Bahala na
Isang simpleng white dress ang isinuot ko na umabot hanggang tuhod at pinaresan ko ito ng white wedge sandal. Naglagay ako ng light make up at nagdesisyong ilugay lamang ang buhok. Pagkalabas ng kwarto ay agad kong nakita si Marco na naghihintay sa sala. Nakakunot agad ang noo niya ng makita ako. Mukha na naman itong galit.
Baka nga may bipolar disorder siya!
"Find another shoes. I don't like it." pambungad niya.
"Whats wrong with my shoes?" nakakunot noong tanong ko?
"Let me remind you honey.. You are very well pregnant. And that shoes.." nguso niya sa suot kong sandals.
"is not suitable for you. Baka mamaya matapilok ka pa." saad niya.
"Sanay naman ako magsuot ng ganito. And its just two inches.." I reasoned out.
"Really, Vanessa? You'll fight with me over this?" tila hindi siya makapaniwala sa hindi ko pagpayag.
"Fine! I will use flats. Happy?" sarkastikong tanong ko habang magkasalubong ang kilay. Nagdadabog na tinungo ko ang kwarto upang magpalit ng sapatos.
"Better." komento ni Marco ng makitang isang flat na doll shoes ang suot ko. I just rolled my eyes at nagpatiunang maglakad.
Kita ko ang pagliwanag ng mukha ni Marco ng makapasok kami sa isang shop na puro pambata. I can compare him to a kid brought to a toystore by his mom.
Hinawakan niya ang baywang ko ay iginiya ako palapit sa mga nakadisplay na crib. Mabilis na pinasadahan ng mga mata niya ang mga crib na naroon pagkatapos ay humarap sa akin.
"Which one you like?" tanong niya. Hindi ko napigilan ang matawa.
"We're not buying a crib today Marco." natatawang sabi ko pa.
"Why?" nag-isang linya ang kilay niya.
"Anong why? Its too early to buy a crib. We'll just buy few newborn clothes and stuffs for now." saad ko.
Huminga siya ng malalim pero hindi parin siya nagpaawat at tinanong ulit ako.
"But if we were to buy a crib now which one will you choose?" aniya.
"You will not let it go. Will you?" Natatawang tanong ko. Napakamot ito ng batok at narinig ko siyang bumulong pero hindi ko naman naintindihan.
Halos mapuno ang aming push cart ng mga napili naming gamit para sa baby. May mga damit para sa sanggol na karamihan ay puti, mayroon ding linen, blanket & small pillows, sapin sa paa at kamay, head cover at ilan pang gamit. I make sure na unisex ang mga iyon dahil hindi pa naman namin alam ang gender ng baby.
Nakakataba ng puso na ang ama ng anak ko ay tumutulong at siyang personal na namimili ng mga gamit para sa bata. Tinatanong niya muna ang opinyon ko at kapag pumayag ako ay kaagad niyang nilalagay sa pushcart ang napiling gamit. Kung hindi lamang ako madalas na kumontra ay malamang umaapaw na ang pushcart namin. Lihim akong napangiti. Aaminin kong nagugustuhan ko ang pakiramdam na ito. Sana lang palaging ganito.
Kung sana lang mahal ako ni Marco, siguro lubos na ang kaligayahan ko.
Dahil naaliw ako sa pagtingin-tingin sa mga nakadisplay na damit pambata ay hindi ko napansin na hindi nakasunod sa akin si Marco. Binalikan ko ang kinaroroonan ng pushcart namin pero wala siya roon. Nagpalinga-linga ako sa shop para hanapin siya.
Parang kinurot ang puso ko ng matagpuan ko si Marcco sa isang bahagi ng shop kung saan nakadisplay ang mga damit para sa batang babae. Hawak-hawak niya ang isang pink dress na marahil ay para sa three to six months old baby. Seryosong-seryoso siya habang sinusuri ang damit. Naalala ko ganyan na ganyan din siya sa opisina. Aakalain mong isang napaka importanteng bagay ang pinag-aaralan niya. Hindi man lang niya ako napansin dahil sobra siyang tutok.
BINABASA MO ANG
Boy Hunting
Roman d'amourNBSB at the age 27, Ana Vanessa firmly believes that she will attract someone by just being nice and pretty. Later, she realized that it was useless and she became impatient waiting for the right one to come. Being desperate enough to find true love...