Chapter 21

4.1K 66 0
                                    

Hide

Nakasalampak ako sa sahig habang yakap-yakap ni Janna. Hindi ko na napigilang mapahagulhol. Galit ako and I feel like I'm the biggest fool. Marahang hinahaplos ni Janna ang likod upang pakalmahin ako. 

Pagkaraan ng ilang sandali ay medyo humupa ang pag-iyak ko. Kumalas si Janna sa magkakayakap sa akin at pinunasahan ang mukha ko at pinasadahan ng kamay nito ang medyo magulo ko ng buhok.

"We should go, somewhere." aniya at inalalayan ako palabas.

Magkatabi kami ni Janna sa backseat habang ang pinsan nito ang nagdadrive.

"Janna, I need a place to stay. Ayoko ko ng bumalik sa bahay." basag ko sa katahimikan. 

"You can stay at my place Van, mag-isa lang ako roon." umiling ako.

"Hindi pwede. Siguradong ikaw or si Michael ang agad na pupuntahan ni kuya once malaman niya umalis ako." 

"I need a place kung saan hindi nila ako mahahanap." dagdag ko pa. Tinitigan ako nito ng matagal bago nagsalitang muli. Alam kong nagtataka siya kung anong nangyari pero alam kung hindi niya ako pipilitin kung hindi pa ako handa.

"May pinsan ako sa batanggas, isang malayong kamag-anak pwede ka mag-stay doon." matipid akong ngumiti.

"Salamat Janna." usal ko.  

"Anything for you Van. What are friends for kung hindi kita tutulungan." ngumiti ito at marahang pinisil ang kamay.

I withdraw some cash ng may madaanan kaming atm machine. I will not use my card this coming days at baka matrace iyon ng kapatid ko or ni Marco. I intend to hide for long hanggang hindi pa ako handang harapin sila at hindi pa humuhupa ang galit ko sa panloloko nilang dalawa.

Nang makarating ng batanggas ay huminto kami sa isang bongalow type na bahay. Sinalubong si Janna ng isang babae na tantya ko ay lagpas kuwarenta anyos na. May ibinigay itong susi kay Janna pagkatapos ay bumalik na ito sa sasakyan at nag bigay ng direksyon sa kanyang pinsan kung saan kami pupunta.

Ang tirahan ng pinsan ni Janna ay isang duplex type apartment. Nasa abroad daw ito kaya wala doong nakatira. Pumasok si Janna sa isang kwarto at pagkalabas nito ay bitbit niya ang ilang damit.

"Maligo ka muna Van. A warm bath will help you relax." aniya. Tumango ako at tinanggap ang damit.

Habang naliligo ay bumabalik ang mga haplos at init na kagabi ko lamang naramdaman. Lalong bumigat ang pakiramdam ko. How can I erase the trace of him over me? Kahit I-scrub ko yata ang buong katawan ko, pagpumikit ako, mukha niya parin ang nakikita ko. Nakikita ko kung paano niya ako tingnan kagabi.. Kung paano niya ako haplusin.. Kung gaano kasarap ang halik nito.. ang malambot niyang labi na nagbigay ng pupusok at mararahang halik na pareho kung nagustohan. Ang pag-angkin niya sa akin na nagpawala ng katinuan ko. Paano ko siya makakalimutan?

Pagkatapos kung maligo ay sabay kaming kumain ng tahimik. Her cousin was already sleeping on the other room.

Tumikhim si Janna upang kunin ang atensyon ko.

"Anong nanyari Van? I suppose to greet you a happy birthday but you look so devastated. How can greet you a happy birthday kung ganitong sobrang lungkot mo? Tell me. I will listen." 

Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan at isang malalim na buntong hininga ay sinimulan kong ikwento sakanya ang lahat. Nang matapos ako ng kwento ay parehong basang-basa ng luha ang aming mukha, namumugto ang mga mata at namumula ang ilong.

Mahigpit akong niyakap ni Janna. I'm thankful na may kaibigan akong katulad niya. Sa ngayon hindi ko pa alam ang dapat kong gawin. All I want to do right now is hide. The betrayal that I've is just too much. Betrayal from my dear brother na siyang natatanging pamilya ko. And betrayal from Marco na lalaking pinagbigyan ko ng aking pagkababae.

Masakit isipin na para sa kanila, it was all for business sake. Ang kaligayahan ko ay katumbas lamang ng negosyo. 

Madaling araw na kaming nakatulog ni Janna. Kinabukasan ay maaga itong bumalik sa manila kasama ang pinsan. Gusto pa sana nitong samahan ako pero tumanggi ako. Ayoko ko siyang madamay at isa pa sigurado ako na isa siya sa hahanapin ni kuya ngayong nawawala ako. Sinabihan ko rin siya na maghanda ng alibi sakaling puntahan siya ng kapatid ko or ni Marco. 

Bago umalis ay iniwan nito ang isang cellphone niya upang gamitin ko. I can not used my phone at baka matrace ako. I knew na hindi ko sila mapagtataguan ng matagal. I'm a witness of their capabilities. I'm fully aware of their connections. Kaya dapat akong mag-ingat. I will try to avoid going out para hindi agad ako matunton.

I also warned Janna against telling anyone including Michael. Hindi naman sa wala akong tiwala dito kaya lang when in front of hot guys ay madali itong mapaamin. Thats his weakness kaya better kung hindi niya alam.

Bandang tanghali ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Janna. Ibinalita nito na kinausap siya ng kapatid ko and even Marco.

"Girl, you brother look so worried, ang laki ng eyebags mukhang hindi natulog. I also noticed pareho sila ni Marco may pasa sa mukha parang nakipag-away.." kwento ni Janna.

"Awang-awa ako sa kapatid mo, he look so miserable. Rinig ko hihingi sila ng  tulong sa NBI pero hintayin pa daw muna na mag24 hours." napasinghap naman ako sa narinig at bigla akong kinabahan.

"At eto pa girl, ang dami kayang nawalan ng trabaho ngayong umaga. Buti nalang kahit late ako ay hindi ako nasesante." dagdag nito.

"Bakit anong nangyari? I didn't know na magkakaroon ng lay off." takang tanong ko.

"Sa sobrang bad mood kasi ang CEO, kahit maliit na pagkakamali.. tanggal. Grabe, maslumala siya ngayon girl.. mga 3 times worst than before." napasimangot naman ako sa sinabi nito.

Maybe because his plan was ruined kaya siya bad trip. He wants to own the entire company at ngayong umalis ako ay hindi na yun mangyayari. 

"Basta Janna, yung usapan natin ha, wag na wag mong ipapaalam kahit na kanino kung nasaan ako, ok? Hayaan mo silang mabaliw kakahanap." sabi ko.

"And one more thing, wag ka munang pupunta dito, mahirap na baka pasundan ka ng kapatid ko. Act like your worried sick. Act like you don't know where I am, ok?" bilin ko.

"Ok, basta if you need anything just call me ha? Sige Van, bye na muna balitaan nalang kita mamaya." paalam nito.

"Ok, Janna. Thank you so much. Hindi ko alam kung anong gagawin kong wala ka. Thank you talaga."

"I told you stop saying thank you. I'm your bestfriend and its my duty to help you. Oh siya, ba-bye na at baka magkadramahan pa tayo."

"Ok bye." I ended the call and close my eyes. I deep within that I can not forever hide.


Boy HuntingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon