Hyun's POV
"Hi hyun ae~" bati ni ye jin sakin. Ngumiti ako at pinapasok siya sa bahay. Pagkapasok namin ay nanlaki ang mata ni chin sun. Pagkakita ko naman kay Nina ay parang lumungkot ang awra niya. Pero di ako sigurado ah, parang kasi eh.
"Annyeong hasseyo~ kim ye jin-imnida. Kung di niyo ko kilala, hehe." Pagpapakilala ni ye jin kela chin sun, nag-bow lang silang dalawa dito.
"Upo ka muna, kuha kita ng cake tsaka juice." Sabi ko dito. Umupo siya sa tabi ni Nina. Si chin sun nakatingin lang dito.
Pagkadating ko sa kusina ay kinuha ko agad siya ng cake at juice. Nagvibrate ang phone ko kaya dinukot ko muna yung phone ko sa bulsa ko.
From: Derp olie~
Jagiya, kakababa lang namin. Kaya ngayon ko lang nabasa text mo. Tawagan kita pag nagreply ka. Kkkk.
Napangiti ako kaya naman agad akong nagreply ng emoticon. Maya-maya ay tumawag na siya kaya sinagot ko agad.
[Jagiya saranghae~]
Bungad niya pagkasagot ko sa tawag kaya naman napatawa ako.
"Whatever olie. Haha!" Natatawang sabi ko na lang sa kanya.
[Namimiss na kita~ nasa van na kami ngayon. Mga tulog na sila. Ako na lang gising, gusto ko kasi marinig boses mo.]
Sabi niya. Kyaaah! Kinikilig nako. Sobrang saya nanaman nararamdaman ko kahit sa ganon lang na sinabi niya.
"Oh, narinig mo na boses ko." Sabi ko sa kanya.
[Eh usap pa tayo. Namimiss kasi agad kita. Alam mo ba kanina nung nasa eroplano pa kami napanaginipan kita, pagkagising ko nakayakap ako kay baekhyun~] parang nagtatantrums na sabi niya. Kung nandito lang yan binatukan ko na yan eh.
"Oo na, tapusin niyo na ang dapat gawin para makauwi agad. Namimiss din naman kita." Sabi ko. Pero yung pagkasabi ko sa huli hininaan ko, nahihiya kasi ako haha!
[Haha! Jagi jagi~] malambing na sabi niya. Napakagat labi naman ako. Kyaah kaloka!
"Derp olie~ derp olie~" sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with Park Chanyeol [[Exo's Chanyeol Fan-fiction]]
FanficIkakasal ka? kanino? sa isa sa member ng isang sikat na grupo!?