Pilipinas, 1959
Buwan ng EneroPluma.
"Naiwan ba sa bakasyon mga utak niyo at hindi gumagana ngayon?"
Palihim akong sumilip sa wall clock na nasa gilid para tingnan ang oras. Alas nuebe pa lang ng umaga pero nasa sampu na ang mga kaklase kong nakatayo sa harap at nakayuko sa kahihiyan dahil hindi sila nakasagot sa tanong ng guro namin sa Social Problems ngayon.
Mali.
Hindi tinanggap ang sagot nila.
"Ang simple ng tanong — what makes women better than men?" Hindi ko na mabilang kung pang-ilan niya nang banggit 'yon. Hindi ko rin makuha ang punto kung bakit naging mali ang mga kaklase kong sumagot naman ng tama kanina. Umikot ang mata ni Sir Emmanuel at muling tinitigan ang master list para magtawag ng bagong sasagot. "Oh, the member of Lualhati movement,"
Naramdaman ko ang kolektibong mga mata ng mga tao sa paligid nang banggitin ni Sir 'yon. Hindi ko 'yon pinansin at inihanda na lang sarili ko sa pagtayo.
"Janine Pluma Vergel," Naramdaman ko kung paano dumampi ang nanlalamig na palad ni Michelle sa kamay ko na parang siya 'yung kinakabahan para sa akin. Pero wala akong maramdamang kahit na anong nerbyos. "Answer me in English."
Bumuntong-hininga ako at sinuklian ng diretsong tingin sa mata ang guro ko. Buti na lang pala at napapasama ako kay Elias kaya nahahasa ako sa Ingles.
"There's a lot of things women could offer to the universe if only society would allow us to flaunt our potential to be better than any men in this world," Isang mahabang paghinga ang ipinamalas ko bago ako tumuloy sa pagsasalita. "It's just that—"
Huminto sa ere ang kumukumpas kong mga kamay na sumasabay sa pagbigkas ko ng mga salita nang pangunahan ako ng aming guro. "So you're saying that society is caging your potential as a woman?"
Tipid akong ngumiti at tumango. "Yes, Sir."
"In what way?"
Tila mas mabilis na nagproseso ang bibig ko dahil sa kusang pagkawala ng mga salita nito kaysa sa pagdaloy ng isipan sa utak ko. "Historically speaking, the society itself was built by no other than the species of men. Women's rights back then were stripped off of their identity because men hindered — and were still hindering our ability to showcase what we are capable of because men think that they are the rulers of this world; the creator of such a system."
Narinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko sa paligid pero hindi ko 'yon ininda. Mas nakatuon ang pansin ko kay Sir na mukhang determinadong gisahin ako ngayon dahil sa postura niya. "But now that you're given rights you've longed for, bakit mga kalalakihan pa rin ang nasa politika? Lalaki pa rin ang nangunguna sa mga business at ibang industriya? Wala lang ba kayong kapasidad na maging intelihente o wala lang kayong leadership kaya hindi niyo mapantayan ang mga kalalakihan?"
Kusang umismid ang mga mata ko. Akala ko ba'y magsalita ng Ingles? Bakit niya ako tinatagalog? "Dahil naka-imprinta na sa utak—"
"In English."
"Because it's been imprinted in every woman's mind that only men are capable of leading wherein fact, we can use our emotional and intellectual aspects better than any men in this world who think that showing weaknesses deflates their masculinity."
"By emotional, do you mean that you can make use of your dramatic femininity to lead better than men?"
"Yes, Sir. As a member—"
Tumigil na naman sa ere ang kamay ko nang magsalita siya. "Give me a general answer; not an answer that is based on you alone."
Saglit na umawang ang labi ko. Isa akong babae na sumasagot para sa mga babae. Anong 'wag akong sumagot base lamang sa sarili ko? Naiinis na ako.
BINABASA MO ANG
Silakbo
Historical Fiction"Sa harapan ng oblation statue, doon binaril 'yung mag-kasintahang biktima sa Manila Uprising. Hindi pa sila nakakakuha ng hustisya. Hindi ko alam kung kailan nila makakamit ang hustisya." bawatartikulo