Panglabing-isa

3 1 0
                                        

Panglabing-isang Sekreto

HINDI KO na alam kung ano ang gagawin ko. Ang katawang lupa ko ay para bang nawawalan ng kaluluwa. Sa sobrang daming iniisip ko, hindi na nito nakaya at tuluyan na silang nawala.

Gaya ni mama.

Ilang linggo na ang nakakalipas, wala parin akong balita sa nanay ko. Walang tulong naibigay ang mga pulis sa akin, wala.

Kahit gano'n, hindi parin ako nawawalan ng pag-asa para hanapin si mama kaso...hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko alam kung saan ako tutungo.

Sobrang hirap kapag walang gabay. Wala ang nanay ko.

"Cathy..."

Kahit mga kaibigan ko ay hindi malaman kung ano ang gagawin. Kung ano ang gagawin nila sa'kin. Hindi lang pagkawala ng nanay ko ay dinidibdib ko. Pati ang ugali nila.

Alam ko kung gaano nila ako kagusto pero ang sukuan ang pakikiusap ko? Binigo nila ako. Gusto ko lang naman mahanap ang nanay ko. Gusto ko lang naman hingin ang tulong nila, ayon lang naman eh.

"Cathy, alam mo naman na masama ang pinaplano mo." Basang-basa nila ako dahil alam nila kung ano ang dahilan kung bakit ganto ang ugali ko sa kanila.

Tumango naman si Caleb sa sinabi ni Oliv, "We can't let you do that, Cathy. Hangga't wala pa sinasabi ang mga pulis, wala kami magagawa."

Gumalaw ang mata ko para tignan sila. Alam ko na ibang-iba ang pakikisama ko sa kanila ngayon pero nangunguna ang mas importante sa'kin. "Kung ayaw nyo, ako ang gagawa." Walang emosyong sambit ko.

Sabay-sabay silang umiling. Ha! Nasasaktan ako sa ginagawa nila. Hindi ko alam kung alam nilang nasasaktan nila ako kada pagpigil nila sa akin. Hindi ko maintindihan kung alam ba nila kung bakit ko 'to ginagawa.

Bakit kahit isa sa kanila hindi ako naiintindihan?

Napahilamos nalang ako ng kamay ko sa aking mukha. Pagod at sari-saring emosyon ang nadarama ko ngayon at wala akong energy para makipagtalo sa kanila.

May umupo naman sa bakanteng upuan sa tabi ko– iniwasan nila ako no'ng hindi ko sila pinapansin nang ilang araw. Ayaw nilang lumaki ang sama ng loob ko sa kanila.

"Cathy, inaalala lang namin ang kalagayan mo. Sobrang laki na ng eyebags mo, kulang ka sa tulog, lutang ka palagi. Sa tingin mo, saan ka pupulutin n'yan?" Seryosong ani ni Samuel, nagawa nya pa hawakan ang kamay ko.

Gusto ko sanang iwasiwas ang kamay nya sa kamay ko kaso malakas sya masyado. Nabigla pa ako sa sinabi nya. Alam ko pero desperada na ako para hanapin ang nanay ko!

"Ang sama mo naman kay, Cathy!"

"No need to tell her that."

"Aabangan ka namin sa labas mamaya, Isid. Mas lalo lang sumama ang mukha ni Cathy eh!"

Tila mga pana na nagtutusok sa katawan ko ang pinagsasabi nila. Excuse me, pwede ba huwag nyo na dagdagan pa? Tanging nagawa ko nalang at itikom ang bibig.

Lumapit si Isid para tanggalin ang kamay ni Samuel sa kamay ko. Tinaas naman ni Samuel ang dalawang kamay na parang sumusuko at sumandal nalang sa upuan, balik gangsta na naman sya,

"Matigas ang ulo nya kaya kailangan kong sabihin 'yon para malaman nya ang totoo." Prenteng depensa naman nito sa sarili.

Napabuntunghininga nalang ako. Tama nga naman sya. Hinarap ko ang mga kaibigan ko na nakatutok sa'kin ang kanilang atensyon.

"Bukas. Bukas ko hahanapin si mama. Sa ayaw nyo man o ayaw." Sabi ko sa kanila bago ibaling sa iba ang paningin.

Wala naman na akong narinig na tunog sa kanila at tanging paghila ng mga upuan ang maririnig sa paligid namin. Mukhang sumuko rin sila na kinahinga ko ng maluwag.

KaibiganStories to obsess over. Discover now