Chapter 15

4.1K 73 1
                                    

Don't assume

Nakakaasar. My car won't start. Kanina ko pa sinusubukan pero ayaw talaga mag.start. Ngayon pa talaga kung kailan ang lakas ng ulan sa labas. Medyo ginabi na ako at pag ganitong oras pahirapan sa taxi. Napasunot ako ng marahan. 

"What now?!" tanong ko sa sarili ko. Ilang minuto pa ang tinagal ko sa loob ng sasakyan bago tuluyang magdesisyon na magtaxi na lamang or better yet tawagan ko nalang si kuya para magpasundo. The latter sounds more appealing pero bago ako tuluyang magbunyi sa ideya ay naalala kong nasa business trip pala si kuya. It seems I have no other choice but to take a cab.

Pagkarating ko ng lobby ay agad kong nilapitan ang guard. He contacted some taxi drivers pero hindi daw available ang mga ito at may hinahatid pang pasahero.

"Ma'am kung makakapag hintay ho kayo ng mga kuwarenta minutos ay pupwede na daw yung isang kakilala ko." I look at the guard and gave a slight nod. It seems I don't have a choice. Panay occupied ang mga taxing dumaraan.

Half way of waiting for the taxi. I saw our new staff coming. Nakakunot ako ng noo. Bakit kaya siya bumalik? 

Ngumiti ito ng makita ako.

"Ma'am Van, Good evening po. Medyo late na ho ah, ngayon palang po kayo uuwi?"

 I don't need to explain but it is rude kung hindi ako sasagot.

"May tinapos lang." matipid kung sagot.

"Bakit ka bumalik? did you forgot something?"

"Yeah, actually, left my phone sa drawer" Nangingiti ito habang napakamot sa batok. "Sige ho, ma'am van.." tumango ito at tuluyang nagpaalam.

I was trying to browse my phone para mawala ang pagka-inip ko. Waiting is really not my thing. Nahinto ako saaking ginagawa ng marinig ko ulet ang pamilyar na boses. At hindi nga ako nagkamali.

"Ma'am Van, hindi pa ho, kayo uuwi?" Nag-angat ako ng tingin at nginitian ito.

"Hindi pa, hinihintay ko pa yung taxing maghahatid saakin."

"Ganun ho ba, Ihatid ko nalang kayo ma'am, baka matagalan pa ang taxi."

"Hindi na, nakakahiya naman sayo. Paparating narin siguro yun. Salamat nalang." 

"Ma'am Van." sigaw ni manong security guard. Pareho kaming napalingon sakanya.

"Ma'am nag text po yung taxi driver, may aksidente daw sa daan, baka matagalan pa siya, hahanap ng ibang rutang pwedeng madadaanan." nag-aalala ang mukha nung guard at humihingi ng pumanhin. Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Rico.

"Ayos lang manong, ihahatid ko ho siya." sabay lingon sakin. 

"Tara na ma'am van?"

At hindi na ako nakatanggi pa ng makita ko ang mukha niya na puno ng pag-asa. His face tells me that it would be a great pleasure kung papayag ako. Anyway, kanina pa ako uwing-uwi so Ok lang siguro. I have no choice.

One of the things I noticed about Rico is being a gentleman. Pinayungan ako nito papunta sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto. He even helped me to put my seat belt. And despite the moderate to heavy traffic ay naging pleasant experience ang byahe pauwi. He has a sense of humor and I can say he's gifted in that deparment. Patok na patok sakin ang mga joke niya. 

Nang makarating kami ng bahay ay hinatid niya ako sa gate at hindi ito umalis hanggang hindi ako nakakapasok ng bahay. Napailing ako at medyo kinilig. Masaya siguro kung may boyfriend akong ganyan. Single pa kaya siya?

The next day ay nagulat ako ng makita ko si Rico sa labas ng bahay na nakahilig sa sasakyan at sa kanang kamay ay may hawak itong kape. Agad itong tumuwid ng tayo ng makita ako.

"Hi ma'am, naisipan kung sunduin ka total same way lang naman..  Alam ko ho kasing sira pa yung sasakyan nyo kaya heto.." hindi ito makatingin ng derecho habang hinihimas ang batok. 

Napangiti ako. Gentleman na thoughtful pa! Hmm, Boyfriend material pala itong si Rico. Pinagbuksan ako nito ng kotse at hindi ko na ikinagulat yun. Pagkaupo nito sa driver seat at itinuro nito ang isang baso ng kape. Take out iyon galing sa isang kilalang coffee shop para saakin. Tumaas ang isang kilay ko. I'm impressed. I like this guy.

It was a busy morning in the office. Halos hind ako tumayo sa aking swivel chair sa dami ng ginagawa. Halos patapos na ang lunch break ng magpasya akong pumunta sa cafeteria. Mangilan-ngilan nalang ang mga kumakain. Natanaw ko si Rico sa di kalayuan. Agad itong ngumiti ng magkasulubong ang aming mga mata. 

"Ma'am van, dito." saad niya habang iminuwestra ang kaharap na upuan. Nakuha nito ang atensyon ng mga naroon at dahil na conscious siya ay agad siyang naglakad sa lamesa ng lalake.

"Late na ho ang lunch niyo ma'am." sabi nito habang ipinaghihila siya ng upuan. 

"May tinapos lang ako." matipid siyang ngumiti dito.

Ilang minuto lang ay na iserve na ang pagkain niya. Mukhang patapos ng kumain ang lalaki ngunit binagalan nito para lang masabayan siya. That made her smile and boost her appetite.

"Ma'am van, napaayos niyo na yung sasakyan nyo? Hatid ko ulit kayo mamaya kung hindi pa ito nagagawa." 

"Salamat, nakakahiya naman baka may pupuntahan ka makaabala pa ako. Bukas ng hapon pa ko pa makukuha ang sasakyan."

"Ayos lang naman, its no big deal. Isa pa gusto talaga kitang hinahatid." saad nito na nagpatigil sa aking pagkain. What does he mean by "gusto niya akong hinahatid"? Sandali ko itong tiningnan and he did the same. Nabasag ang aming pagtititigan sa ingay na gawa ng nabasag na kagamitan. Sabay pa kaming napatingin sa pinanggalingan noon.

Lubos ang aking pagkagulat at ramdam ko ang hindi maipaliwanag na kaba ng mapagtanto kung saan galing ang ingay. Sa kabilang mesa sa hindi kalayuan ay nakaupo ang lalaking iniiwasan kong makita-- ang CEO. Tikom ang kanyang labi na animoy isang linya, salubong ang kilay nito at nag-aalab ang kanyang mga mata. Nakaramdam ako ng takot sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pero kahit na ang dilim ng aura nito, bakit gwapo niya parin? Lihim kong kinagalitan ang sarili na naisip ko yun. Tsk!

Nadako ang tingin ko sa gilid ng mesa nito kung saan nagkalat ang bubog dahil sa nabasag na baso.

"Ma'am vanie" tawag ni Rico na nagpabalik ng atensyon ko.

"Hatid kita mamaya.." ulit nito. Matipid akong ngumiti at tumango.

Bago ako bumalik sa opisina ay dumaan ako sa restroom. Pagkalabas ko roon ay labis akong nagulat ng makita ang CEO nakahalukipkip itong naghihintay.

Humikhim ako. Ano namang ginagaw niya dito? Maglalakad na sana ako upang lagpasan ito ngunit agad itong humarang sa daraanan ko. Napakunot ako ng noo sa ginawa nito. What does he wants this time?

"Layuan mo ang lalaking yun. If you will flirt, atleast doon sa walang sabit. He's a married man for christ sake." may diin pahayag nito.

"Sinong lalaki ang tinutukoy mo? And who are you to accuse me of flirting?" Nangilid ang luha ko pero sinikap kong pigilan ito.

"Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko. Stay away from him. I'm just warning you so will not fall for the wrong guy." saad nito at agad na tinalikuran ako.

Parang tinutusok ng karayom ang dibdib ko a mga oras na yun. Is it because he accused me of flirting? Or because deep within me, I was expecting something from Rico and I assumed too early and the CEO is correct, he is a wrong guy.

Another lesson learned. Don't assume!


Anaya Heart


Boy HuntingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon