"James, why you're not answering my calls?" "I'm busy! May ipinapagawa sa akin ang papa mo at alam mo namang hindi ako pwedeng magkamali. You know your father, magagalit iyon kahit kaunting pagkakamali lang." "I just want to say—-" "Kung ano man iyan, mamaya na. Bye!" "—-happy anniversary."
"My God! Ivy, ano bang nangyayari sa iyo. Matalino ka. One week ng hindi nagpapakita sa iyo 'yong lalaking iyon, isa lang ang ibig sabihin nun, may iba na. Eh, nakalimutan nga niya anniversary ninyo. Huwag ka ng umasa noh." "Weng naman, busy lang siya at pressured dahil kay papa." "Nasa sa iyo na iyon. Pero mas maganda kung aalamin mo ang totoo. Masakit pero sa umpisa lang. just remember, nandito lang ako kapag kailangan mo."
"Paano kung mainlove ako sa iyo?" "Batukan kita diyan. Hindi magandang biro iyan Vince ha. Maiwan na nga kita."
"Tatlong sabjek ang ibinagsak mo?! Hindi ka na nahiya? Kami ng papa mo, hindi kami nakaranas ng bagsak! Bakit hindi ka gumaya sa ate mo. Masipag sa pag-aaral kaya matataas ang grado. Huwag ka ngang magpakabobo!" "Bobo na nga eh! Binobobo niyo pa!" "Huwag mo akong talikuran. Saan ka?" "Matutulog na po!"
Hindi mawala sa isipan ang mga katagang ito. Na siya na palang magiging huling katagang maririnig. Alas-siyete ng gabi noon nang dumiretso na sa silid, mugto ang mga mata. Pinatay ang ilaw, binuksan ang bintana, nagkuros sandali at humilata nang patihaya at tuwid sa kama. Sa wari ay ilang minuto lamang ang dumaan nang dumilat ang mga mata at hindi man lamang gumalaw. Naalimpungatan ng ingay na hindi mawari kung saan nanggagaling. Bigla bumukas ang pinto, lumabas ang dalawang bulto ng katawan. Nanggagalaiti ang mga mukha nito sa galit. Nagsisigawan ang dalawa, dinuduro ako. Isinisigaw sa pagmumukha ang lahat ng pagkakamaling nagawa, ang bawat himaymay ng kamalian sa buhay, kinwentahan ng bawat luhong kanilang ibinigay, ng bawat sakripsiyo nila, ang bawat sariling desisyon sa buhay na tila mali sa kanila. Nais ring sumigaw, umutal ng salitang mula sa puso. Ngunit lalong nanibugho nang hindi marinig ang sariling boses. Tila nasamid ang lalamunan, pumait nang husto. Anong nangyayari? Bakit hindi makapagsalita? Napaluha sa talim ng kanilang salita. Ninais bumalikwas ng bangon upang tumakbo na lamang at lumayo ngunit hindi magawa. Parang may kung anong dumagan sa katawan, para bang may mabigat na pwersa ang pumipigil sa katawan upang makabangon na kahit anong gawing pilit ay hindi matalo ang pwersang iyon. Bigla ang dalawang bulto ng katawan ay lumapit sa kinahihigaan at bigla ay dinaluhong ang lantay na katawan. Nagulat at napaluha. Nabasag ang pagmumukha ng dalawang bulto ng katawan nang makita ang pagluha, at laking pagtataka nang nasilayan rin ang kanilang malungkot na pagluha at lumisan sa silid. Isinara ng mga ito ang pintuan. Naiyak nang tuluyan. Ilang segundo lamang ang lumipas nang pumayapa saglit ang puso't isipan. Natuon ang paningin sa bintana na malapit sa paanan natunghayan ang isang lalaking nakasuot ng itim na damit, madilim ang mukha na ni hindi makilala kung sino. Itinaas nito ang kamay na may hawak na patalim, nakahandang ipanukmal. Unti-unting lumalapit ang imahe ng lalaking iyon. Sumigaw nang sumigaw ngunit bakit hindi marinig ang sariling boses. Malapit na sa kinahihigaan ang imahe ng lalaking may hawak ng patalim at laking gulat nang mapagtanto kung sino ang lalaking may hawak na patalim, nang masilayan ang kanyang nagdidilim na mukha, isang mukhang hindi lamang pamilyar kundi mukha na nakatatak na sa puso, ang lalaking minahal. Lumuha nang tahimik ang pusong nasaktan. Sa pagkakataong iyon ay sumuko ang kaluluwa sa bigat ng dinarama. Kasunod nito ay ang pagsuko ng pisikal na imahe. Pumipintig man ang puso at gumagana man ang isip, kaluluwa ay unang lumisan sa katawang nanghihina kasabay nito ang pagtarak ng patalim sa dibdib na siyang pinagtaguan ng pusong napagod sa bigat na pinasan ng isip. Paulit-ulit ang pagtarak ng patalim sa katawang nanlalata sa kamang kinahihimlayan ng kanyang karimlan. Bukas ang mga matang sagapa sa lungkot, sakit at pait ng buhay dalaga. Hindi maisip na sa murang larawan ng pagsubok ng buhay, siya ay bumigay.
Unti-unti ng kinakagat ng dilim ang mumunting liwanag. At ang liwanag ay unti-unti na ring lumilisan.
Natulog at hindi na muling gumising.
BINABASA MO ANG
Sulyap sa Kahapon
Storie breviKung magkakaroon ka ng pagkakataon na balikan ang nangyari kahapon, ano ang gusto mong baguhin? Ngunit paano kung sa pagsulyap mo sa kahapon ay wala ka ng mababalikang ngayon?