Chapter 34

4.1K 82 0
                                    

Ikaw

Nagising ako na tila may nakadagang mabigat sa dibdib ko. Napabaling ako ng tingin sa gilid ko.

He was lying on his side and his breath is fanning the side of my ear. His muscled arm was spread across my chest. Reality of what happened last night dawned on me. My heart beat accelerates in an instant.

Dahan-dahan kong inangat ang braso niya na nakayakap sa akin. Bigla akong natigilan sa ginagawa ng kumilos siya at lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Napalunok ako ng sunod-sunod. Pakiramdam ko pinagpawisan ako ng malamig. Sinubukan ko ulit na tanggalin ang braso niya ngunit natigilan ako ng magsalita siya.

"Stay still honey. I want to sleep more." ungot niya habang ang mga mata ay nakapikit parin. Ang husky ng boses niya para tuloy kinikiliti ang mga paru-paru sa tiyan ko. Its so frightening to know na kahit boses niya palang ay ang lakas na ng epekto sa sistema ko.

"Eh, kasi Marco.. nagugutom na ako." medyo nagstutter ako. Pano ba naman isiniksik ni Marco ang mukha niya sa leeg ko.

"Ako rin, I'm also hungry." sabi niya habang panay singhot sa leeg ko pero alam kong iba ang ibig niyang sabihin ng "hungry" dahil naramdaman ko ang pagtama ng tila nagagalit niyang pagkalalaki sa baywang ko. 

"Marco."saway ko sakanya ng marahan niyang pisilin ang dibdib ko. Pero sa totoo lang nagdulot iyon ng kakaibang init sa aking katawan. Sinaway ko siya hindi dahil ayoko ng ginagawa niya, ang totoo ay natatakot lamang ako na baka mawalan na naman ako ng kontrol sa sarili at muling bumigay sa kanya.

I'm becoming a wanton woman because of him!

"Tsk, akala ko pa naman makakaisa ulit ako." bulong ni Marco habang bumabangon.

"Ano?" nakakunot noong tanong ko. Napakamot naman siya ng batok pero hindi ako sinagot. 

Nalantad sa mga mata ko ang kahubaran ni Marco. Ang gago hindi man lang nag.aksayang takpan ang sarili. Nag-init ang mukha ko at nag-iwas ako ng tingin.

"What do you want for breakfast honey?" malambing na tanong niya. Nakasuot na siya ng boxers ng bumaling ulit ako sakanya. 

Hint of amusement was evident on his face habang hinihintay ang sagot ko. Ngumuso ako.

"Pancake with maple syrup." His perfect six pack abs is distracting me kaya agad ako tumagilid ng higa.

"Ok coming right away." aniya at ginawaran ako ng marahang halik sa aking sentido.

"Eat more." utos ni Marco at nilagyan ng isa pang pancake ang plato ko.

"Siya nga pala. Mamaya at 10 o'clock may pupuntahan tayo." nag-angat ako ng tingin at ang mga mata ko ay nagtatanong. 

Saan naman kaya kami pupunta?

"We'll be meeting someone.."

"regarding our wedding." sabi niya. Napakunot ang noo ko magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako.

"If you will still insist na hindi mo ako pakakasalan, sorry honey, pero wala ka ng magagawa. Its final. We'll be having our wedding next month." Humalukipkip siya at tiningnan ako na tila naghahamon. Yung tingin niya parang binabantaan ako na "sige, subukan mong umangal at patay ka sakin."

Ilang beses na nagbukas-sara ang bibig ko pero wala akong nahagilap na salita. 

So, its final then, I will be Mrs. del Prado soon!

Habang nasa loob ng sasakyan ay pareho kaming tahimik. Nag-aatubili man ay nilakasan ko ang aking loob. Alam kong hindi ko ito gagawin ngayon baka pareho kaming magsisi. Oo, mahal ko siya pero hindi rin ako sasaya ng totoo kong alam kong hindi naman niya ako mahal at magpapakasal kami ng dahil sa ibang bagay maliban sa pag-ibig. Pareho lamang kami magdurusa kung nagkataon.

"Marco.." pukaw ko ng atensyon niya. Sandaling tinapunan niya ako ng tingin bago ibinalik ulit ang atensyon sa daan. Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit.

"Wag tayong magpadalos-dalos. Please, wag na nating ituloy ang kasal.." nag-igting ang panga niya pero hindi siya nagsalita kaya minabuti kong magpatuloy.

"Alam ko naman na ginagawa mo lang ito para sa bata. Hindi ko naman siya ipagkakait sayo. You should marry the one you love. Wedding is about love and commitment. Ayoko lang na pagsisihan mo ito. Ayokong mawala ang taong mahal mo dahil committed kana sa akin." paliwanag ko. 

Mahigpit ang hawak ko sa aking handbag habang naghihintay ng sasabihin niya.

Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at binalingan ako. Seryoso ang mukha niya. Salubong ang dalwang kilay at kunot ang noo. Kahit sa ganoong estado ay hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan niya.

"Tama ka. I should only marry the one I love." aniya na binigyan ng emphasis ang salitang only. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

"And you know what? I am actually inlove right now." pag-amin niya.

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa ng marinig ko mismo iyon sa kanya. I should be prepared for this but right now it just hurt bigtime.

May mahal pala talaga siyang iba!

Kinabig ako ni Marco palapit sakanya. And right in front my face he ask me.

"Do you wanna know Vanessa? Do you wanna know kung sino ang mahal ko?" Napalunok ako. Naninikip ang dibdib ko but I tried to maintain a straight face. Ayokong magmukhang kawawa. Maybe, thats the reason kung bakit desidido siyang pakasalan ako--dahil naaawa siya sa akin.

Umiling ako bilang tugon sa tanong niya.

"I don't need to know Marco. Sapat na sa akin na malamang meron kang ibang mahal. Sapat na iyon para huwag na nating ituloy ang kasal." Nag-papasalamat ako na nagawa kong sabihin iyon sakanya ng diretso dahil sa loob ko ay wasak na wasak na ako at ang tanging gusto ko na lamang gawin ngayon ay ang tumakbo at umiyak.

"Why?" aniya. Nag-igting ang panga niya.

"Bakit ayaw mong malaman? You're a coward Vanessa." paratang niya.

I lift my chin at sinalubong ang galit niyang mga mata.

"I am not. Its just that.. it doesn't matter to me Marco."  I said while trying to hide all my emotions.

Tila lalo siyang nagalit sa sinabi ko. Sunod-sunod ang paghinga niya at mas humigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko.

"It doesn't matter huh? It doesn't matter kahit pa ikaw yung mahal ko? ganun?" sigaw niya na tila puno ng hinanakit.

Laglag ang panga ko sa sinabi niya. 

Tama ba ang narinig ko? Ako daw ang mahal niya?!


Boy HuntingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon