Mabigat na Bagahe

8 0 0
                                    

Naglalakad na nang maisip na tawagan ang itinuturing na pinakamatalik na kaibigan sa apat na kabarkada, at siyang pinakamatagal ng kaibigan at pinagkakatiwalaan sa lahat, si Weng, ang sumbungan at adviser na rin, "Weng, nasa'n ka? Pwede bang magkita tayo ngayon?", ngunit "Hello?! Hello!? Hello!?" bumakas ang simangot sa mukha. Hindi niya marinig kaya pinatay na ang call. Naglakad muli sa kawalan. Hindi alam kung saan nga ba ang tungo. Alas otso pa lang at walang kasiguruhan kung saan nga ba pupunta o sino  ang pupuntahan. Basta ang alam lamang ng isip, gusto munang lumayo sa bahay upang makahinga muna.


Nag-aabang na ng jeep pero hindi naman hinihintuan. Awang-awa na sa sarili. Pakiramdam ng puso, nag-iisa lamang sa mundo. Na kahit pati ang mga jeep ay nirirejek ang napapagod ng katawan dulot ng nasaktang damdamin, ayaw pasakayin. Bakit ganon? Pinagkakaisahan ng lahat, ng mundo. Wala man lang mapagsabihan. Nang wala ng mapagdiskitahan ay tinignan ang fonbok ng celfon. Naghahanap ng pwedeng matawagan, ng mapagsumbungan. Pindot ng pindot sa scroll down na may halong inis hanggang sa lumitaw sa screen ang pangalan ng mahal. Napangiti at hindi na nagdalawang isip pa. Pinindot ang call button. Natuwa nang marinig ang boses niya, "Hello!", "James, pwede ba tayong magkita ngayon. Please!" ngunit, "Hello?! Hello!? Hello!? Hello!?" iyon lamang ang narinig nito sa kanya. Nainis ang diwa ng damdamin kaya pinatay na ang tawag. "Tama na! Tigil na! Pinagkakaisahan na nga ng lahat. Hindi na nga hinihintuan ng jeep, hindi pa sinasagot sa telepono.", sigaw ng isip. Maiiyak na sana nang may biglag humintong jeep sa harapan. May naunang pumasok sa bungad ng jeep bago naisalpak ang sarili sa upuan. Nagulat pa at nainis ng walang ano-ano'y mabilis na pinaandar ng drayber ang jeep. Mabuti na lamang at wala gaanong sakay, maluwang lamang kaya nakaupo agad. Lalong nakadagdag sa isiping pinagkakaisahan ng mundo. Naiiyak na sa sitwasyong kinasadlakan ngayon. Wala ng mapuntahan kundi sa isa pang matalik na kaibigan, si Michelle.

Sulyap sa KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon