Warning: SPG!
First Kiss
Sa wakas tumigil din si Marco sa paglalakad.
Bakit niya ako dinala dito?
Nandito kami ngayon sa malawak na garden ng hotel. Tahimik doon halos wala masyadong tao. Medyo malamlam ang ilaw. Meron doong grandyosong fountain na animoy sumasayaw at nag-iiba-iba ang kulay. Ang ilang puno ay sinabitan ng maliliit na bumbilya na siyang nabibigay liwanag sa paligid.
Perfect ang lugar na iyon para sa mga magkasintahang gusto ng quality time together.
Nabalik ako sa aking ulirat.
Bakit nga pala ako dinala ng lalaking ito dito? Ano bang balak nya?
Maraming naglalaro sa aking isipan ngayon. Ang dami kong gustong itanong. Hanggang ngayon gulat pa rin ako sa nangyari.
Sa dinamirami ng tao sa mundo si Marco pa talaga?
What the hell had happened awhile ago?
Bumitaw si Marco sa pagkakahawak sa akin. Ang likod nya ay nakaharap sa akin. Nakatingin ito sa kawalan. Hindi ko alam kung anong iisipin sa mga oras na iyon.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin.
"Ehem" kunyaring ubo ko para makuha ang atensyon nya.
"Why Marco?" lakas-loob na tanong ko.
Nagpakawala ito ng isang buntong hininga bago nagsalita.
"I don't want you bullied." matigas na pahayag nito. Nakatalikod pa rin ito sa akin.
"Your 27 for christ sake and you let them bully you?" napasabunot ito sa buhok at saka humarap sa akin. Nag.iigting ang mga panga nito. Bakas sa kanyang mata ang matinding frustration.
Lumunok ako at napatitig sa kanya.
Bakit ganito ang reaksyon nya? Bakit parang galit na galit siya? What made him feel this frustrated?
"Kung hindi pa ako dumating kanina.." tumikhim ito bago nagsalita ulit.
"Malamang umiiyak kana namang tatakbo pauwi ng bahay niyo." galit na sabi nito.
Biglang nagtubig ang mga mata ko. Dapat ba talagang isumbat niya pa sakin yun? Ganoon ba ako kahina sa paningin nya?
Totong nagpapasalamat ako sa kanya sa hindi ko tuluyang pagkapahiya sa harapan nina Althea, pero ang isumbat sa akin yung ginawa niya ay ganun din kasakit.
"Hindi ko hiningi sayo na ipagtanggol ako. Kaya hindi mo na kailangang isumbat saakin. Hindi ko utang na loob saiyo yun." nanginginig ang labi kong sigaw.
"Pero sige thank you na rin dahil ginawa mo yun. At thank you dahil sinabi mong may gusto ka sa akin kahit alam naman nating wala." I gave a fake smile at saka umiling.
Tumitig ito ng mariin sa akin. Parang pinag-aaralan ako.
"What if I tell you that everything I said was true?" Tanong nito.
I arch my brow. I don't know what he is up to.
"Everything huh?! that you are interested in me.. that you want me to be your girl?!" I asked sarcastically.
"Yes." maikling tugon nito.
"You can make all girls believe Marco but not me."
"Yeah, Just like what I thought." He smirks. I think I saw a glimpse of sadness in his eyes but I am not so sure.
BINABASA MO ANG
Boy Hunting
RomanceNBSB at the age 27, Ana Vanessa firmly believes that she will attract someone by just being nice and pretty. Later, she realized that it was useless and she became impatient waiting for the right one to come. Being desperate enough to find true love...