Chapter18: First try

124 4 0
                                    

Hyun POV

Nakahiga pa'ko ngayon sa kama ko at nagmumuni-muni pa. Kakagising ko lang kasi. Ginigising ko pa diwa ko.

*ringringring*

Ring ng cellphone ko. Agad kong kinuha yung phone ko sa ibabaw ng unan ko.

"Yeoboseyo?"

"Good morning!" Bati nito sakin. Napangiti naman ako.

"Miss mona ko? Haha!" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Whatever!" Nakasimangot to panigurado.

"Joke lang naman chin sun unnie! Hehe. Bakit kaba tumawag ng ganto kaaga?" Tanong ko sa bff ko!

"Namiss ka lang? He he!" Sagot niya. Umupo muna ako.

"Weh?" Tanong ko pa ulit.

"Oo-asdfghjkl" diko naintindihan yung sinabi niya kasi may tumawag sa'kin.

"Hyun ae! Pinapatawag ka ni Suho hyung, kakain na!" Tawag sakin ni Chen. Tumango ako dito.

"Osige chen. Sunod nako!" Sagot ko lang dito.

"Okay hehehe!" Sagot nito at lumabas na ng kwarto ko.

"Gawd hyun ae, sinong chen yan!? Chen as in KIM JONGDAE ba!? Hooooy!" Sigaw sakin ni chin sun, may kausap nga pala ako. Da eff!

"Ano kaba? Psh. Ano yung sinasabi mo kanina?" Pag-iiba ko ng topic.

"Yun na nga, gusto ko pumunta sa tinitirhan mo ngayon!" Sabi niya.

"Ayoko nga." Sabi ko. Nakakahiya kaya sa exo!

"Gara mo naman e~ pero wait, si chen nga ba yun ng exo? Ikaw ha~" napabuntong hininga naman ako.

"Okay fine! Text ko na lang yung address, pagkapunta mo na tsaka ko kekwento sayo. Bye~" sabi ko na lang para manahimik.

"Labyu haha! Byeee!" Pagkatapos ay binaba ko na. Tinext ko na din ang address. Naghilamos muna ako bago bumaba.

"Good morning~" bati ko pagkababa ko. Tumango sila at yung iba bumati rin. Nagsisikain na din. Kompleto sila dito. Habang kumakain sila ay naguusap sila tungkol sa kung saan saan lang. Ako nakikitawa lang.

"Nung nasa china kami, grabe tong si umin hyung! Tapos na kami kumain kase sobrang busog na kami. Siya kain pa din, grabe!" Kwento ni chen. Tumawa ako don. Takaw talaga.

"Ano pa bang aasahan niyo dyan?" Natatawang sabi ni baekhyun.

"Grabe haha!" Sabi ko habang tumatawa.

"Atleast may abs. Eh ikaw chen?" Sabi ni xiumin. Tumayo naman bigla si chen.

"Ibang usapan na yan hyung!" Sabi ni chen at tumawa.

"Payatot!" Sigaw ni luhan sa kanya.

"Parang ikaw hindi ah?" Sabi ni sehun sa kanya.

"Hahaha! Kumain na lang kayo dyan." Sabi ni suho sa kanila.

"Ye, just eat." Sabi din ni kris.

Tumango naman sila at kumain na ulit. Pagkatapos ay nagprisinta nakong maghugas ng pinggan. Sabi ni xiumin tutulungan daw niya ako.

"Ang bait mo talaga hyun ae no?" Sabi ni xiumin sakin habang inaayos yung pinggan na nahugasan ko na.

"Pano mo naman nasabi?" Tanong ko dito.

Arrange Marriage with Park Chanyeol [[Exo's Chanyeol Fan-fiction]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon