Panglabing-dalawa

2 1 0
                                        

Panglabing-dalawa na Sekreto

MAGI-ISANG LINGGO na naman ang nakalipas, hindi ko parin nahahanap si mama. Kasalukuyan akong magdidikit ng 'Missing person' sa mga pader. Nagawa ko na nga rin magbigay alam sa mga taong nadadaanan kung sakaling makita nila ang nanay ko.

Tanghaling tapat at ang ngiti ng haring araw ay sumasagad sa buo kong katawan. Naliligo na ako sa sariling pawis pero patuloy padin akong naglalakad kung saan man ako mapunta.

Hanggang ngayon hindi pa ako pumapasok sa school. Wala akong balak mamuhay ng tahimik hangga't hindi ko nahahanap ang nanay ko. Wala parin akong nakukuhang balita sa mga pulis kaya kikilos ako kahit papaano.

Simula no'ng nagstart ako sa pag-iikot at pamimigay ng papel na may mukha ng nanay ko, hindi ko na nakita ang mga kaibigan ko. Uhh, nag-try sila one time ngunit kilala nila ang isang Cathy sa katigasan ng ulo.

Tsk! Hindi talaga nila ako tinutulungan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatampo...hmm, magtatanim ng sama ng loob sa kanila! Bahala sila!

"Haa." Napa-upo nalang ako sa gilid ng kalye, nakatulala sa mga nangyayari sa kalsada.

Nanlabo bigla ang aking mga mata nang may makitang mag-ina na namimili sa isang tindahan. Pinunasan ko agad ang luha ko bago pa tuloy-tuloy itong bumuhos.

Hindi pwedeng sumuko agad ako. Naniniwala ako na...buhay si mama. Hinihintay nya ako.

Tumayo ako para umuwi muna saglit sa bahay. Halos paubos na kasi ang mga papel na pinapamigay ko, kailangan ko ulit magplano kung ano ang mas mabisang paraan para mapabilis ang paghahanap kay mama.

Naglalakad ako habang nag-iisip ng iba't-ibang paraan. Nagawa ko na ang pag-post sa social media, pagbigay ng 'Missing person' na papel sa mga dumadaan of kahit pagdikit nito sa mga pader sa daan subalit wala parin akong nakukuhang tawag sa mga ito.

Nalaman nadin ng mga teachers ko ang nangyari sa'kin kaya tinutulungan din nila ako pero wala parin akong nakukuhang mga balita.

Halos mababaliw na ako para lang makaisip ng paraan para mapalaganap ang nawawala kong nanay. Sya nalang ang pag-asa ko sa buhay... Sya nalang ang umaasa sa'kin.

Tapos mawawala ko pa sya?

Tinakpan ko ang mga mata ko para hindi halata na nanunubig na naman ang mga mata ko. Baka pagtinginan ako ng mga tao sa daan. Kunwari nalang nasisilaw ako sa araw, kahit gano'n hindi lalo bumuhos ang walang katapusang kalungkutan ko sa daan.

Alam ko na namumula ang ilong ko dahil sa walang patid na kakasinghot ko. Hindi pa nga gumagaling ang namumula kong mata sa ilang araw na pag-iyak, babalik na naman ang sipon na nawala na ilang araw ang nakakalipas.

Saktong nakarating na ako sa bahay kaya binuksan ko kaagad ang pinto gamit ang susi bago ito isarado. Paglingon ko, natuod ako sa kinatatayuan.

"A-Anong–" Tila nailunok ko ang mga gusto kong sabihin.

Sobrang linis. Amoy pagkain. Ito ang unang bumungad sa paningin ko mula sa pinto palang.

Hindi naman sa madumi ako o burara, sa sobrang gulo ng isip ko, hindi ko na nagawang linisin ang mga kalat na nagawa ko sa sala. Lumapit ako para pagmasdan kung gaano ito kalinis.

Walang mga nagkalat na bond papers, ink, ballpens, tapes o kahit ang laptop ko ay nawawala. M-Magnanakaw? Pero bakit naman ito maglilinis?

Sunod kong nilakad ang kusina at mas lalong tumindi ang amoy ng pagkain. Nagluto? May nagluto sa kusina namin?

Kaagad lumiyab ang pag-asa sa dibdib ko, "Ma! Ma?!" Tumakbo ako sa second floor para hanapin ang nanay ko.

Pumasok ako sa kwarto ko– doon ko nakita ang laptop ko, pero wala ang nanay ko. Binuksan ko naman ang kwarto ni mama pero wala rin sya. Nang matapos kong ikutin ang kwarto ni mama, doon ako tila nabuhusan ng malamig na tubig.

KaibiganStories to obsess over. Discover now