Huminto ang jeep sa gate ng unibersidad na pinapasukan upang mag-abang ng estudyanteng sasakay. Tuliro ang isipan nang bumaba ng jeep. Habang naglalakad ay wala man lang nakapansin sa itsura. Mabigat at namumugto ang mga mata, at hapis ang mukha. Hindi alam kung bakit at wala na ring pakialam pa. Dinala ng saring mga paa sa music room, isang silid na tanging mga miyembro lamang ng Choral ang pwedeng makapasok, kung saan ay laging naglalagi. Walang tao sa loob, tahimik. Hinarap ang piano at tumugtog ng isang melodiyang galing sa puso, taglay ang sakit, ang pagod at ang hirap ng pinagdadaanan. Muling naglandas ang mga luha sa pisngi habang damang-dama ang musika na hatid ng tinutugtog na piyesa hanggang sa hindi na makaya ang sakit. Tumigil ng kusa ang mga daliri sa pagtipa. Tumayo na at sa aking pagpihit paharap sa may pintuan, nakita ang mga kasamahan na nakatutok sa pyanong kanina lamang ay pinatugtog. May gulat sa kanilang mga mata. Bigla ay nakadama ng hiya sa nakitang reaksyon nila. Kailanamn ay hindi pa nila nakita ang sarili sa ganitong disposisyon, malungkot, tuliro at takot. Masayahin at matapang ang nakilala nilang Ivy at siyang lagi nilang nakakasama. Tumakbo na palabas, awang-awa sa sarili.
BINABASA MO ANG
Sulyap sa Kahapon
Cerita PendekKung magkakaroon ka ng pagkakataon na balikan ang nangyari kahapon, ano ang gusto mong baguhin? Ngunit paano kung sa pagsulyap mo sa kahapon ay wala ka ng mababalikang ngayon?