Panglabing-apat na Sekreto
PAGOD NA pagod na ako mentally. Nawala na sa isipan ko ang mga iniisip ko tungkol sa mga kaibigan ko. Panahon naman ang magsasabi n'yan, kung tsaka ready na sila.
Umiikot lang sa isipan ko ngayon ang sinabi ng babaeng sumampal sa'kin. Naging core memory na ata ito, first time na naman na masaktan ako. Hindi ko pa maintindihan ang dahilan.
Hindi ko alam na may naiinggit sa katayuan ko. Pero hindi ko naman habol ang kasikatan ng mga kaibigan ko. Alam kong wala silang pakialam sa gano'n kaya hindi ko inaasahan na may lalapit sa'kin para pagsabihan ako sa gano'ng topic.
Ang importante lang naman ay masaya ang mga kaibigan ko, saya narin ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko silang nakangiti. Hindi ba gano'n ang nakikita ng iba? Iba ba talaga ang lahat?
Iba sa inaakala ko?
"Ayaw mo talagang ihatid ka namin?" Tanong ni Eula, uwian na kasi namin.
Nag-aayos ako ng gamit para mauna sa kanila, "Kapag kumpleto na tayong lahat, gusto ko sabay-sabay tayo." Sabi ko nang magkatinginan si Isid at Eula.
Alam kong may gusto silang sabihan sa'kin ngunit hindi pwede. Kaya bilang kaibigan nila, iintindihin ko ito. Hindi ko pipilitin at hindi ako maghahanap ng sagot gaya ng dati kong ginawa.
Rerespetuhin ko sila, kung paano nila ako pinakinggan.
"Mauna na ako."
"Be careful." Rinig ko kay Isid kahit na ang sama ng mukha nya.
Gustuhin ko man tumawa, baka ipagsiksikan na naman nya ang sarili sa'kin. Halos buong klase ko ito naranasan sa kanya, nakokonsensya parin sya sa sampal na aking nakuha.
Pinasalamatan ko sya bago maglakad. Nauna na lumabas sila Caleb, sabay-sabay pa silang tatlo. Ang weird talaga na hindi sila nag-aaway ni Fio at nagawa pa nilang sabay na umuwi, kasama si Oliv.
Lilipas din naman ito. Makakausap ko rin naman sila. Babalik din naman ang dati na magkakasama kami. Ito ang palaging sinasabi ko sa sarili.
Nakakalayo na ako sa school nang napatigil ako. Kinukutuban ako bigla. Pakiramdam ko 'yong taong sumusunod sa'kin ay papalapit ng papalapit sa pwesto ko.
Wala namang pagbabago sa mga sulat na iniiwan nito sa'kin. Palaging araw-araw. Walang kulang. Palaki narin ng palaki ang bulaklak na binibigay nito sa'kin. Kumpleto ang bulaklak at ulam, nagagawa pang magluto sa kusina namin.
Ang balak ko na sabihin ito sa mga kaibigan ko ay tuluyang kong nalimutan. Palagi nalang ako binibigyan ng samo't-saring problema. Hindi na makapagpahinga ang isipan ko, sa puntong may mga nakakalimutan na ako.
Baka maging dahilan pa ito ng tegi boom ko! Edi hindi ko na tuluyang mahanap pa si mama!
Magkakasakit na ata ako sa utak. Pagkauwi ko, balak ko ilista lahat ang mga problema ko na kailangan bigyan ng solusyon. Pasensya na sa mahina ang memorya, ito lang ang tanging paraan.
Kinuha ko ang susi sa palda ko at binuksan ang pinto. Isanara ko ito at tutuloy na sana ang pag-akyat sa hagdan. Sa gilid ng mata ko, may nahagip ang aking paningin.
"Ahhhh!"
Tila nawala ang gravity at bumagsak ang buo kong katawan sa sahig. Rinig pa ang nagawa kong tunong subalit hindi ko ito pinansin of intinda kung ano ang sumasakit sa katawan ko.
Gamit ang mga kamay ko, halos napaatras ako kahit na nasa sahig ako. Luluwa na ata ang aking mga mata sa gulat at takot.
Hindi ko na marinig ang tibok ng puso ko sa kabang nararamdaman. B-Bakit?! Bakit may pugot na ulo sa sofa?! K-Kanino ito?! Bakit nandito sa bahay?!
YOU ARE READING
Kaibigan
RomanceKaibigan. Ano ang isang kaibigan? Ano ang handang gawin ng isang kaibigan? Para sa'yo, ano nga ba talaga ang isang kaibigan? ***** :The picture is not mine. CTTO.
