Hyun's POV
Nakaupo ako ngayon dito sa may garage katabi si Chanyeol at nakatingin sa mga bituin. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Jagiya~" tawag nito sakin. Pero nanatili akong nakatingin sa kalangitan.
"Hmm?" Sabi ko bilang sagot sa kanya. Pinatong niya ang ulo niya sa ulo ko. Ang bigat ah.
"Kung bibigyan ka ng isang hiling. Ano yun?" Tanong nito. Napa-isip naman ako. Inangat ko muna ang ulo ko bago magsalita.
"Siguro yun ay yung wala na sanang dumating na problema. Alam kong imposible pero ayun ang gusto ko. Eh ikaw?" Hinagod niya ang baba niya.
Bigla itong tumingin sakin.
"Sa tingin ko, wala na. Andyan ka na eh. Kaya wala nakong mahihiling pa." Nakangiting sabi niya. Kaya naman gumanti ako ng ngiti dito. Nagulat ako nang yakapin niya ako.
"Siguro nga, mahal na talaga kita. Saranghae jagiya~" sabi niya. Napatulo naman ang luha ko.
"Nado saranghae." Sagot ko. Bumitaw kami sa yakap at inakbayan niya ako. Kaya pinatong ko ulit ang ulo ko sa balikat niya.
"Shooting star!" Sigaw ko. Kaya agad akong humiling at nakita kong pumikit din si chanyeol.
'Sana hindi na kami magbago. Yung masaya lang kaming dalawa at tyaka sana wala na ding dumating na problema sa amin at sa EXO.'
Pagkahiling ko ay dumilat na ako. Nakita kong nakapikit pa din siya. Pero maya-maya ay dumilat na rin ito.
"Anong hiniling mo?" Tanong niya sakin. Pero umiling ako.
"Ayokong sabihin kasi baka hindi matupad." Sabi ko kaya naman ngumiti na lang siya.
**
"Why are you with exo nga pala unnie? In this house." Tanong sakin ni Nina habang nagbabasa ako. Sinara ko muna ang libro at sinagot siya.
"Actually, this house is mine. Tapos gusto din dito makitulog ng exo kaya no choice na lang ako. Pero nina, wag mo na sana pagsabi ito through, social sites ah." Sagot ko dito. Dahan-dahan naman itong tumango.
Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Eh diba share kami ng kwarto kaya yun kinakausap niya ako. Sa totoo nga eh naiilang pa ako ng konti sa kanya, pero siya mukhang hindi. Friendly kasi siya at hindi mahiyain.
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with Park Chanyeol [[Exo's Chanyeol Fan-fiction]]
FanfictionIkakasal ka? kanino? sa isa sa member ng isang sikat na grupo!?