang lahat sa inaakala ko. Sabay silang tatlong lumingon sa'kin bago tumango at ngumiti,

"Morning, Cathy." Tapos balik sa kanilang ginagawa.

Hm? Anong meron? Medyo nawerduhan na naman ako. Kailan pa sila nagkasabay-sabay? Kailan pa sila naging robot?

Bubuka pa lang ang bibig ko nang may humawak sa balikat ko. Pagkalingon ko, nakakawindang na mukha ni Isid ang bumungad sa paningin ko.

"Hello, Cathy. Ayos na ba ang pakiramdam mo? Wala na ba masakit sa'yo? Kamusta ka?" Nagliliwanag ang ekspresyon nya habang sunod-sunod na pagbitaw ng kanyang mga tanong.

Namiss ko siguro ang mukha ni Isid kaya ganto nalang kasilaw sa paningin ko ang mukha nya. May pinapahid ba sya sa mukha para maging ganyan ang resulta?

Sinagot ko naman sya, "Morning. Ayos naman na ako. Sorry nga pala dahil parang nagalit ako sa'yo." Nakokonsensya kong sambit.

Hindi namin natapos ang usapan namin no'ng huli kaming nagkita. Na-bother pa ako sa paraan ng paghawak nya sa'kin no'n ngunit alam ko naman na nag-aalala lang si Isid sa'kin.

"It's fine. Basta ayos ka na, Cathy." Napahawak ako sa dibdib ng biglaan. May kakaibang pakiramdam na naman ba ako? Bakit ba napapadalas na ang mga ganto sa'kin?

KaibiganStories to obsess over. Discover now