Lunch meeting
Alas onse ng umaga ng pumasok ang sekretarya ko.
"Ma'am remind ko lang po kayo lunch meeting at exactly 12 noon with the CEO." nakakunot ang noong tiningnan ko ito.
"Hindi ko maalala na magkakaroon pala ako ng lunch meeting with the CEO. At anong agenda?" tanong ko.
"Ah, ma'am tungkol daw dun sa pinasa mong report.. yung cebu project. Kanina lang po kasi nagpaset ng meeting. Since bakante naman po ang sched nyo kaya in-accept ko." saad nito.
"Ah, ganun ba.. sige thanks mercy." Pagkalapag sa table ng mga dapat kong pirmahan ay nagpaalam na ito.
Bakit naman kaya biglaan?
Agad kong hinagilap ang kopya ko nung report at nihanda ang mga kakailanganin sa meeting.
Fifteen minutes before twelve ay nagtungo na ako sa lobby. Agad kong namataan ang CEO na nakahalukipkip at hinihintay ang pagdating ko. Mataman ako nitong tiningnan ng makalapit ako.
"Good noon Sir." saad ko at sinulyapan ang aking relo. Hindi naman ako late!
Napalunok ako ng hindi agad ito nagsalita. Bumuntong hininga ito at naunang naglakad patungo sa sasakyan. Huminto siya sa may passenger side at binuksan ang pinto.
"Get in." Matipid na hayag nito. Sasabiin ko sanang hindi ako sasabay sa sasakyan pero mukhang desidido ang mukha nito kaya hindi nalang ako nagsalita. Umikot ito sa driver side at napagtanto kung siya ang magdadrive. Nasaan kaya driver niya?
"Fasten your seat belt." aniya.
"or do you want me to do it for you?" saad nito habang inaayos ang sarili nitong seat belt. He smirked. Nagmadali naman ako sa paglalagay ng seat belt dahil sa sinabi nito.
Tahimik kaming dalawa sa sasakyan. Ni hindi ko ito tinapunan ng tingin. Inaliw ko ang aking sarili sa mga tanawin sa labas. Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang fine dining restaurant. Familiar ito saakin dahil ilang beses narin akong nakapunta doon para makipagmeet sa mga kliyente. The place is very cozy and I knew the food are great.
Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako nito ng pinto at agad akong bumaba ng sasakyan. Umigting ang panga nito ng makababa ako pero hindi ko nalang pinansin. Magkasabay kaming pumasok ng restaurant and it feels awkward.
Agad kaming iginiya ng waiter sa aming mesa. Luminga ako dahil halos wala masyadong tao. Nakakapagtaka lang dahil karaniwan pagpumupunta ako dito ay halos puno ito kapag ganitong oras.
Habang hinihintay na dumating ang order namin ay inumpisahang kong buksan ang usapan tungkol sa Cebu project. Pero agad amang pinutol iyon ng CEO at sinabing hindi namin pag-uusapan ang tungkol sa negosyo.
Kunot noong tinitigan ko ito. Kung hindi naman pala tungkol sa negosyo ang dahilan bakit kami naroon? Nag-iwas ito ng tingin sa mga mapanuri kong mga mata.
"Don't ask Ana Vanessa. We are here to have lunch." saad nito. Kita ko ang pag-igting ng panga nito. Napabuntong hininga ako at hindi nalang nagtanong.
We ate in silence. Ramdam ko ang panaka-nakang pagtitig nito sa akin pero pinanatili ko lamang na nasa pagkain ang atensyo. Hanggang sa matapos kaming mananghalian ay wala paring nagsasalita saamin.
Ako ang unang bumasag ng katahimikan ng mag-alam ako ditong pupunta ng restroom. Para akong nabunutan ng tinik ng mawala sa paningin ng CEO. Habang nag-aayos ay hindi ko maiwasang mapaisip sa kakaibang kilos ng CEO. Nag-aalala ako sa kung ano mang plano mayroon siya laban saakin. Matagal ko na siyang kilala at hindi normal ang mga kinikilos nito.
Halos ayaw ko ng lumabas roon pero alam kung kailangan. Hindi ko nalang siya titingnan. Hindi ko nalang siya kakausapin. Bahala siya kung ano ang gusto niyang gawin.
Paglabas ko ng restroom ay agad na nagtama ang mga mata namin. Nakahalukipkip ito at nakasandal sa pader. This scene is so familiar to me. That day when he told me not to flirt. . Tumikhim ako.
"It took you so long. Papasukin na sana kita sa loob." Bahagya itong lumapit and he angled his left arm.
"Tara." aniya. Napatitig ako sa braso nito. Confusion mirrored by face.
"Tss." iling nito at ipinatong ang kanang kamay ko sa braso nito. Bahagya akong natigilan sa inakto nito pero agad namang nakabawi at nagpatinanod na lamang dito.
Naging mahaba ang byahe pabalik ng opisina. Medyo masikip ang daloy ng trapiko at pansin kong medyo bumagal ang kanyang pagmamaneho. Ang isiping sinadya niya iyon upang masmatagal kaming magkasama ay biglang pumasok sa isip ko ngunit agad ko rin naman iyong pinalis sa isip ko. Kung may mga natutunan man ako nitong mga nagdaang araw, isa dun ay ang huwag mag-assume.
This is Marco del Prado that we are talking. The CEO and one of the most sought after bachelor. I will never ever commit mistake of assuming anything special from him. I know his type of women. Someone very far from me. And I know he had those women begging at his knees waiting for him and ready to warm his bed. I will never even think that it is possible that someone like him would fall for someone like me.
What could be the reason of this unexpected lunch? Maybe, he's just guilty. O baka naman kinausap siya ng kapatid ko which unfortunately his bestfriend. Whatever his reason is hindi ko na dapat iyon pag-ukolan ng pansin.
I've learned my lesson. Things like this, simply means nothing at all.
BINABASA MO ANG
Boy Hunting
RomanceNBSB at the age 27, Ana Vanessa firmly believes that she will attract someone by just being nice and pretty. Later, she realized that it was useless and she became impatient waiting for the right one to come. Being desperate enough to find true love...