Kasal
When I woke up after my short nap, I felt energized. Pagkagaling ko sa bathroom ay nagtungo ako sa balkonahe. Ilang minuto akong nakatayo roon, nagmamasid at nag-iisip. The turn out of events became so fast and I was caught unprepared. Hindi ko pa napag-isipan at nagpaghandaan ang mga ito.
It was just yesterday that I've learned I am pregnant and this morning I faced Marco for the first time after what had happened between us two and after I have learned about his selfish plan, and now, I am living in his penthouse, sharing his bed. Napailing ako.
Napukaw ako mula sa malalim na pag-iisip ng may tumawag saakin. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Isa na namang pangyayari na hindi ko pa napaghahandaan. Dahan-dahan akong humarap at walang emosyon na sinalubong ang mata ng aking kapatid. Si Clyde.
"God Vanessa, you made me so worried." Mabibilis ang hakbang na lumapit ito at agad akong kinulong sa isang mahigpit na yakap.
"I was worried sick bigla ka nalang nawala. Hindi macontact ang cellphone mo. Walang nakakaalam kong nasaan ka. I thought something happen to you." marahang hinaplos ni kuya ang buhok ko at naramdaman kong hinalikan niya ang gilid ng aking ulo.
I did not respond to his hug nor bother to answer any of his questions. I stayed still habang pinapakiramdaman ang sarili. Napagtanto kong galit parin ako at hindi ko parin tanggap na nakipagsabwatan siya kay Marco. All this time pinagmukha nila akong tanga. They took the chance para maging normal ang buhay ko at para maging masaya. All for the god damn business. I still can't believe na kayang gawin sakin yun ng kaisa-isa kong kapatid at natatangi kong pamilya.
Medyo lumuwag ang ang pagkakayakap sakin ni kuya ng maramdamang hindi ako yumakap pabalik. Hinanap nito ang mga mata ko pero umiwas ako. Binaklas niya ang isang braso mula sa pagkakayakap at marahang inangat ang aking baba.
"Whats the problem? The night of your birthday, you suddenly vanish. Alam mo bang takot na takot ako? My god! Vanessa. Ikaw nalang ang natitirang pamilya ko. I thought nakidnap ka na. Hindi ko alam kong saan ka hahanapin. Even the NBI can't give me a lead kong nasaan ka. I wasn't eating well and I can't sleep at night dahil sa pag-aalala sayo. Alam mo ba yon?" Nanginginig ang boses nito at ngingilid ang luha sa mga mata nitong tila pagod. Kapansin-pansin ang pangingitim ng ilalim ng mga mata niya at tila napabayaan nito ang sarili dahil medyo nangayayat at tumubo na ang balbas.
Frustration was visible all over his face. Napasabunot ito sa ulo at tumalikod ito. Nakahawak sa beywang ang dalawa nitong kamay at kitang-kita ko ang sunod-sunod na pagtaas baba ng balikat niya. That gesture is his way of calming himself. Nang humarap siya saakin ay hindi ko nakayanan ang sari-saring emosyon na nakita sa mga mata niya. I never saw him this helpless.
I closed the gap between us two. Yinakap ko siya ng mahigpit na agad din niyang tinugon. Nag-uunahan ang mga luha ko sa pagpatak. Galit parin ako at nadoon parin ang sakit pero mas masakit ang makita ko siyang nasasaktan. Hindi ko siya kayang tiisin. After all, he is still my brother.
"I'm sorry." bulong ko.
That night sabay-sabay kaming tatlo na nagdinner. Habang kumakain kami ay pinanatili kong sa pagkain lamang ang atensyon. Hanggat maaari gusto kong iwasang mapag-usapan ang mga nangyari. Tahimik lamang ako habang nag-uusap si Marco at ang kuya ng ilang bagay tungkol sa negosyo.
Tumikhim ng malakas si Kuya para kunin ang atensyon ko. Nagkasalubong ang mga mata namin.
"Marco told me about your pregnancy.." that was a statement at hindi tanong kaya hindi nalang ako ng salita. Umiwas ako sa mapanuring mata nito.
"What are your plans now?" aniya. But before I even answer ay naunahan na ako ni Marco.
"We'll have our engagement next week then next month, our wedding." sabat ni Marco.
"There will be no engagement." may pinalidad na sagot ko habang seryosong nakatingin kay Marco.
"We'll go straight to the wedding then." siguradong niyang saad. Pinaningkitan ko naman ito ng mata.
"I didn't remember a single moment where I agree to be married with you. Buntis nga ako pero hindi ibig sabihin ay kailangan na nating magpakasal." pagkontra ko.
"Do you hear yourself Vanessa? Would you deny your own child of a family huh?" nag-igting ang perpektong panga nito na tila nanggigigil.
" I won't let my child be born illegitimate. Kaya sa ayaw at gusto mo ay pagpapakasal tayo." dagdag pa niya habang nakikipagtagisan sa akin ng matalim na tingin. Hindi ko kinaya ang intensidad ng ng emosyon sa mga mata niya kaya napatungo ako.
Sa loob-loob ko, alam ko naman na may punto siya. Makabubuti para sa magiging anak namin ang magkaroon ang isang buong pamilya subalit kung ganitong hindi kami magkasundo at walang pagmamahal sa isat-isa, magandang ideya parin kaya ang magpakasal?
Alam kong hindi magiging masaya si Marco sa akin dahil hindi ako ang tipo ng babaeng gusto niya at pupuno sa mga pangagailan niya bilang lalaki. Yes, I was desperate to find someone. Hindi iyon dahil gusto ko lang ng kasama sa buhay kung hindi gusto kong magmahal ng totoo at mahalin rin ako. I don't want to marry just for the sake of business or just because I'm pregnant. Ayoko talaga. Isipin ko pa lamang na napipilitan lang siyang panindigan ako dahil buntis ako ay nasasaktan na ako. Ang kaalaman na may iba pa siyang motibo sa pagpapakasal (ang mapasakanya ang buong kompanya) ay lalo pang dumudurog sa puso ko.
Matapos ang mga nangyari, hindi ko maiwasang itanong sa sarili kung planado kaya ni Marco ang lahat ng ito? Sinadya niya kayang buntisin ako? Para ng saganun ay wala na akong magawa pa kung hindi ang pumayag na magpakasal sa kanya? Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko ng mapagtanto ang katotohanang iyon.
"Vanessa, he is right. You two should get married." segunda ni Kuya. Ang mga mata nito ay animo'y nakikiusap.
"Ganyan naman kayo eh. Gusto niyo palagi kayong nasusunod. You two always manipulate things and I'm always left with no choice at all." marahas kong pinunasan ang aking luha at agad na tumayo. Gumawa ng malakas na ingay ang natumbang silya dahil sa biglaang pagtayo ko pero hindi ko iyon pinansin Dumiretso ako sa kwarto at pabalyang isinarado ang pinto.
I am not getting married to that jerk!
BINABASA MO ANG
Boy Hunting
RomansaNBSB at the age 27, Ana Vanessa firmly believes that she will attract someone by just being nice and pretty. Later, she realized that it was useless and she became impatient waiting for the right one to come. Being desperate enough to find true love...