Pupunta ako
Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Marami kasi akong tinapos kanina. Halos mag aalas nueba na pala ng gabi. Naisipan ko munang dumaan sa restroom bago umuwi. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle nito.
Hay, nakakapagod ang araw na to!
Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. May mga pumasok. Marahil dalawa o tatlo sila dahil na din sa iba-ibang boses na naririnig ko.
They were talking about the reunion. Pamilyar saakin ang boses ng mga ito.
"Lets go shopping tomorrow. I knew one botique in Ortigas and they have fabulous dresses." Maarteng suggestion ng isa.
"Really?! Then we should go there. I want to see their collections. I want to look breathtakingly beautiful during our reunion. OMG! im so excited!" Tili ng isa sa kanila.
OA lang sa excitement?!
I rolled my eyes.
Look breathtakingly beautiful daw? How exaggerated whoever that girl is.
"So sinu-sino ang mga pupunta? I've heard marami daw sa mga kabatch natin from abroad who are now very successful ang uuwi. Is it true?"
That voice. I knew to whom that voice belongs. No other than Althea... Althea Florendo. She's from rich family and they have their own company. Sa yaman nito hindi nya na kailangang mag trabaho. Pero heto sya kompanya ng iba at namamasukan bilang sekretarya. Kung tutuusin kakarampot lang ang sinasahod nito and to think that she can have a higher position in their own company, believe na talaga ako sa dedikasyon nito. I mean sa obsession pala!
Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga empleyado ng kompanya kung bakit nagtitiis bilang sekretarya si Althea. Syempre dahil matagal na itong may gusto sa CEO. College palang ay hayag na ang pagkagusto nito kay Marco. And she's the kind of girl who will get what she wants. Kaya sya nandito. To get Marco del Prado.
Too bad for her dahil mukhang hindi naman siya binibigyang pansin nito. He's a busy man and trap in his own world—his empire. At isa pa, si Marco ang klase ng lalake na hindi kayang pumirme sa isa. I've heard he has a lot of flings especially during his business trip abroad. Thats why he's not getting a girlfriend. He can swoon the girls to his bed without being committed to them. Typical cassanova. That's what he is.
"Ang business tycoon nating kabatch na si Jessie Tan ang nag.organize nitong reunion kaya paniguradong marami ang pupunta. No wonder even those who are settle in abroad ay uuwi talaga." Sagot nung isa.
"Maybe, its not just plain reunion. For a businessman like Jessie Tan, Its an opportunity to attract investors, offer partnership and expand business. I'm sure thats the main reason why Jessie make it grand this year."
Kung sino man ang nagsalita, may point siya actually. Anyway, hindi pa rin ako aattend.
Narinig ko ang maarteng tawa ni Althea pagkuway nagsalita ito.
"Its very ironic na yung mga nasa abroad ay uuwi para lang makaaattend ng reunion samantalang yung mga nandito lang naman ay hindi pupunta."
"How ironic" dagdag niya.
"Most of our batchmates we're excited for this reunion. They know it'll be big. They knew Jessie, his name is equivalent to grandeur. Wala yatang hindi pupunta." Confident na sabi ng kausap ni Althea.
"Well, Im hundred and one percent sure na hindi pupunta si Vanessa." Siguradong pahayag ni Althea. Binigyan nya ng emphasis yung "hundred and one".
"Really? Pano mo naman nalaman? Are you now friends with her?!"
"Duh! Of course not. I just knew it. She never attends event like that. For all I know ayaw nya lang na mapag-usapan ang paging single and loveless niya until now. I pity that girl. Not even once she manage to attract a guy." Maarteng sabi ni Althea.
Umakyat yata sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa katawan pagkarinig noon. Nakaramdam ako ng matinding galit parang gusto kong manakit ng tao.
"Yeah, right! she's pathetic. Ang akala niya pag hindi sya umattend ng reunion ay hindi na siya pag.uusapan. But she's so wrong, kung alam niya lang ang usap-usapan tungkol sa kung paano after all these years ay namaintain niya ang pagiging virgin.. I mean pagiging single pala." Sabay-sabay silang humagalpak ng tawa.
Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang galit. Makailang beses akong huminga ng malalim. Ang diin na din ng pagkakahawak ko sa door knob at nang hindi na ako nakapagpigil pa ay hinila ko ito.
PLAK!
Nagtinginan silang tatlo sa direksyon ko. Halatang nagulat ang mga ito. Kung ako ay pulang-pula sa galit, silang tatlo naman animoy papel sa sobrang putla.
Sige tama yan, kabahan kayo.
Mabilis parin ang aking paghinga at pinaningkitan ko ang mga ito. Parehong hindi sa akin makatingin ng diretso yung dalawang kasama ni Althea. Maybe, they are Abbie and Margaux. I knew the name but not the face. Hindi ko alam kung sino sa kanila si Abbie or Margaux. Their names were popular wayback in college. They were total bitches.
On the other hand, si Althea ay diretsong nakatingin sa mga mata ko. Marahil ay nakabawi na ito sa pagkagulat kani-kanina lamang. Nakikipagtititgan ito sa akin. She's even giving me a smirk. Animo'y naghahamon. What can a girl like me can possibly do to a girl like her?
Naputol ang palitan namin ng matalim na tingin dahil sa isang pagtawag.
"Vanessa"
Lahat kami napatingin sa sumigaw.
Si Jana.
"Ah, yung reunion pala—"
Hindi niya pa man natatapos ang sasabihin ay inunahan ko na ito.
"Ok, pupunta ako. Sunduin mo ako sa bahay at 7pm sharp." Matigas na pahayag ko habang hindi inaalis ang tingin kay Althea. Tumataas ng bahagya ang kaliwang kilay nito ngunit hindi nagkomento pa.
Nang bumaling ako kay Jana ay nanlalaki ang mata nito. Marahil ay nagulat. Kani-kanina lang ay buo ang pasya kung hindi pupunta sa reunion pero ngayon iba na ang sinasabi ko. Linapitan ko siya at mabilis na hinila palabas. Hindi pa rin siya makapagsalita sa gulat.
Ang OA lang ng babaeng ito!
"Aray.. aray.. Vannie, sandali.." protesta ni Jana.
Tumigil ako sandali at tiningnan siya. Hinila nito ang kamay mula sa pagkakahawak ko. Nakita kong namumula yung parteng hinawakan ko.
"Grabe ka naman Vannie, may balak ka yatang balian ako ng buto." reklamo nito habang hinihimas-himas ang pulso.
"Sorry." sabi ko na lamang.
"Vannie sure na yan ha? pupunta ka sa reunion walang bawian" pangungulit nito.
"Oo na, pupunta ako." inis kong sabi.
"Yes, sabay tayong maghahanap ng gown." Nakangiti nitong sabi sakin.
I just rolled my eyes at nagpatuloy na sa paglalakad.
Anaya Heart
BINABASA MO ANG
Boy Hunting
RomanceNBSB at the age 27, Ana Vanessa firmly believes that she will attract someone by just being nice and pretty. Later, she realized that it was useless and she became impatient waiting for the right one to come. Being desperate enough to find true love...