Hyun POV
"B-bakit?" Tanong ko sa kanya. Pero binitawan lang niya ko bigla ng marahas kaya medyo gumalaw ako sa pwesto ko.
"Wala matulog kana lang." Sabi nito at pumasok na sa kwarto nila. Oo kasi may kasama siya sa kwarto niya. Si baek at chen.
Naiwan akong tulala don at nang makabawi ako ay pumasok nako sa kwarto ko. Gaaaaaad!
***
Kinabukasan
Pagkababa ko ay nakabihis na kong pang-opisina. Wala pa ang exo. Tulog pa siguro, nag-apron muna ako at nagluto ng easy dish for breakfast nila. Sa office nako kakain. Ang importante sila. Hahaha!
Nagluluto pa ako nang may bumaba. Pagkasilip ko si Kyungsoo pala.
"Good morning!" Masiglang bati ko sa kanya. Lumapit ito sakin.
"Good morning din. Ako na magtutuloy nyan alam kong papasok kapa. Pahinga ka muna." Sabi nito sakin. Tumango ako at binigay ang hawak kong sandok.
Umakyat muna ako para makapag-ayos na. Pagkababa ko ay siyang pagsunod ng ibang exo na kakagising lang.
"Ang aga mo naman noona." Sabi ni sehun sakin na humihikab pa. Tinapik ko siya at nginitian.
"Para maaga akong makauwi." Sabi ko lang dito. Ngumiti ito at pumunta na sa kusina para kumain.
Paalis nako ng bumaba na si baekhyun kasunod si chanyeol. Tumingin ang dalawa sa gawi ko. Kompleto na silang lahat na nandito sa baba.
"Pasok na ko guys! Chanyeol una nako! Kumain ka dyan okay? Bye!" Sabi ko pero umirap lang si chanyeol. Yung panlalaking irap ah. Aish. Ngumiti naman silang lahat.
"Ingat ka sa daan." Sabi ni suho.
"Pag may problema tawag ka lang." Sabi naman ni kris.
"Agahan mo talaga uwi mo ah?" Sabi ni sehun.
"Good luck." Sabi ni luhan.
"Hm. Ingat sa pagda-drive." Sabi ni Lay.
"Wag magpaka-pagod masyado, magluluto pa tayo ng sabay pag-uwi mo." Sabi ni kyungsoo.
"Ang gwapo ko." Sabi ni chen. Tumawa ako pero yung members nakapoker face.
"Pag may kailangan ka tawagan mo lang ako or kami. Tyaka mag-ingat ka sa paligid. Haha, sige na bye na." Sabi ni xiumin. Hindi na nagsalita ang iba tanging ngiti lang. Tumango lang ako at nag-bow sa kanila.
"Thank you sa inyo ah! Bye na!" Masiglang pagba-bye ko sa kanila. Tumingin ako kay chanyeol pero nakatingin ito sa malayo. Nag-wave ako sa kanila at umalis na.
Pagkadating ko sa opisina ay tinawag ko muna ang secretary ko.
"Ms. Alonzo. At office please." Tawag ko gamit ang intercom.
"Yes po. Coming ma'am." Sagot lang nito. Nakatingin lang ako sa pinto at inaantay si sexytary hahaha.
"Good morning maam. Ano po yun?" Tanong niya pagkapasok sa office ko. Tinignan ko muna siya. Psh.
"May tanong muna ko sayo." Sabi ko. Tumingin lang ito sakin. ".. Talaga bang pag secretary eh kailangan halos lumuwa ang dede ang suot? For your information Ms. Kate Alonzo, office to at hindi bar." Tanong at sabi ko sa kanya na matalim ang tingin sa kanya.
Agad niyang tinaas ang damit niya para maharangan ang cleavage.
"Sorry po maam." Nakayukong pagsosorry niya.
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with Park Chanyeol [[Exo's Chanyeol Fan-fiction]]
FanficIkakasal ka? kanino? sa isa sa member ng isang sikat na grupo!?