Unang Pagsulyap sa Kahapon

13 0 0
                                    

Kinaumagahan, sinalubong ang pagmumukha ng liwanag na nanggagaling sa labas ng bintana. Tumunog ang alarm clock sa side table, ginising nito ang nahihimlay na diwa ngunit pinahapdi naman ang sugat sa puso. Bumangon kahit ayaw pa ng katawan. Sinalubong ng malalim na buntong hininga ang araw, na nagpapahiwatig na ang kaibuturan ay hindi nasiyahan sa pagdating niya.


Hapon pa ang klase ngunit naghanda na ng mga gamit sa eskwela. Pagbaba, tahimik ang buong paligid ng bahay. Hindi nakita si Papa sa paborito niyang upuan na nagbabasa ng dyaryo, at wala rin si Mama sa kusina na tulad ng inaasahan. Sadya yatang umalis ng maaga. Muli ay nakadama ng lungkot. Ganoon ba talaga kalaki ang galit nila, na kahit sa umaga ay hindi nila gugustuhing makasalo ang bunso sa hapag o makita man lang sa umaga? Masakit, masakit na maskit. Kung alam lang na lalayo ang loob nina mama at papa sa minamahal nilang bunso kapag sinunod nito ang gustong paglipat ng kurso, sana ay hindi na ginawa. Sana ay hindi na nangyari ang lahat ng ito.


Handa na sa pag-alis ngunit ang puso at isipan ay gusto yatang magpaiwan. Wala rin naman magagawa. Kailangan munang lumayo sandali ng bunso sa bahay na ito.

Sa paglabas ng pinto ay muling nadagdagan ang bigat na nadarama. Wala sa sariling isinara ang pintuan. Nausal naman ng isipan, "Sana mapatawad nila."

Sulyap sa KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon