Chapter 31

4K 73 1
                                    

Weird

Kinabukasan, habang nagsisipilyo sa banyo, I notice that I'm not wearing my usual night wear instead it was an over size T-shirt that was Marco's. 

I remember last night, dahil sobrang frustrated na akong makatulog ay isinuot ko ang T-shirt ni Marco. And it works! 

I rinse my mouth. Napatitig ako sa salamin. 

Umuwi kaya siya? 

Naglakad ako papunta sa sala na puno ng pag-asang makikita ko siya roon. Pagkarating sa sala ay bumalot sa ilong ko ang amoy ng nilulutong pagkain. It could be beacon or ham. At nanggagaling iyon sa kusina. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis akong naglakad patungo sa kusina.

Napaawang ang labi ko sa magandang tanawing aking nakikita. Feeling of Happiness and relief washed over me.

Nabutan ko si Marco na nakatalikod at busy sa pagluluto. Naka-topless ito at suot lamang ay boxers. Kita ko ang paggalaw ng kanyang muscle sa bawat pagkilos na ginagawa niya. Napadako din ang mata ko sa maumbok niyang pang-upo. 

Alright, He has a sexy back. And he is hot.

Ipinilig ko ang aking ulo at sandaling kinagalitan ang sarili sa isip ko. Now is not the time to fantasize.

Tumikhim ako ng malakas upang kunin ang atensyon niya at hindi naman ako nabigo roon.

He look at me from head to foot and vice versa. Nag-init ang mukha ko dahil doon. I saw a hint of amusement ng magtagpo ang aming mga mga mata. Nag-iwas ako ng tingin.

Lumapit siya sa akin at iginiya ako paupo.

"Just a minute. I'm almost done. Gutom kana ba?" may lambing nitong tanong. 

It wasn't what I expected. I was thinking na galit pa rin siya. Nagtataka man ay marahan akong umiling bilang sagot sa tanong niya. He smiled at me sweetly na mas lalo kong pinagtaka. 

Weird! Kagabi lang ay galit na galit siya. Inakusahan niya pa ako ng kung ano. Now, this? Sweet, smiling and caring Marco.. Hindi kaya may bipolar disorder siya?

Nilapag ni Marco ang mga pagkaing niluto niya at dahil sa sari-saring amoy ng pagkaing naroon ay agad nagtubig ang bibig ko. Napahawak ako sa aking bibig at pinigilan ang ambang pagsuka. Ilang beses akong huminga ng malalim ngunit hindi kumalma ang aking tiyan. Patakbo kong tinungo ang lababo at duon inilabas ang malait na likido.

Mabilis na sumunod sa akin si Marco. Inipon niya sa kanyang palad ang nakalugay kong buhok at ipinusod iyon habang akoy nakatungo sa lababo at sumusuka. Naramdaman ko rin ang marahang paghimas niya sa aking likod. Ilang sandali lang ay kumalma na ang aking pakiramdam. Nagmumog ako at naghilamos ng mukha.

Hindi parin umaalis si Marco sa aking likuran kaya naman pagharap ko ay halos magdikit ang aming mukha. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

Tila walang planong umalis sa harapan ko si Marco kaya naman nagpasya nalang akong dumaan sa gilid niya. Isang hakbang matapos ko siyang malagpasan ay naramdaman ko ang mainit niyang bisig na yumakap sa baywang ko.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa kanyang ginawa. 

"Im sorry." bulong niya at maslalong hinigpitan ang ang pagkakayakap.

"I'm so sorry about last night honey." ramdam ko ang mainit niyang hininga sa likod ng aking tainga at dahil doon nagsitayuan ang balahibo ko sa batok.

Marahang halik ang ginawad niya sa gilid ng aking leeg. Ilang sandali pang nanatili ang kanyang mukha roon at ramdam ko ang mayat-mayang pagdikit ng kanyang ilong at labi sa aking leeg. Parang tambol sa lakas ang pintig ng aking puso at para akong hinahabol sa bilis nito. Ang kaninang galit kong sikmura ngayon ay tila kinikiliti at animoy may mga paru-paro sa aking tiyan.

Kumalas si Marco sa pagkakayakap at pinaharap ako sa kanya. Agad na nagtama ang aming mga mata. Sari-saring emosyon na hindi ko mapangalanan ang nakikita ko sa mga mata niya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi at wala sa sariling napakagat ako sa sariling labi. 

Pagbalik ko ng tingin sa kanyang mga mata ay agad akong namula ng mapagtanto ang aking ginawa. He was watching me intently and he's aware of what I just did.

"Are you alright now?!" malumanay ang boses na tanong ni Marco pagkatapos niyang ilagay sa likod ng aking tainga ang ilang takas na buhok. Marahang tango lamang ang naging tugon ko sakanya.

"Gusto mong palitan ko yung mga pagkain? Anong gusto mong kainin?" tanong ulit niya.

"Huwag na. Ayos na sakin yung gatas at pancake. Hindi mo na kailangang mag-abala." sabi ko.

"You sure its enough?" paninigurado niya.

"Yeah!" maikling sagot ko. Tumango siya at inakay ako pabalik ng mesa. 

He removed the foods he prepared earlier. Tanging gatas at pancake lang talaga ang itinira niya. Pagkatapos niyang lagyan ang plato ng pancake ay nilingon ko siya.

"How about you? Anong kakainin mo? tanong ko ng mapansing hindi siya naglagay ng pagkain sa plato.

"I will eat later. Sige, kumain kalang." aniya. Nagsimula akong kumain at nakikita ko sa gilid ng aking mata na hindi niya inaalis sa akin ang kanyang pansin. I was kinda awkward but I pretended like I'm not aware of his stares.

"We'll go to the mall later this afternoon. I hope hindi sumama ang pakiramdam mo." His eyes is half expecting I will say yes when I meet his gaze.

"Anong gagawin natin doon?" huli na para bawiin ko pa ang walang kwenta kong tanong. Lihim kong pinagalitan ang sarili dahil dun.

"We'll go shopping for the baby and ofcourse for you." I thank god that there was no rude remark from him.

"Its too early for that Marco. Wala pa ngang 2 months ang tiyan ko." nakanguso kong saad.

"You'll be 8 weeks next week. And you need new dresses." 

"Maliit pa naman ang tiyan ko." pagdadahilan ko.

Huminga siya ng malalim at kinuha ang kanang kamay ko.

"Please Vanessa.. I want to buy stuffs for you and our baby. I've been dreaming of this. So please, Let me.." His eyes are pleading. It looks sad but full of expectations.

"It will make me happy." dagdag niya pa.

Parang hinaplos ang puso dahil sa mga sinabi niya at sa mga nakikita ko sa mga mata niya. As if by saying yes I will make him the happiest man. Mataman ko siyang pinakatitigan. Hindi ko yata kayang biguin ang lalaking ito. At ang tanging gusto ko lang gawin sa mga oras na ito ay ang ibigay ang kung anuman ang magpapasaya sa kanya.

Matipid akong ngumiti sa kanya at marahang tumango.

"Ok, payag na ako." 

Agad niyang dinala sa kanyang labi ang kamay ko at hinalikan ito.

"Yes!" sigaw niya na parang nanalo sa lotto. Abot tainga ang ngiti niya at nag-niningning ang mga mata.

Napangiti nalang din ako at marahang napailing. 

He's really weird today.



Boy HuntingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon