Chapter 35

4.5K 80 1
                                    

Insatiable

Ilang beses akong napakurap. Tama ba talaga ang narinig ko?

"What now Vanessa? That reason alone is strong enough for me to marry you. Isn't it?" pagalit niyang tanong.

"I knew way back then that you don't feel the same but I did everything. God knows I did everything." His eyes were full of pain and frustration. He removed his left hand from my shoulder and started to caress by face. Biglang lumamlam ang kanyang mga mata.

"I used my friendship with Clyde para siguraduhin na sa akin ka mapupunta, tinakot ko lahat ng mga nagtatangkang manligaw sayo noon, hell! I even hired a private investigator para lang alam ko ang lahat ng mga ginagawa mo. And now.." sandali siyang tumigil sa pagsasalita at mataman akong tinitigan. Nangingilid ang luha sa mga mata niya at sari-saring emosyon ang nakikita ko doon. Pakiramdam ko parang nasasaktan na din ako sa sakit na nakikita ko sa mga mata niya at ang tanging gusto kong nalang gawin ay ang pawiin ang sakit na nararamdaman niya.

"Now this.. This is my last shot. You, being pregnant, I thought hindi na ako mahihirapan na makuha ka." pumiyok ng kaunti ang boses niya ng sinabi niya ang huling salita.

"Mahal na mahal kita Vanessa.." aniya at niyakap ako ng mahigpit.

"Noon paman hanggang ngayon.. Ikaw lang.." garalgal ang boses na sabi ni Marco habang yakap-yakap ako. Sobrang saya ko na marinig iyon mula sa kanya pero sa kabilang banda nasasaktan ako para kay Marco. All this time he was suffering and it was because of me.

Ipinulupot ko ang aking braso sa likod ni Marco.

"Kung mahal mo ako noon pa, bakit ang dami mong babae?" sumbat ko. Sa halip na ipagtapat ko sa kanya na pareho kami ng nararamdaman ay sinusumbatan ko siya ngayon. Hindi ko maintindihan ang sarili kong bakit bigla na lamang akong nairita. 

Marahang tumawa si Marco sa tanong ko. Bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at hinanap ang mga mata ko.

"It's because I was hurt. I was frustrated. Ang sabi mo sa akin dati, hinding-hindi mo ako magugustuhan kahit kailan at kahit ako nalang ang natitirang lalaki sa mundo ay hinding-hindi mo ako papatulan. Mas gugustuhin mo pang maging matandang dalaga sabi mo. "

"You still remember that? Mga bata pa tayo noon Marco. At isa pa, kasalanan mo rin naman eh, lagi mo kaya akong inaasar noon." nakangusong sabi ko.

"Sayo lang ako nagkagusto at ikaw lang ang minahal ko pero ayaw mo naman sa akin. I used girls, alot of them, para makalimutan ka.. But look at me now.." aniya at marahang hinaplos ang gilid ng aking mukha.

"Baliw na baliw parin ako sayo Vanessa." aniya habang direchong nakatingin sa mga mata ko.

"Mahal na mahal parin kita." dagdag niya.

"Mahal din naman kita." sabi ko sa maliit na boses at nag-iwas ako ng tingin. Nag-init ang mukha ko at nahihiya akong salubungin ang mga mata niya.

"What did you say?" aniya at hinawakan ang magkabilang gilid ng mukha ko. Napalunok ako ng sunod-sunod.

"Sabi ko ano.. Ahmm.." parang kay hirap ituloy ng sasabihin ko. Pakiramdam ko lalong nag-init ang mukha ko. 

My God! Ganito pala kahirap umamin!

Pinalipas ko ang ilang segundo para maka-ipon ng lakas bago magsalitang muli.

"Mahal kita, I mean mahal din kita." sabi ko at bahagyang tumungo.

"For real?" tila hindi makapaniwala si Marco. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at marahang tumango. Tila nagpipigil ng ngiti si Marco. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago niya tuluyang sinakop ang labi ko.

Boy HuntingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon