Ninais bumalikwas sa pagbangon ngunit hindi magawa. Parang may kung anong dumagan sa katawan, para bang may mabigat na puwersa ang pumipigil sa katawan upang makabangon, na kahit anong gawing pilit ay hindi matalo ang puwersang iyon. At nang matuon ang paningin sa may bintana na malapit sa paanan ay natunghayan ang isang lalaking nakasuot ng itim na damit, madilim ang mukha na ni hindi makilala kung sino. Itinaas nito ang kamay na may hawak na patalim, nakahandang ipanukmal. Unti-unting lumalapit ang imahe ng lalaking iyon. Sumigaw ako nang sumigaw ngunit bakit hindi ko marinig ang aking boses. Malapit na sa aking kinahihigaan ang imahe ng lalaking may hawak na patalim at ang gulat ay bumahid sa mukha nang mapagtanto kung sino ang lalaking ito, nang aking masilayan ang kanyang nagdidilim na mukha, isang mukhang hindi lamang pamilyar kundi mukha na nakatatak na sa puso.
Ang kamay na may patalim na nakataas kanikanina lang ay kanyang isinunggab sa dibdib at bigla nagdilim...
Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Unti-unti ng kinakagat ng dilim ang mumunting liwanag. At ang liwanag ay unti-unti na ring lumilisan, na tila nagsasabing wala na, wala na ngang pag-asa.
BINABASA MO ANG
Sulyap sa Kahapon
Cerita PendekKung magkakaroon ka ng pagkakataon na balikan ang nangyari kahapon, ano ang gusto mong baguhin? Ngunit paano kung sa pagsulyap mo sa kahapon ay wala ka ng mababalikang ngayon?