Hyun POV
"Tara na jagiya." Sabi nito habang nakaalok ang kamay niya. Nakangiti din ito sakin.
"Oppa mianhe!" Sabi nung babae sa gitna. Inabot ko muna ang kamay ko kay chanyeol. Dahan-dahan niya kong tinayo.
"It's okay. Pero sana wag na tong maulit. Okay ba yun?" Sabi ni chanyeol dito habang nakangiti. Parang tuta namang tumango ito.
"Sige, tara na." Sabi nito at hinila nako papasok sa van. Pagkapasok ay sinara agad nito ang pinto ng van.
"Okay ka lang hyun ae?" Tanong sakin ni Xiumin.
"Neh." Sagot ko kahit hindi naman. Nakita kong lumayo muna dito ang van ng exo. Baka daw kasi may makaalam ng tinitirhan namin.
"May masakit ba sayo?" Tanong ni chanyeol sakin. Nahawakan niya yung braso kong nabanlian nung tubig kaya napangiwi ako.
"Aray! Napaso nung ramen kanina." Sabi ko dito. Agad niyang kinuha ang towel na nasa bulsa niya at humingi ng tubig. Nilagyan niya ng konting tubig yung towel at pinulupot sa braso kong napaso.
"Yan, sa susunod kasi mag-ingat ka naman." Sabi niya sakin.
"Thanks." Nakangiti kong sabi sa kanya. Tumango lang ito at tumingin na lang ulit sa daan. Maya-maya ay umuwi na din kami. Mabuti nga at walang nakasunod.
Pagkapasok namin sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko. Hindi muna ako nagbihis at tinignan muna ang paso ko.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito.
"Oh baozi?" Tawag ko.
"Gamutin ko na yang sugat mo." Sabi niya at tumabi sakin.
"Sige!" Sabi ko na lang at hinawakan na niya ang braso ko.
"Ano ba nangyari?" Tanong niya habang ginagamot ang braso ko.
"Bumili lang naman ako ramen eh, nagutom kasi ako. Tapos nung paglabas ko, nakasalubong ko yung mga babaeng yun. Nakilala siguro ako kaya yun, inaway ako. Pero okay lang yun." Kwento ko sa kanya. Binitawan niya ang braso ko at hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko.
"Basta pag may problema ka, sabihin mo sakin ha? Pag nahihirapan kana. Andito lang naman ako palagi para sayo e---" di siya natuloy sa sasabihin niya ng may pumasok.
"Hyun ae-- oh, hyung bakit nandito ka?" Tanong ni chanyeol kay xiumin pagkakita niya dito. Agad akong bumitaw sa kamay ni xiumin nung nakita kong nakatingin si chanyeol sa kamay namin.
"Ginagamot ko kasi yung paso ni hyun ae." Sagot sa kanya ni xiumin at tumingin ulit sakin.
"Ako na dyan hyung, magpahinga kana." Sabi ni chanyeol kay xiumin. Tumayo na si xiumin.
"Sige, hyun ae, chanyeol." Sabi nito at nginitian ako. Kaya naman gumanti ako ng ngiti sa kanya. At tuluyan na siyang lumabas.
"Upo na tayo." Nahihiya kong sabi sa kanya. Umupo ako sa kama at umupo din ito sa tabi ko.
"Akin nayan." Tukoy niya sa braso ko kaya naman inabot ko ito. Tinuloy niya naman ang paggamot nito. Tahimik lang kami.
"Yan, okay na." Sabi niya at may binalot nanaman sa braso ko =_=
"Thank you chanyeol." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Sana lang wag na maulit ang ganito." Sabi niya na dahilan para mapatingin ako sa kanya ng nagtataka. Umiwas muna ito ng tingin bago ulit magsalita.
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with Park Chanyeol [[Exo's Chanyeol Fan-fiction]]
FanfictionIkakasal ka? kanino? sa isa sa member ng isang sikat na grupo!?