[Kath]
Biglang lumapit sila Shekai saakin after nila sumakay ng octopus.
"Oh kamusta?" Taas kilay na tanong ko at tumawa si Shekai.
"Nag panick ako ng na stuck kami sa taas pero wow ah! Ang saya! Ulit tayo!!!" Talon na sigaw ni Shekai tapos tawa ng tawa si Anika.
"Diba si Gabri kasabay mo?" Pang iinis sakanya ni Claire at nag poker face si Shekai.
Nag smirk si Gabri at nagsalita.
"Ayaw ko na" sabi niya at sinamaan ni Shekai ng tingin si Gabri.
"Ako ang unang umayaw" pag tataray ni Shekai.
"Ayaw mo tapos inaya mo? Edi wow" tawa ni Renz.
"Unang una hindi ako ang nag aya" Sinamaan ni Shekai ng tingin si Renz at nagsalita si Jans.
"Edi wow" sabi ni Jans at umusok ang ulo ni Shekai...
Promise umuusok... 0_0
"Gusto mo iedi wow ko ang mukha mo?" Gigil na gigil na tanong ni Shekai at tumawa si Jans, pero hindi todo, mahinang tawa.
"Sige nga ano yun?" Tanong niya at sinamaan siya ng tingin ni Shekai.
"Gusto mo pakita ko sayo yun?" Tanong niya sabay taas ng fist niya at lumaki ang mata ni Jans at tumago sa likod ni Claire.
"Ayaw ko po!!! Maawa kaaa!!" Luhang sagot ni Jans at tinarayan lang siya ni Shekai hanggang kami tumawa.
"Takot sa babae" pag smirk ni Claire at humarap si Jans kay Claire.
"Pake mo?" Sabi niya at tinalikuran si Claire at naging malungkot naman si Claire.
"Bakit?" Tanong ni Anika at lumapit kami lahat sakanya hanggang naglalakad kami papuntang auditorium.
"Nawala na partner in crime ko" sabi niya sabay pout at tumawa ng todo si Shekai.
"Kayo? Partner in crime? Sino niloloko mo? Si batman?" Tawa ko at sinamaan ako ng tingin ni Claire.
"Bakit? Nandito ba si batman? Kinwento ko ba sakanya? Diba sainyo ko kinwento, baka kayo si batman, pwede pa!" pagtataray ni Claire saakin at tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Eh kasi bakit ba partner in crime? Eh palagi nga kayo nagsasagutan" sabi ni Shekai.
"Yun nga partner in crime! Ako yung police siya yung magnanakaw! Diba partner yun" sabi ni Claire na parang obvious masyado ang sagot...
Pft...
Serioso ba siya?
HAHAHAHA XD
Tumawa kami tatlo at tiningnan kami ni Claire na walang clue kung bakit kami tumatawa.
"Kasi naman ang meaning nun magkakampi, hindi magkalaban" pag tatawa ni Anika at namula si Claire.
"S-s-sabi ko nga..! B-buti na g-gets niyo" sabi niya na parang nag jojoke siya...
Edi wow -__-
"Hoy manahimik nga kayo!" Sigaw ni Jans na nasa harap namin, naglalakad.
"High blood?" Pag tataray ni Claire sakanya.
"Ay hindi low blood" sarcastic na sabi ni Renz.
"Ah ikaw ba kasi kausap?" Pag tataray ni Anika sakanya.
"Ah parang ikaw kausap" pag toungs out ni Gabri kay Anika.
"Hindi nga si Anika kausap pero hindi ikaw kausap ni Anika tapos sisingit ka" pag roll eyes ni Shekai kay Gabri.
"Ikaw ba kausap ni Gabri?" Galit na sabi ni Layne kay Shekai.
Ok line ko na! ;)
"Ikaw ba kausap ni Gabri?" Tawa ko tapos tiningnan ako ni Layne tapos tumawa.
Kami lang kasi close dito...
"Eh ikaw ba sinagot ni Layne?" Sagot ni Jans.
"Eh ikaw ba kausap ni Kath? Feeler kasi..." Pag roll eyes ni Claire.
"Eh ika--" pag sisimula ni Renz pero pinigilan ko na.
"Hindi tayo matatapos niyan kaya manahimik ka na" sabi ko sabay taas ng kamay na parang sinasabing stop.
Naka abot na kaming auditorium at nagsimula na kami sa pag basa ng script.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry guys na maiksi pero kasi nasulat ko na ito tapos sinave ko lang, so ng nakahanap ako ng wifi hindi ko na tinuloy at pinublish ko nalang ang chapter na ito...Lowbat na kasi ang pocket wifi namin...
Pero comment kayo at sana natawa kayo! :p
Follow me please!!! >.<
~Sky~
YOU ARE READING
Kontrabida
HumorStoria ng groupo na magkaibigan na walang plano sa buhay kung hindi lamang maging kontrabida sa ibang tao. Bakit? Well why not? Sa bawat storia naman mayroong kontrabida diba? Kaya't naisip nila kesa sila ang mabigyan ng kontrabida sila nalang ang...