Chapter 5

5K 85 0
                                    

The consequence

Hindi ako magkanda ugaga sa ginagawa ko. Tambak ang papel sa nasa mesa ko.May mga proposals na kailangan kong ireview o aprobahan, mga documentong kailangan kong pirmahan, mga notices at kung anu-ano pa.

Hay!  Napabuntonghininga ako.

"Ang dami naman! Hindi ko yata ito matatapos ngayon!" wala sa sariling nasabi ko nalang.

Kailangan ko pa palang i-meeting ang mga subordinates ko.

Leche naman kasing CEO yan eh. Wala ng ginawa kung hindi pahirapan ako. Naalalako ang nangyari kahapon sa board room.

Kabadong-kabado akong umupo sa isa mga bakanteng upuan na naka-assign para sa mga department heads. Alam na alam ko ang mangyayari. Nakkikita ko na ito sa isip ko at dahil dito pinagpapawisan na ako ng malamig.

Mapapahiya na naman ako!

In front of me is Atty. Daniel Castañeda, the head of our legal department. He is still in his early thirties and he's looking good as always. I gave him a nod and smile. Ganun din ang ginawa into saakin. He's always been nice and polite.

Napadako ang tingin ko sa CEO. Wrong move! 

Parang gusto ko tuloy magatago na lamang sa ilalim ng mesa.

The CEO is looking at my direction. His eyes are fiercely looking at me na parang mangangain. Yet, his face shows nothing but coldness. He's an irony. Fierce but cold. He's giving me a goosebumps sa klase ng tingin na binibigay nya at lalo lamang nitong pinatitindi ang kabang nararamdaman ko.

Hanep! Matapos  lang ang araw nato nabuhay pa ako magpapaparty talaga ako!

Nagsimula ng magreport ang isa sa department head regarding the recent company project in Cebu. Lahat ay nakikinig samantalang ako naman kahit nanakikinig ay hindi naman makaintindi. Hindi maprocess ng utak ko ang sinasabi nung nagrereport dahil nangingibabaw sa akin ang kaba.

Pinagsiklop ko ang aking mga daliri at pilit na pinakalma ang sarili. Ito na yata ang pinakamatagal na dalawang oras ng buhay ko. Napadako ang paningin ko kay "you know who" at..

Napalunok ako.

Nakatingin padin sya sa akin!

Kung hindi lang talaga sya ang "the great Marco del Prado" iisipin kong may gusto ito sa akin. Tingin ng tingin hindi bumubitiw eh. Pero syempre, knowing him ay sobrang napaka-impossible nito.  I knew him so well. I knew the type of girl he's dating, they were the model-type, liberated & oozing with sex appeal na mga babae.

Is it because of the incident awhile ago kaya sya nagkakaganyan? Parang galit na galit na naman siya. Hmm, if I know baka naman binitin siya ng girlfriend niya kagabi kaya ayun bad mood.  Natawa ako sa isiping iyon habang napapailing.

Binalik ko ang atensyon ko sa nagsasalita ngunit ramdam ko parin ang mga titig nya. Sa gilid ng mata ko tinitingnan ko ang CEO. And yes, tama nga ako, nakatingin pa rin siya. Kung nakakamatay lang ang mga titig nito, malamang naghihingalo na ako. 

Nang natapos ang unang report akalain mong ako..?! Oo, Ako, na nakaupo lamang ang tinanong tungkol sa nasabing report at hindi ang tao na siyang nagbigay nito.

"Miss delaTorre, what can you say about the report? Do you think the company should pursue this plan? What would be the advantages? Do you think it will benefit the company in the longterm perspective?"

Ano daw?! Ni hindi nga ako nakikinig eh. I mean, nakinig ako kaso hindi ko masyadong naintindihan dahil iba ang iniisip ko.

Will it benefit the company in the longterm? tanong ko sa sarili ko?

Boy HuntingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon