Chapter 19

3.9K 64 0
                                    

Umalis

"Tara doon muna tayo sa dance floor pampatanggal stress.." hila-hila ako ni Michael hanggang makarating kami sa gitna.

Ang ganda ng choice of music ng DJ dahil  doon, nag-uumapaw ang nergy ng mga naroon. Unti-unti ay natangay narin ako sa ganda ng tugtog at nakipagsabayan narin sa pagsayaw. I close my eyes and let my body moves according to the rhythm.

I lang sandali ay medyo hiningal na ako. Ang bilis ng heart beat ko and my breathing is fast. I'm kinda sweating and it was a good kind of exhaustion. I look around to find Michael. Natagpuan ko kaagad ang nakangiting mukha nito.

"Tama na ang warm up. I think you're ready." ani Michael. Before I even figured out kung ano ang ibig nitong sabihin ay hinila na naman ako nito. Seriously? Did he mistakenly thought that I was his pet dog?

"So.."  humarap sa akin si Michael at inarko ang kaliwang kilay.

"You will be having a practical exam. Let see kung mai-aapply mo ang mga tinuro ko." I rolled my eyes at him thinking its just one of his sick joke. Ngumuso ito.

"Common Vanessa.. Your not a child anymore. Its your right to flirt." Humagalpak ako ng tawa. 

"What right are you talking about?" tumatawang sagot.

"You know what, being a woman, its your right to flirt. When you saw the man you like, you gotta do something. And that is.. Flirting!" paliwanag niya na binigyan ng emphasize yung salitang flirting.

"Its very basic. Its the natural thing to do. And that is how life works. Hindi na uso ang mga katulad mo." Nakasimangot na pahayag niya.

"In other words, yang way of life mo Vanessa, that is already ancient." walang kagatol-gatol na sabi nito.

"Ouch! Grabe ka naman bakla. Maka ancient ka naman kala mo sa akin.. Maybe I'm just traditional..hehe!" pagtatanggol ko sa sarili.

"Hmp, being traditional is just a kind word for being ancient. Kaya mabuti pa maghanap na tayo ng prospect. Look around, find a man that interest you then we'll apply the techniques na itinuro ko." Tumuwa ako dahil talagang seryoso siya. Sige na nga! For a change subukan kong gawin ang mga sinabi niya.

"Uy, bakla." untag ko kay Michael. 

"Yun oh, ang gwapo.." turo ko sa isang lalaking mag-isang nakahilig sa bar. Maganda ang pangangatawan nito. Bumabakas sa nakatuping long sleeve nito ang mapipintong muscles. Maputi rin ito at may kataasaan.

Ngumiti si Michael at pinaningkitan ako ng mata.

"Bet ko yan girl.. Pwedeng akin nalang.. ehehe" malanding hagikhik nito. Tiningnan ko naman ito na parang hindi makapanila. 

"Joke lang. Sige ipapaubaya ko na yan sayo." balik ito sa pagiging seryoso.

"So now, gawin mo na yung number 1. You have the eyes that says "come here". Landiin mo siya sa pamamagitan ng mata." utos niya. 

Napalunok ako ng ilang beses at kinakabahang bumaling sa lalaki.

OMG! Kaya ko ba to?

Bumaling ulit ako ng tingin kay Michael and gave him the hindi-ko-yata-kaya look which made him disappointed.

"Ano kaba, subukan mo lang.. wala namang mawawala. Kapag hindi umobra.. ayos lang! Procedd tayo sa step number 2. Go Vanessa, just do it." pangungumbinsi ni Michael.

I utter a silent prayer at nagdeep breathing ng ilang beses. Tama si Michael wala namang mawawala. Bahala na!

Naglakad ako ilang metro mula sa aking prospect. Pumwesto ako kung saan siya nakaharap. Nakyuko ito at pinaglalaruan ang hawak nitong wine glass. Inalala ko ang mga sinabi ni Michael. Tinitigan ko ito ng mariin at nag nagdasal na mag-angat ito ng tingin. Hindi nga ako nabigo dahil ilang sandali lang ay nag-angat ito ng tingin at nagtagpo ang aming mga mata.

Pinakatitigan ko ito sa mata kagaya ng sinabi ni Michael. Sinalubong naman siya ng lalaki ng parehong tingin. Ilang beses siyang napalunok at ramdam niya ang malakas na kabog ng dibdib niya. At dahil sa bigat ng paraan ng pagtitig ng lalaki ay hindi niya ito nakayaan, siya ang unang bumitaw at yumuko.

Labis-labis na kaba ang nararamdaman ko. Natatakot din akong mag-angat uli ng tingin. Ilang sandali kong kinalma ang sarili. Pagkatapos ng isang malalim na buntong hininga, nagpasya akong ipagpatuloy ang nasimulan ngunit isang hindi inaasahan ang nangyari.

Nang mag-angat ako ng mukha, wala na ang lalaki sa pwesto nito. Luminga-linga ako pero hindi ko na mahanap ang lalaki. Kainis! Epic fail!

Bagsak ang balikat na naglakad ako pabalik sa pwesto ni Michael. Mas lalo akong napasimangot ng makita ang kaibigan na humahagalpak sa tawa. Alam kong ako ang pinagtatawanan nito.

Walang imik-imik na tumabi ako sa umupaan nito at pinagdiskitahan ang mga inuming naroon. Maya-maya kumalma na ito sa kakatawa at kita ko sa gilid ng aking mga mata kung paano ito umiiling habang pinagmamasdan ako.

I know, maybe he thinks that I'm pathetic. 

Hay, tama nga siguro siya wala na akong pag-asa. Bumuntong hininga ako at uminom nalang.

Pagkalipas ng ilang minuto, tumikhim si Michael ng malakas para kunin ang atensyon ko pero hindi ko ito tinapunan ng tingin..

Naramdaman ko ang pagpatong ng palad nito sa kanang balikat ko.

"Girl, sorry na.. hindi ko lang kasi mapigilang tumawa..". Paawa effect ang mukha niya nang bigyan ko siya ng matalim na tingin. Is that even a valid reason upang pagtawanan ako?

"Kasi naman girl, ang bagal mo.. Ayun tuloy umalis." hindi parin ako umimik.

"Tss! ang pikon neto.. bati na tayo please." pangungulit niya. I just rolled my eyes and left him without saying anything. 

Bumalik ako sa VIP lounge kung saan naabutan ko sina Janna at boyfriend nito na sweet na sweet sa isat-isa.

"Oh, anong nangyari sa pag-boboy hunting ninyo? may nahuli kayo?" tumatawang tanong nito na nagpasimangot sa akin ng husto.

"Bakit ganyan ang mukha mo? matumal ba?" humagalpak ito ng tawa. Yung boyfriend niya naman umiiling habang nakahawak ang kamay sa bewang nito. Hindi nalang ako nagsalita.

Isa pa toh eh! Lakas din mang-asar!

Halos magkasunod lang kami ni Michael bumalik. Tumabi ito saakin sa sofa. Nakayuko lang ako at kinakalikot ang cellphone ko.

"Nung nangyari yan." rinig kung tanong ni Janna kay Michael.

"Hayaan mo na.. baka na-trauma.." bulong ni Michael. 

Lalo naman akong nainis at tiningnan ko ito ng matalim.

"Joke lang.. Hindi na biro!" sabay bawi nito. Yumakap ito saakin at bumulong.

"Hindi ko sasabihin kay Janna promise.." He gave me a puppy dog eyes look.

"Uy, anong hindi sasabihin sakin?" agaw ni Janna.

"Wala! its our top secret. Di ba girl?" Nagpapacute ito at napangiti naman agad ako. And with that nagkabati ulit kami.





Boy HuntingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon